4:30 a.m
December 21, 20XX
This is it! The judgement day! Ngayong araw na ang Outreach Program namin. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko. Mixed emotions kasi eh. Naghalo ang kaba, excitement, happiness at …. Kilig. :”>
Halos buong lingo din kami naging busy at halos buong liggo ko din nakakasama sa practice si PJ. Actually, medyo nagiging close na nga kami eh. Ang sarap sa feeling na maging in speaking terms ka sa crush mo.
Tumayo na ako para maligo. Maaga pa kasi namin kelangan mamili para fresh pa ‘yung mabili namin.
*****
Andito ako ngayon sa Mcdo malapit sa school. 6:00 a.m na rin. Hinihintay ko si PJ at ung dalawa pa naming kaklase. Dito kasi ang usapan naming meeting place. Para makapagbreakfast pa daw kami. Maya-maya, nakita ko nang paparating si PJ. Nakashirt na plain white lang sya and jeans at may bitbit na jacket pero ang HOT pa din nyang tignan. Umayos na ako ng upo at nagkunyari na hindi ko sya nakita.
“Hi Krish!”
“Oh, andyan ka na pala. Nasaan na sina Mark at Jane?”
“Ewan ko sa kanila. Kanina ka pa ba?”
“Hindi naman. Pero medyo nagugutom na ako eh.”-sabi ko habang hawak pa ang tyan ko.
“hahahahaha” anong nakakatawa? “dapat hindi ka pinaghihintay eh. Order lang ako.” Sabay alis nya after nya ilapag ang jacket sa lamesa.
Ganun? Oorder sya? Iiwan nya ako dito? Naku naman! Ang daya! Ako ang nagsabing gutom na ako sya pa naunang bumili. Hindi man lang tinanong kung gusto kong magpasabay. Hindi naman ako pwedeng umalis dito kasi andito gamit ko at ung jacket ni PJ.
Naiinip na ako. Medyo matatagalan pa ata yun si PJ kasi medyo mahaba pa ang pila.
*BLUUUURT!*
Tunog ‘yan ng tyan ko. Ang tagal naman ni PJ. Pagtingin ko sa bandang counter, nakita ko na si PJ papalapit habang may hawak na tray ng pagkain.
Ang dami naman yata ng inorder nya? Akala ko ba ako gutom? =_=
Tinanggal ko ang mga gamit na nakalagay sa lamesa para mailapag nya ng maayos ang mga pagkain.
“PJ, wait lang ah. Order lang din ako.”sabi ko sabay tayo pero hinila nya braso ko kaya napaupo ulit ako. May ground ata kamay nya eh. NAKURYENTE ako! XD
“Ang dami ng inorder ko. Hindi ko kayang ubusin to.”
“Eh bakit ka umorder ng madami kung hindi mo naman pala kayang ubusin?”-tanong ko
“para sabayan mo akong kumain.”
“ha? Ano sabi mo?”
“Sabi ko, kumain ka na dyan. Binili ko ang mga ‘yan para sa ating dalawa.”
OHMYFUDGE!! Ang sweet ni PJ! Feeling ko tuloy ang sexy ko! Ang swerte naman ni Bianca sa kanya.
“Oh, ano pa hinihintay mo? Kumain ka na.” sabi nya tsaka abot sa’kin nung “Big ‘n Tasty”. Andami pa nyang inorder. May medium fries pa at Sundae. Nakakahiya.
“Salamat. Pero sobrang dami naman ata ng mga to.”
“Alam ko. Ayoko lang pumayat ka. Mawawala cuteness mo.”
Namula naman ako dun! Grabe! Napapangiti ako ng wala saoras eh. Yumuko nalang ako at kumain ng tahimik pero ang ngitiko, abot hanggang TENGA! Parang ganito oh: ^________________________^