JUNE 7, 2011 -- SECOND DAY
CHRIS' POV
GOOD MORNING SUNDHINE. Yehess ang ganda siguro ng araw na to. Makaksama ko si TIGRE , sandali nga bakit ba ang saya saya ko? Christopher Joshua Diaz hindi ka pwedeng mainlove sa babaeng yun no. ERASE ERASE ERASE! Okay let's start all over again.. GOOD MORNING SUNSHINE. Yehess and ganda siguro ng araw na to kasi may "MUSIC CLASS" ako. oh yan hindi na si TIGRE ang dahilan ko ah. Mas maganda pakinggan yan. :D
Naligo na ako at nagbihis for school then bumaba ako for breakfast.
"Hijo, kamusta ang first day mo kahapon? HIndi na kita ginising kasi mukhang pagod na pagod ka" mommy
"Okay naman ma super saya." sabay ngiti sa mom and dad ko.
"Aba mukhang good vibes ang first day mo ah kasi dati kapag tinatanong ka namin about your First day lagi mong sinasabi na "BORING or AYAW KO NA PO PUMASOK" pero ngayon "SUPER SAYA".. Is it because of KAY??" daddy
"KAYY? Naku dad hindi po dahil sa kanya no. Yung babaeng yun? Naku magpapari na lang siguro ako kung sya ang dahilan. Hahaha. Oh sya alis na po ako mom and dad maago po kasi class ko ngayon"
"Okay ingat" sabay na sabi ni mommy and daddy
On the way na ako sa school nang biglang may nagtext..
"Heyy Chris how's your sleep? unknown person
"Sino to?
"This is Nicole yung classmate mo" grabe ang dami naman netong sources nakuha agad nya number ko. Badtrip naman oh.. Hindi na ako nagreply kasi wala naman ako sasabihin sa kanya..
Pagdating ko sa school hinanap ko agad si Tigre kasi may deal kami.. Aba, hindi nya dapat kalimutan yun no. Grabe naman sya kapag nakalimutan pa nya. Ipod touch nya ang nakasalalay dito. ^_^
Kay's POV
Grabe kulang na kulang ang tulog ko siguro sobra talaga akong napagod kahapo. Anyway, naligo na ako then nagbihis tapos kumain na ako pero wala si mommy maaga kasi sya umalis for work kaya si yaya lang ang naghanda ng food ko. Then umalis na ako for school.. Pagdating ko sa school nakita ko agad si unggoy, aba mukhang hinahap ako ng unggoy nato ah. Mataguan nga. Pero pano yung ipod ko? HAYY wala akong choice kundi lapitan sya.. Lumapit ako then nakita din namin si Trish kasama ang BOYFRIEND nya (OO may bf na si Trish pero nung una nyang nakita si Chris akala nyo magkakagustuhan sila no?? Ngayon lang pumasok ang BF nya kaya wala sya kahapon nung first day)
"Hey guys ito nga pala ang Boyfriend ko si Timothy Ezekiel Anderson or Tim for short" ngayon ko lang nakilala yung bf ni Trish kasi last year ibang school ang pinasukan nya.. Anyway, nagshake hands sila pati silang dalwa ni Chris. Aba, mukhang nagkasundo agad ang dalwa ah..
"Hey Tim anong section mo?" tanong ni Chris.. I mean unggoy.
"Ahmm nung tiningnan ko yung list ang teacher ko ay si Ms. Santos" sabi ni Tim
"Talaga babe? Magkaklase tayong apat! This is soo much exciting talgaa" sabi ni Bes Trish
"Wow good thing atleast may kakilala na ako at kasama pa kita babe" sabi ni Tim sabay tingin kay Trish.. ang sweet nila. :D
RIIIINGG.RIIINNGG.. (NAGRING NA ANG BELL FOR FIRST PERIOD)
"Bes, mauna na kayo sa room may dadaanan lang kami ni Tim sa Guidance office" sabi ni Trish
"Okay una na ako"
"Ui. Sabay na tayo" sabi ni unggoy. Aba nakalimutan na yata nito yung deal. YEHESS. ^_^
Naglakad na ako at sumunod na sya sa akin.
