FatChance4

30 1 0
                                    

Caith Lynn’s P.O.V

Saturday ngayon. Supposedly wala kaming pasok pero andito ako ngayon sa skul namin. Naglalakad ako ng papers para sa program na gaganapin. Kailangan kasi yun para maaprubahan ang paggamit ng stage, sound systems, curtains, pati ang mga upuan. Ewan ko ba, dapat hindi na kailangan to eh. Alam na naman nila na may ganito, annual tradition kaya to para sa senior students.

Nakakatamad naman. Mag isa lang kasi ako ngayon. Si Andy nagppractice para sa dance number nila bukas. Si Krish naman, kasama si PJ, nagppractice din sila para sa duet nila. After malaman ni Krish na magduduet sila ni PJ, sinugod nya ako, no, harass ang tamang term dun.

*Flashback*

“CAITH LYNN!!!” ayan na siya. Lagot na naman ako sa babaeng to.

“Andy, wait lang ah. Kelangan ko pa palang ayusin ‘yung letter na ibibigay sa registrar para sa program.” Ako sabay talikod ko at dali daling naglakad palayo kay Andy at sa paparating na Krishna.

“CAITH LYNN!!! Hanggang  jan ka lang! wag mo nang tangkaing takasan pa ako!” mukhang lagot na talaga ako ah?

Napahinto ako. Biglang may humigit ng braso ko mula sa likod at pinaharap ako sa kanya. Pag tingin ko, si Krish. Parang hingal na hingal. Tumakbo siguro sya para mahabol ako.

“oh, Krish. Ba-----?” Itinaas nya ang kamay nya, palms up, para patigilin ako magsalita.

“Sandali. Hihinga lang ako. Ihanda mo na sarili mo.”

Ihanda mo na sarili mo.

Geez. Katakot talaga tong babaeng to. Inabutan ko sya ng tubig at agad agad naman nyang tinungga.

“Uhaw na uhaw lang, Girl?” tanong ko. Naubos nya kasi ang isang bote ng mineral water sa isang tunggaan lang.

“Shut up ka nga jan Caith! May kasalanan ka pa sa’kin!”

Sabi ko nga eh. Malupit pa naman magparusa tong babaeng to. Naku!

“Ahmmm.. ah.. hehehe” grabe. Wala na ako masabi.

“Pero bago ‘yun, gusto ko muna gawin sa’yo to.”

O__________O

Problema nito? Kala ko ba may kasalanan ako? Eh bakit nya ako niyayakap ngayon?

“Salamat!!! Salamat!!! Salamat talaga sa’yo Caith!!! Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko makakaduet si Pj!!! Grabe, kaya mahal na mahal kitang babae ka eh!!!” tapos hinug nya ako ulit.

Kala ko paparusahan nya ako dahil pakakantahin ko sya sa madaming tao. Opposite pa ang nangyari. Pero teka, ano ang sinasabi nyang kasalanan ko?

“ahh.. yun lang ba? Wala yun! Friend kita eh kaya gusto ko maging happy ka!” sabi ko sabay ngiti ng sobrang tamis!

“OO. Super happy talaga ako friend! Pero wag mo akong ngitian ng ganyan, may kasalanan ka pa sa akin.”

Bigla nagshift ang mukha nya from being happy to being masungit. Akala ko ba ok na? eh ano naman ang naging kasalanan ko sakanya?

“ha? Ano naman naging kasalanan ko sa’yo? Akala ko ba happy ka sa ginawa ko para sa’yo?”

“oo nga, masayang masaya ako sa ginawa mo sa akin. Since tapos na akong magpasalamat, oras na para parusahan ka sa kasalanan mo.” Sabi nya ng nakasmirk.

“Ano nga kasalanan ko sa’yo?”

“Duhh! Pinatakbo mo lang naman po kaya ako. At alam mo naman na hingalin ako at mabilis mapagod.”

FAT ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon