Heart Beats (humor)

103 6 4
                                    

WAP: Isa lang ang aming entry sa kategoryang ito sa kadahilanang hindi nakapagpasa ang kabilang grupo.

Papasok na ng gate ng school si Elise nang marinig na namam niya ang pamilyar na tawag ng mga kaklase nya. Napailing na lang ang dalaga. Tuwing umaga na lang kasi, pinag uusapan siya ng mga ito. Para bang hindi na bago sa kanya ung ganito, nakasanayan na lang din nya.

“ Andyan na naman si Master!! Paniguradong may bagong kanta na namang natuklasan yan. Share naman, Master!” Pambungad na dada ni Margie, isa sa mga fangirl ni Elise.

Biglang napangiti si Elise. Yun naman kasi talaga ang kumukumpleto sa araw nya. Ang mga papuri na natatanggap nya mula sa mga kaklase nya. At liban sa mga kaklase nya,halos buong paaralan nila ay alam kung gaano sya ka-updated when it comes to music. At ang alam din ng mga ito,maganda ang timbre ng boses nya—na  sa katunayan,isang malaking pagkakamali. Ngunit hindi nya maituwid dahilan sa takot na baka bumaba ang popularidad nya sa nasabing paaralan.

Huminto sya sa paglalakad at masayang sinalubong ang mga nagkukumpulang estudyante sa gilid ng gate.

“ Ayo!! What’s up coconut? Balita sa inyo? “ Masaya nyang bati sa lahat.

Naghagikgikan ang mga kaklase nya. Tila bagang kinikilig sa mga bawat salitang namumutawi sa kanya. Pero ang totoo,nasasabik lang ang mga ito sa mga bagong tugtugin na laman ng kanyang ipod. 

“ So…. Meron na ba tayong bago dyan,Master?” Medyo naiiritang sabi ni Danna. Isa sa mga critic na matatawag ni Elise. Kung meron mang against sa tinatawag na pagsikat ni Elise--- Si Danna na yun. Ang ultimate inggitera slash insekyora.

Siniko ni Me-anne si Danna. “ Ikaw talaga,napaghahalataan ka eh. Alam mo kasi Danna, kung nagbabangs ka na lang, edi sana hindi mo mararamdaman yang insecurities na yan. Ang lapad kasi ng noo mo, dinaig yung runway ng PAL. Oh my gosh!!!! Hahahahahaha!”

Bumunghalit ng tawa si Elise. Minsan kasi nahahalata nya na iba yung mga titig ni Danna sa kanya. Hindi basta-basta ung mga titig na un eh. Talagang may laman eh.

Bago pa nya masagot yung tanong ni Danna, may tumulak na agad sa likod nya. Napalingon sya agad sa likuran nya at nakita nya ang nakasimangot na si Gelo. 

Agad na napalitan yung masayang aura na meron sya. Kung may kinaiinisan sya sa paaralan nila, si Gelo na yun at walang iba. Ang pinakasuplado at pinakamayabang nyang kaklase. Mabilis nyang hinila ang kwelyo nito at tinitigan mula ulo hanggang paa.

“ A simple sorry is enough. But I guess, you didn’t even know how to spell that word.” At nag umpisa nang magtaray ang ating bida.

Napataas ang kilay ng binata sa tinuran ni Elise. “You think so? Let me tell you a secret.” Nagulat pa ang dalaga nang ilapit ni Gelo ang mukha nito sa kanya. At binulong ni Gelo ang isang bagay na labis na nakapagpabigla sa kanya. Hindi nya inaasahan na alam ni Gelo ang sikreto na un. 

Ngiting tagumpay ang namutawi sa mga labi ni Gelo. Alam kasi nyang wala nang masasabi pa ang dalaga sa kanya. Kumbaga nasupalpal nya agad. Pero hindi naman sya galit sa dalaga. Sa katunayan natutuwa syang panooorin kung papaano makihalubilo ang dalaga sa iba. Isa pa, may kung anong kakaiba syang nararamdaman sa tuwing nakikita nya ang dalaga. Nararamdaman na kahit siya ay hirap ipaliwanag kung ano un.

“ Hey!! Master,are you still with us? Papasukan na ng langaw yang bibig mo oh! Sara-sara din pag may time!” Puna ni Margie.

Bumalik tuloy sa realidad si Elise dahil sa biro na un ni Margia.

“ Oh… I have four songs na bagong labas lang sa Billboard. Kakadownload ko lang ng mga ito. Wanna check it out, guys? “ Sabay labas nya ng iPod nya. At kinalimutan nya na muna pansamantala yung ibinulong ni Gelo sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

War of the PrettiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon