3 The Beggining

0 0 0
                                    

Dana POV

Kriiiiiinggg!!! Alarm ko yan. Hahaha. Ganda ng tunog noh? Maaga akong nagising dahil ngayon na ang simula ng klase. Sa wakas, ito na yun! Malapit na akong magtapos sa kolehiyo. Business Management nga pala ang course na kinukuha ko, sabi kasi ni Mommy mas mabilis daw makakuha ng trabaho.

Pababa na ko at nakabihis na, amoy na amoy ko na ang nilulutong sinangag ni Mommy. Naabutan ko ding nagkakape na si Daddy habang nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning My and Dy!" Masayang bati ko sa kanila. "Good morning baby girl, aba naman. Mukhang excited ng pumasok ang baby namin ah. Galingan mo anak ha, at malapit ka ng matapos." Sabi ni Daddy.

"Aba syempre naman Daddy, ako pa ba. Kakayanin kahit mahirap basta Daddy ako na bahala sa inyo ni Mommy pag nagkaroon na ako ng trabaho. Hindi niyo na kelangan mag trabahong dalawa." Paglalambing ko sa kanila.

"Nako naman ang anak ko, napakaswerte talaga namin sayo at ikaw ang anak namin." Sabi naman ni Mommy habang nag pinaghahanda kami ng breakfast. Kumain kami ng masaya para masaya din ang simula ng araw.

Hinatid muna nila ako bago sila pumasok sa opisina. Pero ngayon lang dahil ngayon lang maaga ang pasok ko dahil may orientation ang mga graduating students. So bukas, di na nila ako mahahatid dahil alas dose ng tanghali ang simula ng klase ko. Ngayon din pala pag uusapan kung saan kami mag oojt.

Agad ko namang nakita si Claire pag pasok ko sa gate ng school. Si Claire ang college buddy ko simula nung first year. "Frenny, I missed you. Ikaw ka din bakla, nag bakasyon lang lalo ka atang gumanda." Sabi niya.

"Ano ka ba. Hindi lang ako puyat kagabi kaya siguro maayos ang itsura ko ngayon noh. Teka nga, tara na sa auditorium baka nag sisimula na ang orientation." Pagmamadali ko sa kanya dahil saktong alas otso na. At alas otso ang sinabing oras para sa orientation.

Pag pasok namin sa loob ng auditorium, agad naming nakita si Edward, ang boyfriend nitong si Claire. So expected na nakay Edward na and buong atensyon ni Claire. Sanay naman na ko. Thirdwheel na ang role ko sa pag kakaibigan namin. At okay na okay lang sa kin yun. Pero minsan hindi mo din maiiwasang mainggit di ba? Hindi mo din maiiwasang tanungin ang sarili mo kung bakit may nag papasaya sa iba pero sayo wala. Oo nga't sagana ako sa pag mamahal ng pamilya pero di ba, ilang taon na ko. Hayyy.

......

A/N: aba naman!! 3 years ata bago ulit nag update. Naburo na yung naunang chapter. Haha! Alam ko namang walang nag babasa nitong story na sinusulat ko pero keri lang. Tuloy pa din ang agos ng buhay ko, mag bago man ang hugis ng ating mundo bastat tuloy pa din. Char! Vote and likeeeee!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Choice (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon