Chapter 8- Closure

9 1 0
                                    


Krista's POV


*phone rings*


"Yes hello?" Pagbati ko sa kabilang linya ng telepono habang naglilista ng mga names na pagpapadalhan ng invitation. Two days na lang at magaganap na ang bonggang birthday party na ng pamangkin ni Bryan. Pati kami dito sa opisina ay naeexcite na. Pa'no ba naman. Seeing Bryan helping us out in doing the preparations, pati yung mga jokes n'ya na piling-pili lang ang havey ay nakakapagpasaya na samin.

"It's me."


I immediately ended the call nung narinig ko ang boses ni Kyle. Aba! Ang kapal talaga ng pagmumukha n'ya at naisipan n'ya pang tumawag. Sa lahat ng ginawa n'ya saken, nagkaroon pa s'ya ng confidence to talk to me? Screw him!


Biglang bumukas ang pinto.

"Bryan's waiting for you outside." Ngingiti-ngiting sabi ni Liezel na agad ding sinarhan ang pinto pagkatapos.




















I'm walking towards the veranda na hindi man lang alam kung ano ang mukhang ihaharap kay Bryan. Medyo naBV pa ako.


"Hi." Masayang bati n'ya. Hindi na lang din ako nagsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko. Umupo na lang ako sa upuang inoffer n'ya at hinintay na makaupo din s'ya.


"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko after he took a seat.

Napakunot naman ang noo n'ya. Ano na namang problema nito.

"Are you ok?" Tanong n'ya.




"I am sending the invitations later. Ikaw na lang ang bahalang magpadala sa mga invited guests." Sagot ko. Nasanay na din ako na magrequest sa kanya. Sa ilang araw na pagsasama namin in doing this ay naging comportable na kami sa isa't-isa.

"O-okay?" -sya

"What?" I asked while arching my right eyebrow.



Nagulat na lang ako nang bigla n'ya s'yang tumayo at hinila ako papalabas ng veranda.

















"Saan tayo pupunta?" Iritable kong tanong.

Nakarating na kami sa parking lot. Hila-hila n'ya pa rin ako at hindi ko alam kung ano bang meron na kailangan pa naming magpunta dito.

"To a place where you could find peace and happiness." Sagot n'ya habang nakangiti.



Talaga lang ha.


When we reached his car, binuksan n'ya kaagad ang pintuan ng passenger's seat para pasakayin ako. After entering, sumakay din s'ya.

















Papasok kami ngayon sa isang subdivision na kung hindi ako nagkakamali ay sa subdivision kung saan nakatukod ang bahay n'ya.

"Bryan, saan ba talaga tayo pupunta? Bakit nandito tayo sa subdivision n'yo?" I asked.

"At my house. I want you to meet someone." Sagot n'ya nang nakangiti. He's still facing the driveway na halatang excited pa. What's he up to?




"We're here." He immediately went out of the car at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko ng car ay s'ya ring pagbukas ng gate.

"Tito!!" Isang batang lalaki ang nagmamadaling lumabas ng gate at lumapit sa kanya.

Three SignsOnde histórias criam vida. Descubra agora