"Ui akala mo nakalimutan ko yung deal no? Itotour mo kaya ako ngayon" Takte natandaan pa neto. -_____-
"Oo nga pala" matamlay kong sagot.
"Sige na nga one week na lang para hindi tayo masyadong maging close baka kasi mainlove ka pa sa akin" Ang yabang talaga nitong unggoy nato. Grabee akala mo kung sinong gwapo.
"Ang kapal din naman pala ng mukha mo eh no?? Ang yabang mo talaga. Ibigay mo lang kasi yung ipod ko para walang gulo"
"Edi luge ako. Dapat may deal"
"Ano ba kasing gusto mo bukod dun sa tour thinggy?"
"Hmm. Ipagluto mo na lang ako ng food. Gusto ko CHILI CRAB"
"CRAB? Ayoko nga ang hirap lutuin nun" well hindi ko naman talaga ala kung mahirap lutuin yun kasi hindi ako marunong magluto. -_-
"Mahirap? Eh kahit sanggol kayang lutuin yun eh" Chris unggoy
"Iba na lang" pauloy kaming naglakad hanggang sa nakarating na kami sa room namin. Pagpasok namin sa loob nagtingginan sa amin lahat ng mga kaklase namin pati si Nicole. -_- Akala siguro nila friends kami nitong unggoy nato.
"Osige pagiisipan ko na lang. Magkita tayo mamayang lunch then sasabihin ko kung anong deal. Sa may lobby na lang tayo magkita" sabi ni Chris.
"Okay" umupo na ako sa upuan ko at lumapit si Nicole kay Chris.. Ang landi talaga ng babaeng yan. Yuck! pweh! -_- Teka nga, asan na ba si Trish at Tim?
Trish's POV
Kagagaling lang namin ng babe Tim ko sa Guidance Office kinuha kasi nya yung ID nya. Hayy ang ganda ng school year na ito kasi kasama ko si Babe ko and kaklase ko pa sya pati si Bes Kay. I'm so excited and happy talaga.
"Babe, I'm so happy kasi nandito ka na sa school ko"
"Oo nga babe masaya din ako kasi I'm here to protect you unlike last year text and tawag lang tayo"sweet na sabi nya. :D
"I'm so lucky to have you babe"
"Same here babe" Tim
"Babe, dito na lang tayo dumaan para mas malapit" mas binilisan namin ang paglalakad kasi baka malate kami sa first subject. Pagdating namin sa room nagtinginan lahat ng students sa amin as in matutunaw na kami. Nakita ko si Bes Kay at naireserve nya yung 2 seats para sa amin.
"Oh Hi Mister Anderson bakit ngayon lang kayo ni Miss Atienza?" tanong ni Ms. Santos
"I'm sorry ma'am dumaan po kasi kami sa guidance office to get my ID" Tim
"Okay take a seat you both"
Naglakad kami papunta sa upuan kung saan nakareserve yung 2 seats namin. Buti na lang nakapagreserve si Bes. Napansin ko na kanina pa tingin ng tingin sa amin si Nicole but I'm not sure kung sa amin nga ba or kay Tim lang. After some minutes hindi ko na pinansin si Nicole kakaimbyerna eh. Buti na lang nagring na ang bell for lunch. Umalis na kami at nagpunta sa cafeteria.
_______________________________________________________________________
[A/N: Hey guys medyo konti pa din ang nagbabasa pero keri lang. I hope na may magcomment na. Please! Anyway, sana po patuloy nyong basahin ang story ko and comment below if you have any suggestions kung itutuloy ko pa ito. Thank you guys! :D]
Comment.vote.like.recommend.