Prologue

4 1 0
                                    

Prologue

LOVE...they say it makes a person go crazy. Kasi daw pag nag mahal ka, daig mo pa ang isang baliw. Madalas mong kakausapin ang sarili mo. Pero ang LOVE, it will also makes your world go around.

Ang love na nga siguro ang pinaka importanteng bagay sa mundo. Kasi kung wala ito, wala tayo dito sa mundo.

Baliw na nga siguro ako. Naniniwala kasi ako sa forever. Pero kung tatanungin niyo ako, wala akong forever. Hindi ko nga alam pano ako naniwala sa forever, gayong wala naman akong boyfriend.

Madalas kong kausapin ang sarili ko, bakit hanggang ngayon, wala pa din akong forever. Hindi ko din alam ang sagot sa tanong kong iyon.

20 years of my life, I dedicated it to my family and to my studies. Bata pa lang kasi ako, sabi ng Mommy ko, dapat ko daw unahin ang pag aaral at ang pamilya. Mag-aral ako ng mabuti at sundin ko ang mga magulang ko. Para din naman daw kasi ito sa ikabubuti ko.

Nasunod ko naman iyon, heto nga at malapit na akong magtapos sa kolehiyo. Kaunting panahon na lang, matatapos na ako ng hindi ko nabibigyan ng sama ng loob ang mga magulang ko. Napaka good girl ko daw sabi ng mga kaibigan ko.

5% na lang siguro ng population ng mga babae ang katulad kong NBSB ng 20 years old and above. Bakit nga ba wala? Yan ang laging tanong ko sa sarili ko. Bakit walang mag kagusto sa akin...

Ako si Daniela. My friends call me Dana, masyado daw mahaba ang Daniela. Nag-aaral ako, at malapit na kong grumaduate. Isang taon na lang makakapag tapos na din ako.

Hopeless romantic ako, kaya nga naniniwala ako sa forever. Gaya ng mga napapanood ko at nababasa ko, naniniwala ako sa slow motion, sa prince charming, sa destiny at sa happy ending.

Pero iba pala sa realidad, hindi ganun. Magkaiba ang storya natin sa mga napapanuod at nababasa lang natin.

Pero ang tadhana o ang destiny ay maaaring totoo. May posibilidad na totoo yun. Ngunit pano ba natin malalaman yun? Hahanapin ba natin o hihintayin?...

A/N : Hello sayo, kung binabasa mo tong story ko. THANK YOU! Pero wag niyong asahang lagi akong mag uupdate. Anyway, yung mga naung story ko dinelete ko na, pasensya. For some reasons, kelangan kong idelete yun. :( Pero babawi ako ngayon, mas better yung gagawin ko ngayon kesa nung una. :) Alright, keep reading and be inspired! Don't forget to vote and comment para malaman ko yung opinions niyo. :)

The Choice (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon