Gabi na...
Lagpas alas-dose na, pero heto ako at gising na gising pa.
Tutuk na tutok lang ako sa cellphone ko, katxt ang mga kaibigan ko.
Tahimik na sa bahay, nakakabingi na nga yung katahimikan, tanging tunog ng keypad ko nalang naririnig ko.
Bandang 2:30am na nang magpasya akong magpahinga, pero dahil gising pa diwa ko, hinintay ko nalang dalawin ako ng antok..
Sa kwarto ko,
Nakapikit lang ako.
Ng marinig kong parang may nag-unlock ng pinto, (yung barrel bolt na lock) nakiramdam lang ako habang nakapikit.
Inisip ko, sila mama lang iyon na nagising para mag-cr.
Nakikiramdam lang ako, pero nakakapagtakang ala na akong narinig na bumukas na pinto ng cr or lagaslas ng tubig.
Tahimik lang...
At dahil naisip ko bigla na, madaling araw lumalabas yung mga multo.
Medyo kinabahan ako pero inisip ko talaga na lumabas lang ng kwarto sila papa..
Kaya dumilat ako at nakiramdam ulit...
Patay ang ilaw ng kwarto ko, pero maliwanag dahil sa dim light mula sa sala..
(Sa bintana ng kwarto ko ay ang sala namin. Kumbaga may bintana sa loob ng kwarto. Gawa sa salamin na blur iyon)
Nakikiramdam ako habang nakatitig sa bintana ng kwarto.
Nang biglang...
May dumaan, black shadow lang ang nakita ko dahil blur ang salamin at dim light lang ang ilaw sa sala.
Inakala ko si papa na talaga yun, kasing height niya kasi ito at parehong walang buhok (hehe)..
Dumaan siya padireksyon sa sa left side ko, akala ko nagcheck lang siya ng mga saksakan.
Pero later on wala ng bumalik, tahimik na ulit. Nakakapagtaka iyon dahil wala namang pintuan sa direksyon na iyon, pader na iyon.
At maliit lang ang sala namin.Kaya dun na talaga ako natakot, at pinilit kong matulog.
Kinabukasan...
Tinanong ko pa isa-isa yung mga kasaama ko sa bahay kung may tumayo sa kanila ng ganung oras pero lahat sila, hindi ang sagot.
Creepy!
I wonder kung ano iyon...
Sabi nila mama, nakikiraan lang daw siguro iyon.
End.
Akala
BINABASA MO ANG
Katatakutan
HorrorLahat tayo ay for sure, nakaranas na nang kakaibang pangyayari... Mga pangyayaring hindi mo mawari, (wow lalim no hehe) Mga nakakatako? Nakakapagtaka? Panong nangyari iyon? Marahil alam niyo na kung ano iyon... Sa gabi, Nariyan lang sila sa dilim...