Barkada Trip

29 1 0
                                    

Whin's POV

"Ok class, that's all for today" paalam ni sir, buti naman piga na utak ko sa algebra niya.

"Uy Whin, kela jade daw tayo mamaya" Si Cassie.

"Bakit 'nu meron?"

"Wala, shot daw tayo kasama si Ian, Zhy and Dina and for sure sasama yung boyfriend mo"

"Ok sige col!" pag-payag ko.

"Tara na, naghihintay yung mga yun.." aya niya saken.

Lumabas na kami at nagpunta sa tambayan namin sa labas ng school.

Maya-maya pa ay nakarating na kami...

"Babe" lumapit sakin ang bf ko at humalik sa pisngi.

"Woooh umay naman yan" asar ni Cassie..

"Inggit ka lang, NBSB ka kase haha" balik-asar ko naman sa kanya.

"Tara na guys, para di tayo masyadong gabihin" aya ni Ian.

Bago dumiretso sa bahay ng friend namin ay namili na kami ng mga pagkain at inumin.

First time naming lahat pumunta sa bahay ni Jade.

And sabi niya ay malapit lang iyong kanila kaya nagdecide kami na maglakad nalang,,

Napatingin ako sa Pangalan ng lugar Divera 168. Ang akala ko ay puro magagandang bahay ang meron doon pero maya-maya pa ay may mga bakanteng lupa na at malalayo na ang mga bahay. May malalaking puno rin.

Ganito pala dito parang nasa probinsya lang ang peg. Sabi ko sa isip ko.

At dahil naglalakad nga kami, yung mga baliw puro kalokohan ang pinaguusapan. Ang ingay namin sa daan as in kulitan at tawanan.

Ako naman nakikitawa lang sa kalokohan nila.

Hanggang sa makarating na kami sa dulong bahagi. May compound doon, mga 4 na bahay and meron at sa gilid na bahagi ng compound ay taniman ng palay.

Pumasok kami sa gate, pinakilala kami ni Jade sa parents niya at nagpaalam na magiinom kami, pumayag naman sila.

Naghanda na sila ng mini table at mga upuan sa tapat ng bahay ni Jade, hindi naman mainit kaya doon na kami pumwesto, may ilang puno ng bayabas at kung anu-ano din doon kaya medyo presko.

Kwentuhan at tawanan kami habang nag-iinom, hanggang sa dumilim na, hindi ko na alam ang oras, basta alam ko gabi na.

Lasing na yata ang mga kasama ko, kasi kahit ako ay may tama na din pero ok pa ako.

Maya-maya pa ay nagsusuka na si ian kaya sinamahan siya ni kasi sa may gilid ng puno.

At yung katabi ko naman na si Zhy ay bigla nalang nayuko akala ko nasusuka kaya hinagod ko yung likod niya at nayuko nadin ako.

Yun pala umiiyak na siya...

"Zhy ok ka lang?" tanong ko.

"May kasama tayo" sabi niya habang umiiyak.

"Nandun sila sa may puno ng bayabas, dalawa sila." tinuro niya sa akin yung direksyon ng puno, madilim wala naman akong nakikita.

"Ano ba sinasabi mo Zhy, wala namang tao dun e" sabi ko, kinikilabutan nako, pero hindi naman ako natatakot talaga dahil wala akong nakikita.

Tumabi sa gilid ni Zhy si Dina at nakikihagod sa likod ni Zhy.

"Friend lasing ka lang, oh tubig." inabutan niya ito ng tubig. Yung bf ko naman ay nakatulog na yata sa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon