2 Setting Goals

7 3 0
                                    

Chapter 1 Setting Goals

Isa akong taong maraming pangarap. Nag iisang anak lang kasi ako ni Mommy at ni Daddy. Marami akong pangarap para sa kanila at para sa sarili ko.

Goal-oriented person matatawag sa akin. When I was 15 years old, nalista ko na lahat ang gusto kong gawin sa buhay.

Simula sa pangarap ko para sa mga magulang ko, nailista ko na. nailista ko na din kung saang lugar ko gusto pumunta. Kasama na din sa listahan ang mga gusto kong bilhin pag may trabaho na ako. At hindi mawawala sa listahan ko ang mga katangian na hinahanap ko para sa isang taong makakasama ko habang buhay.

Binigyan ko pa nga ng deadline ang sarili ko sa lahat ng mga nilista ko. Ewan ko ba, feeling ko kasi parang ang bilis bilis ng oras at feeling ko ang bilis kong tumanda.

Andito ako ngayon sa isang paborito kong coffee shop at nagbabasa ng bagong novel na kabibili ko lang.

Usually, pag wala akong ginagawa sa bahay, pumupunta ako dito sa coffee shop na to. Nakaka relax kasi e. Wala din naman si Mommy at Daddy sa bahay kasi nag tatrabaho sila.

Malapit na din silang magretired once na maka graduate na ko. Summer nga pala ngayon at few weeks from now, back to school na ulit ako. 4th year college na pala ako sa pasukan.

Once I graduated, ako naman na ang bahala kela Mommy at Daddy.

Teka, si Wendy yun ah. Kapapasok lang niya sa coffee shop. Agad din naman niya akong nakita.

"Uy Dana! Long time no see. Kamusta ka na?" Ani Wendy. Nakilala ko sya dati sa isang sinalihan kong organization sa school. Naging super close din kami nito.

"Hi, Wendy. Ok lang ako. Ikaw ba kamusta ka? Tagal kitang di nakita?" Sabi ko. Nag quit din kasi ako dun sa Org na yun due to sa sobrang busy ko sa ibang school stuffs.

"Ayos naman ako. Sandali at oorder lang ako at sasamahan kita." Umalis na sya at umorder ng iinumin niya.

Maya maya bumalik din sya dala ang Caramel Frappe na inorder niya.

"Active ka pa din ba sa Org?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Namiss kita doon, bumalik ka na kasi." Sabi niya sa akin.

"Titignan ko ngayong darating na pasukan, kaso hindi ko sure kasi mas magiging busy na siguro ako dahil alam mo na, graduating." Sabi ko sa kanya. Matanda ako sa kanya ng isang taon kaya sa pasukan, 3rd year pa lang si Wendy.

"Kering keri mo yan te. Basta, hihintayin ko ang pag babalik mo sa Org. magiging senior ka na pag bumalik ka." Sabi niya sa akin. Sigurado pag balik ko sa Org, isa na ako sa mga magiging chairperson kasi last year ko na sa college.

Kung ano ano pa ang pinag usapan namin, nakalimutan ko na nga na meron pala akong binabasang book. Pero di bale na, sa bahay ko na lang ulit to babasahin.

Habang busy kami sa pag uusap, may couple na pumasok sa loob ng coffee shop at sobrang PDA. Pag pasok pa lang, nakaakbay yung guy sa girl with matching kiss pa sa cheeks tapos dikit na dikit pa sila sa isa't isa.

Natatawa naman ako sa reaction ni Wendy kasi, hindi maipinta yung mukha niya. Yung mukha niya kasi parang diring diri tapos mukhang bitter.

"Uy, bakit ganyan ka makatingin sa kanila?" tanong ko sa kanya.

"Eh tignan mo naman kasi, akala mo aagawin kay Ate yung boyfriend niyang mukhang tuko." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Huy, baka marinig ka at baka magalit sayo." Sabi ko sa kanya habang tumatawa.

"Eh ano naman. Nako mga ganyan, maghihiwalay din yan." Sabi niya. Ang bitter niya ha.

"Uy, ano ka ba. Pano mo naman nalaman?" Tawa pa din ako ng tawa. Nakakatawa kasi sya mag salita. Iritang irita sya dun sa couple.

"Sus. Ganyan din kami noon ng ex ko, super sweet. Pag tumagal, matabang na at maghihiwalay din." Hindi ko totally kilala yung ex niya, pero kaya sila nag hiwalay dahil sa trust issues.

"Hindi na ba kayo nag kabalikan ni Daryll?" Tanong ko sa kanya. Agad naman syang umiwas ng tingin, siguro ay mahal pa niya yun si Da. 1 month pa lang kasi nung naghiwalay sila.

"Hindi. Tsaka wag na nating pag usapan yung tukmol na yun. Tigna mo oh, grabe di na nahiya. Andito kaya sila sa public place, sarap buhusan ng mainit na tubig e." Bitter na bitter na pag kasabi niya base dun sa nakikita naming PDA na couple.

"Wag mo ng pansinin, tara na nga at umuwi. Mag gagabi na din oh. Napahaba ata ang pag kekwentuhan natin." Aya ko sa kanya sa pag uwi, pareho lang naman kasi ng way yung dadaanan naming pauwi.

Habang pauwi kami, naisip ko din. Mabuti pa itong si Wendy na feel niya na kung ano yung feeling ng isang inlove nung sila pa ni Da. Kahit na nahuhurt sya ngayon, alam kong mag kakabalikan pa din sila.

Mahal pa naman nila ang isa't isa e, pakipot lang ata tong kaibigan ko. Though hurt sya ngayon, eh kasama naman talaga yun sa pag ibig di ba. Ang masaktan.

Kaya nga ako, nag reready na din ako. Kung someday ibibigay na ni Lord, yung prince charming ko. Alam kong di yun puro saya.

Wala akong alam sa pag ibig, pero ang alam ko lang, hindi magiging madali yun. This isn't gonna be easy.

.........

The Choice (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon