Krista's POV
Apat na araw na ang dumaan nang nangyari ang meeting with Mr. Gachallian. Nashock talaga ako kasi ang usapan namin kami ang mag-oorganize. Tapos bigla na lang naging ako?
"What? Bakit?" Hindi ko na alam kung ano ang irereact ko sa mga sinasabi nitong bestfriend ko. We're talking on phone and it's about the party thingy that will happen twelve days from now.
"Please Gellie. I'm on leave for three days. We will be going to settle our honeymoon stay at France. I already told Bryan about this. Please." She's referring to her wedding that is fast approaching.
"Okay. Okay. Just stop calling me Gellie. It sucks. Basta pagbalik mo, magtulungan na tayo ha? He's your friend. I don't want to disappoint him. We need to do our very best to make this party excellent."-ako
"Yey! Thank you Gellie este Anj. Promise. After five days, i'll go home." -sya
"Five wha-....." toot toot toot
O diba? Ang bait. Pinatay. Haiy. And it seems like wala naman akong magagawa.
And after two days, heto ako ngayon. Nakaupo sa swivel chair ko habang naghihintay kay Bryan para sa preparations. Tutulong daw s'ya para hindi na kami mahirapan. Yeah. I am already calling him Bryan. Masyado daw kasing casual kapag Mr. Gachallian. Friend din naman daw ako ni Liezel so ok lang daw ang Bryan para hindi naman daw kami mailang sa isa't-isa. He's already calling me Krista eh. Nakakailang pa rin naman sa part ko pero I need to do it. He's one of our clients. Baka mawalan pa kami kapag hindi ako nakisama.
Tok tok tok
He's here.
Agad ko s'yang pinagbuksan nang pinto at agad ding bumungad saking harapan ang isang Bryan Gachallian na naka t-shirt at jeans. Normal attire lang. Okay na rin.
"Good morning." Bati n'ya while showing a quick smile on the face.
"Good morning. Come in." At ayun. Pumasok din s'ya.
Nang naka-upo na kami sa isang gray couch na may mini-table sa tapat, agad naming pinag-usapan ang lahat ng kakailanganin para sa party.
"So. Kelan mabibili ang lahat ng 'yan." Tanong n'ya habang nakatutok sa list na ipinakita ko sa kanya.
"Probably after three days. We have already ordered every materials that we need in decorating. Yung mga backgraphs okay na including the materials for the table setting, for the games and for the souveniers. All we just need to take care of are the balloons and the entertainers of course."-ako
"So we could probably get this things today right?" He asked.
What?
"O-of course. We could." I answered.
"Ano pang hinihintay natin? Let's go?" Sabi n'ya sabay tayo. Excited pa.
Wait? Let's go? Sasama s'ya? Seryoso?
"Oh! We, with my team could probably get those Bryan. Okay na kami." Depensa ko. Aba! Nakakahiya naman yata yun para sa isang cliente ano.
"No. If you're concern it's fine with me. I have no work to do this week so I could help. Alam ko naman na marami din kayong ginagawa lalo pa't wala si Liezel. Okay lang talaga. Para naman 'to kay Jude." -sya.
"Pero...." Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko. Agad s'yang nagsalita ulit.
"No buts Anj. Let's go." At hinila na n'ya ako palabas ng office. Ang hyper talaga ng lalaking 'to kahit papaano. Diretso lang s'ya habang nag-iisip este habang tinatanong sa sarili n'ya kung anong kulay ng balloons ang bibilhin, saan makakabili, anong shapes at iba pa. Nakakatuwa lang kung paano n'ya sinasabi ang lahat. Naattract pa namin ang atensyon ng ibang staff. Wala na lang din akong nasabi. Wala din naman akong magagawa. Napangiti na lang ako habang iniisip ang luck na meron s'ya. Kapag naging member s'ya ng family n'yo, naku i bet you have a great family. :)
"Yeah. We're here..... MOA.... I told him already.... Namimili ng balloons......" Kausap ko si Liezel sa phone habang nagbibitbit ng sandamakmak na balloons patungong counter.
"He's really hyper you know..... Yeah... Really...." -ako
"Anj!" -Bryan
"Oh wait Liz. He's coming.... Ok.... Call you later...." Dumating s'ya sa tabi ko right after I touched the end call portion of my phone.
I looked at him.
Bilib na talaga ako sa lalaking 'to. Akalain mo kahit nahihirapan s'ya sa pagdala ng mga balloon sticks at iba pang party stuffs, nakangiti pa rin s'ya at relax na relax. Parang wala lang ata sa kanya eh.
Right after paying everything, nagyaya s'yang kumain. Nagutom daw s'ya sa pamimili kaya nandito kami ngayon sa Shakey's. Kumakain.
"Enjoy naman pala yung trabaho mo Anj." Sabi n'ya.
"Enjoy nga. Nakakapagod lang minsan. Lalo na kapag sobrang demanding ang clients." Sagot ko matapos kong uminom ng coke.
Nagkaroon naman ng panandaliang katahimikan bago s'ya nagsalita ulit.
"Sabi ni Liezel, two years pa daw kayo sa business na 'to." -sya
"Oo. Right after graduation, we decided to have this business." ako
Nagpatuloy lang ang ganong usapan namin hanggang sa nakarating na ang topic namin sa college life, sa family, sa work experience, sa mga hardships sa buhay. Ang dami naming napag-usapan.
Matapos ang araw na 'yon, inihatid n'ya ako sa building kung saan ang condo ko.
"Bye. Thanks for today." Sabi ko right after I stepped out of the car.
"Thanks for today din. Nag-enjoy ako." He replied.
Ang saya ng araw ko. Kahit nakakapagod, naging okay na din dahil sa madaldal kong kasama. Hindi ko inexpect na ganon s'ya kadaldal.
Papasok na sana ako sa entrance nang bigla s'yang magsalita ulit.
"Tomorrow na magsisimula ang totoong work right?" -sya.
I turned back para sagutin ang question n'ya.
"Oo." Saad ko ng nakangiti.
"Okay! Tutulong pa din ako ha?" Nakangiti n'yang tugon.
"Wala din naman akong magagawa." At pumasok na ako.
Grabe. This day is so exhausting. Yet it was fun. :)
---
Author's note:
Yey! :)
Jake Villafuerte at the multimedia. :)

KAMU SEDANG MEMBACA
Three Signs
Cerita PendekI don't believe in true love. But even if I don't, I know how to love and I once fell in love. Alam ko kung gaano kasakit ang magmahal sa taong iiwan ka lang. Kaya napag-isipan kong gumawa ng tatlong sinyales. You like me? You want me? Pass my three...