Prologue

39 2 0
                                    

Dream, wish, like, love, vanish forget.



Ilan lang 'to sa mga bagay na kahit kailan ay hindi mawawala sa isip ko. Dahil sa mga factors na 'to, marami ang mga nagiging sawi sa pag-ibig.




Una, panaginip lang. Sa panaginip mo lang nahahanap ang iyong mga ninanais. Gaya ng dream boy. Sa panaginip mo lang nakikita or nakakausap.


Pangalawa, pangarap mo na. Yung parang gustong-gusto mo na s'yang makuha. Ambisyosa lang?


Pangatlo, after those, you already like him. Crush mo na s'ya at nagde-daydream ka na. Babantayan mo na ang lahat ng kinikilos n'ya. Magpapapansin ka na rin pagkatapos. In short, magiging stalker ka na.


Pang-apat, then you will fall for him. You'll already love him. Tapos liligawan ka kasi malalaman n'ya na na gusto mo s'ya. Bakit? Kasi showy ka masyado. Tapos sasagutin mo nga s'ya kasi mahal mo s'ya. Ang saklap. Napaka-brittle naman. Easy to get ba?


Panglima, bigla na lang s'yang mawawala sayo. Malamang, easy to get ka masyado eh. Alam mo kasi ang mga lalaki, mas gusto nila yung nachachallenge sila. Hindi yung ora-oradang nakukuha nila ang isang babae. Kapag kasi easy to get ka, feeling nila ang gwapo na nila tapos no challenge pa kaya mabobored agad sila.

At pagkatapos ano? Masasaktan ka, iiyak ka or the worst is magpapakamatay ka. Yan kasi. So anong napala mo? Wala diba?






Kapag nangyari yan, magiging bitter ka na agad tapos dadating na si pang-anim which is forget. Dahil bitter ka na nga, kakalimutan mo na lang s'ya kahit alam mo naman sa sarili mona ginagawa mo lang 'to para pagtakpan ang sakit na nararamdaman mo. Then sasabihin mo sa sarili mo na you'll live for your life kahit mahirap. Right?






Ganito naman talaga ang nangyayari palagi eh. Napaglalaruan lang kaming mga babae. Akala mo gwapong-gwapo at deserve na deserve mahalin hindi naman. Haiy.

Kaya naman, sana magpakatino-tino ka naman. Sana marealize mo din lahat. And try to be stiff. Wag basta-bastahin ang lahat ng bagay. Okay?

Three SignsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang