Rina's POV
Sa maliit na kwarto, doon kami magkakasama matulog ni ate Shane at Nakababata kong kapatid na si Lory.
Sa papag si ate natutulog at sa lapag naman kami ng kapatid kong si Lory.
"Ma, magpeperform kami sa San Juan mamaya, fiesta daw baka hindi ako makauwi. Gabi kasi iyon at malayo pa."
Narinig kong paaalam ni Ate Shane kay mama...
Gabi na....
"Lory ako sa papag ni ate ah, ikaw sa baba" sabi ko sa kapatid ko pagka-tapos kong maglinis ng katawan.
"Eee, gusto ko don e" reklamo naman ni lory.
"Ah basta ako dun sa papag" final na sabi ko. Hindi na siya kumontra dahil wala naman siyang magagawa.
Madaling araw na...
Habang natutulog, bigla nalang akong nagising, napatingin ako sa pader sa harap ko malapit sa pito.
2:43am palang.. madilim sa kwarto pero nakakaaninag nama ako. Hindi naman ako naiihi kaya, hindi nako gumalaw. Mata ko lang ginagala ko ng tingin.
Maya-maya napadako ang tingin ko sa pinto ng kwarto na gawa sa aluminum.
Kinabahan ako,..
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang....Dahan-dahan itong bumukas.
As in dahan-dahan lang, wala namang akong maaninag na kamay na nagtutulak dito.At kung itinulak man iyon, dapat mabilis bumukas ang pinto dahil magaan lang iyon.
Wala ding hangin kaya natakot ako, pigil ko ang paghinga ko habang nakatitig lang sa pintuan.
Pagbukas nito ng mga 5 inches bigla nalang ito sumara ng malakas kaya napalundag ako kay lory na nasa ibaba lang ng papag ko.
"Hmm Rina napapano ka?!" tanong niya agad saken.
Sumiksit ako sakanya..
"Yu-yu---yung pinto Lory, bumakas tapos biglang sumara!"
"Totoo?! baka si Tita Julia lang iyon similip" sabi niya habang tumatayo para isindi yung ilaw.
"Wala naman akong nakita e" sabi ko.
Dahil natakot na din siya hindi na kami lumabas.
Tumabi nalang ako sa kanya at natulog nalang ulit.
to be continue...
BINABASA MO ANG
Katatakutan
HorrorLahat tayo ay for sure, nakaranas na nang kakaibang pangyayari... Mga pangyayaring hindi mo mawari, (wow lalim no hehe) Mga nakakatako? Nakakapagtaka? Panong nangyari iyon? Marahil alam niyo na kung ano iyon... Sa gabi, Nariyan lang sila sa dilim...