Chris' POV
Hay salamat nakauwi na din. Sobrang daming nangyari sa araw na to ah. Haaaayyy.. Teka. Oo nga pala susunduin ko pa si tigre bukas. Hahahaha, Nagtataka siguro kayo kung bakit ko sinabi yun no? Hahaha, gusto ko lang itrap si tigre sa akin. Ganyan ako kabad. Pero sa totoo lang cute sya and maganda kaya lang sobrang sungit. Siguro may gusto yun sakin pero wala akong pakealam wala akong gusto sa kanya no. Haayyy, makatulog na nga at magsisimula na ang pagdudusa ko sa school bukas..
Kay's POV
Kakauwi lang namin inihatid pa kasi namin si Trish sa bahay nila. Haaayy kanina ko pa iniisip kung anong mangyayari sa school bukas. Pano si unggoy?? Ayoko sya makasama bukas. Haayy ano ba yan mikhang napasubo ako dun ah. -__- Pano kaya yun?? Hay makatulog na nga at sobrang pagod na ako. :l
JUNE 6, 2011 -- FIRST DAY OF SCHOOL
Kay's POV
OMG! 6:30 na pala. Malalate na ako.. Sh*t hindi ko pala naayos alarm clock ko kagabi sa sobrang pagod.. Naligo agad ako and nagayos for the first day of school. YEEHEESS SENIOR na ako sa wakas.. It's my last year of high school I'm soo freaking excited. Anyway, naalala ko na naman si unggoy. Susunduin daw nya ako?? Eh pano yan kailangan 7:30 nasa school na ako aayusin ko pa yung opening ceremony (President kasi ako ng Student Body).. Bahala na nga. Iiwan ko na lang sya..
"Kay, bumaba ka na dito kakain na tayo ng breakfast, nandito na din ang sundo mo" Mommy
"Osige po" SUNDO?? sinong sundo? Hayy. Ano ba yan..
Pagbaba ko sa hagdan bigla kong nakita si Unggoy. Aba, ang aga naman nito akala ko ba 7:30 pa to pupunta?? Tsukk sayang hindi ko sya natakasan.. -____-
"Oh anak maagang dumating si Chris kasi tinawagan ko sya na kailangan 7:30 ka nasa school kaya sinabi ko sa kanya na kailangan maaga ang punta nya dito" agad na aliwanag ni mommy. Naku nakealam na naman si mommy. Kakainis naman oh. first day of school pa lang badtrip na agad ako..
"Ahh ganon po ba?? Osige" Sabay ngiting aso.. =D
"Oh sya kumain na kayo" Mommy
Tahimik si unggoy ah. Bakit kaya? At isa pa, bakit ba nya ako sinundo?? Ang sungit sungit nya kahapon sa simbahan tapos ngayon may pasundo sundo pa syang nalalaman.. I bet may masamang balak to. -_-
Chris POV
First day of school na. Maaga akong ginising ni mommy kasi sususnduin ko pa daw si Tigre. Grabee dapat pala hindi na ako nagprisinta kasi gusto ko magpalate ngayong first day. Badtrip naman oh.. Agad akong naligo tapos tumawag yung mom ni Tigre sabi nya dun na daw ako kumain. Tapos nagdrive na ako papunta sa address na binigay sa akin ni Daddy, dun daw kasi nakatira sina Tigre.. Nagdoor bell ako tapos lumabas yung mom nya at pinapasok ako.. Pinakain ako ni Tita Janika tapos after 5 minutes bumaba na din si Tigre.. Wow ha, ang ganda nya bagay sa kanya yung dress na suot nya (First day of school ordinary clothes lang ang suot namin).. Tapos pinaliwanag ni Tita Janika kung bakit maaga ako, mukhang nadismaya si Tigre kasi nakita nya ako na maaga ako siguro binabalak netong takasan ako.. Anyway, after namin kumain sumakay na kami sa kotse ko papuntang school..
"Hoy Mister Diaz, bakit mo ba ako sinundo?? Ano ba talagang balak mo?? And just to let you know hindi ako komportableng kasama ka" Nagsalita si Tigre.. Aba, nagtaray na naman. -__-
"You can call me Chris. And sinundo kita kasi sabi ng daddy at mommy ko ikaw daw ang magiging tour guide ko sa araw na to kasi New Student ako.. And para lang ipaalam sayo Hindi rin ako masayang kasama ka.. Teka nga, bakit ba ang taray mo?? Ano bang ginawa ko sayo?? Miss Mendoza???" Well sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ko sya sinundo.. Maybe because gusto ko syang kulitin at gusto ko mainis sya sa akin.. (makulit talaga ako).. =D
