July 16, 2015
**Kasalukuyang Panahon**Maaga pa lamang ay abalang-abala na ang mag-asawang Alden at Dub para sa gaganaping 18th birthday ng kanilang nag-iisang anak na si Celestina.
Aligaga ang lahat ng kasambahay at caterers sa mansyon upang ayusin ang setup ng party nito.
Sa kabilang dako naman ng mansyon, makikita ang isang matandang babae na nakapostura at ang di-kakapalang labi nito ay may mapupulang pahid ng lipstick, may makakapal na tabas ang kilay nito at may mala-gintong buhok ito na kakikitaan ng pagkalaki-laking head dress.
Naglalakad ito patungo sa kwarto ng kanyang apo habang hawak ang kanyang itim na abaniko sa kanang kamay at bitbit naman ang isang librong itim sa kaliwang kamay niya.
Marahan niyang Ipinapaypay ang kanyang dalang abaniko kahit na hindi naman ganoon kainit ang panahon.
Siya si Nidora-- Ang Lola ni Celestina at ang INA ni Alden Ricardo Josefio na asawa naman ni Divina Ursula Bukbokova.
Matapos ang mahaba-habang pagpanhik at paglakad ni Lola Nidora, sa wakas ay narating niya na ang pinakadulong kwarto sa mansyon--ang kwarto ni Celestina.
(Imagine niyo na lang yung way ng pagsasalita ni Lola XD )
*tok*tok*tok*
"Apo... Ang Lola mo ito."
"Nariyan na po La!" Sagot ni Celestina.
Narinig niya ang papalapit na mahinhing yapak ng kanyang apo. Pinagbuksan ni Celestina ang kanyang lola at pinapasok sa kanyang kwarto.
Diretso sa may veranda ang mag-lola kung saan lagi silang nagke-kwentuhan at nagchichikahan tungkol sa kung saan-saang bagay.
Naupo si Lola Nidora sa kanyang rocking chair at sa tapat naman niya umupo ang kanyang apo.
Inilapag ni Lola ang kanina pa niyang hawak na libro at ipinatong sa mini round table na nagsisilbing nilang pagitan ng kanyang apo.
"Celestina! Hija... Unang-una, nais kitang batiin ng maligayang kaarawan... Sana ay maging masaya ka sa mga susunod mong taon at sa susunod pa at sa susunod pa. I wish you all the best apo.
Parang kailan lang beybing beybi pa kita pero ngayon..
ang laki-laki mo na Hija..Marahil ay ito na ang TAMANG PANAHON upang malaman mo ang sikretong matagal na naming itinatago sa iyo.
"Ano pong sikreto iyon Lola?" Kunot-noong tanong no Celestina.
"Ang sikretong nakapaloob sa aking secret diary hija. Lumapit ka apo at makinig ng mabuti dahil mahaba-habang kwentuhan ang gagawin natin ngayon." Ani Lola.
Tango lamang ang itinugon ni Celestina habang nakatingin sa librong nakahain sa harap niya.
Dahan dahan nang binuklat ni Lola ang hard bound diary niya.
"Maaaring hindi ka maniwala sa mga maririnig mo apo ngunit ang lahat ng sasabihin ko ay pawang katotohanan lamang. Kaya ngayon pa lang binibigyan kita ng... BABALAHHHH ..."
Huminga siya ng malalim at nag-umpisa nang magkwento.
BINABASA MO ANG
Ang Historya ni Lola Nidora(SLOW UPDATE)
FanfictionBABALA! -Bukod sa Pagiging asawa ni Babalu- ANG SUSUNOD NA MGA PANGYAYARI AY EPEKTO LAMANG NG PAGKABAGOT AT PAGKABALIW NI AUTHOR. WALANG ANUMANG PANGYAYARI SA ISTORYANG ITO ANG TUNAY NA NAGANAP. Warning: Immature Content XD -ChaWhiLove @LoveRedux