Chapter 10- Glimpse

8 0 2
                                    


Krista's POV

"Congratulations newly weds!"
Pag-greet ng mga kaklase at kaibigan namin noong college.

Finally! Ikinasal na rin si Liezel at Dale. I'm so happy na sa almost 6 years of their relationship, sa lahat ng kanilang pinagdaanan together, sa mga happiness and hardships, here they are, sharing the life of each other and already became one. I imagined how my life will be kapag may asawa na rin ako. Kung ikakasal pa ba ako.

Bigla akong napayuko. I wonder how my life would be kung hindi kami naghiwalay ni Kyle. Hays, here I am again. Thinking of him. I know that I should not pero hindi ko pa rin maikaka-ila na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin s'ya at presko pa rin ang sugat na iniwan n'ya sa aking puso. I took my drink on the table where I am on as watching them on the stage taking groupies with our friends. Kung hindi sana kami naghiwalay noon, maybe hindi ganito ang buhay ko ngayon.

"Anj!" Tawag sa akin ng isa kong former classmate as she gestured her hands telling me to come join with them.

"I'll be fine here. Sige lang." I replied. I took a look on the glass of red wine na hawak ko ngayon. Siguro, masaya din kami ngayon. Siguro, buo pa ako ngayon.

Napangiti na lang ako sa thought na pumasok sa isip ko. I really thank my job for making me busy enough to forget the agony that I am suffering. Kahit papaano, nababawasan ang sakit.

I am about to look at our friends in the stage again at laking gulat ko na lang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Mind if I join?" He asked with a smile.

Jake Villafuerte is here. How did he know about the wedding? "Oh hi. Sure." I replied.

I composed myself nang umupo s'ya sa tabi ko.

"How are you?" He asked as he took a look at me.

"I'm fine. How about you? I didn't know you were coming." I answered. Wala kasi s'ya sa list. Hindi s'ya invited today.

"Dale invited me." He said. At nang makita n'ya ang nagtataka kong facial expression, dinagdagan n'ya ang sagot n'ya. "We're classmates before, you know. He's my friend." He said with a smile.

"Oh. I see." I replied. Hindi ko alam 'yun ah.

Nagkwentuhan lang kami ni Jake habang busy ang iba pang guests sa pagpapa-picture kay Dale at Liezel. May mga ganitong pakana pa kasi ang bestfriend ko. Photo booth daw kung saan free magpapicture ang gustong magpapicture kasama sila. Kaya ayan.

Ang dami naming pinag-usapan. Work, favorite stuffs and even personal life situations.

"I have a business firm na pinag-ipunan ko talaga." He said.

"Sariling sikap?" I asked.

"Yeah. I have no choice then. Hindi ko mabubuhay ang sarili ko if I will not work hard. Hindi ko rin mai-aasa kay mama ang lahat. She's getting old na. Masyado na akong pabigat if aasa pa ako. Dagdag n'ya.

Responsable. Iyan lang ang masasabi ko. I didn't know all those things. He have a lucky mother I guess pero nasaan ba ang papa n'ya? Wala na ba s'yang ama?

I am about to ask that question kahit super personal na nang biglang tumunog ang cellphone n'ya.

"Wait, I'll just answer the phone. He said as he tapped the answer button.

"Hello... Yes. It's just there. Look at the drawers... Nand'yan lang 'yon mama... Okay, just wait. I'll go there." And he ended the call.

"Anj, I'm sorry. I need to go. I have something to attend at the office." He said.

"It's okay. Go ahead." I answered with a smile.

And that's it.

Napa-isip ako bigla. Nasaan kaya ang papa n'ya? I looked at him as he leave. I don't know how pero ang galing n'yang magtago ng feelings. Alam kong he's experiencing a problem now and whatever it is, alam kong malalampasan n'ya rin ito. Pero bakit kinikilig ako? Bakit natutuwa ako na nakausap ko s'ya? Bakit masaya ako? I looked at Liezel. I don't know how to thank her wedding for taking me near him, but thank you so much for letting this thing to happen. I owe this wedding a lot.

I shook my head. Agad akong nagising sa katotohanan nang mapansin kong ngingiti-ngiti na ako dito. Ano ba ang pumapasok sa isip ko. Uminom ako ng tubig. Enough of that thing Angelique. Ayan ka na naman. Have you already forgotten na that was just the same when you and Kyle first met? It's also an important occasion and he's also your crush before. But what happened? Iniwan ka lang din sa ere.  Remember, you have your signs. Hold firmly Angelique. Huwag kang magpapaloko sa nararamdaman mo. You might end broken again. Tandaan mo, hindi ka pa buo. You're just starting to pick the broken pieces of yourself. Huwag mong hayaang mapalapit ka sa kapahamakan kung ayaw mong masira ng tuluyan.

---

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jul 01, 2016 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Three SignsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt