"Good Morning MY Sunshine!! Don't forget to smile. :)"
Nakatitig lang ako sa pink stick-on note na hawak ko. Nag iisip kung ididikit ko ba to sa locker ni PJ o hindi. Halos mag tatatlong taon ko na tong ginagawa. Medyo nasanay na din siguro sya kaya hindi na nya pinagtatanong pa kung sino may gawa.
Tumayo na ako. Kailangan ko nang pigilan tong kahibangan ko. At dito ko uumpisahan.
*****
"KRIIISH!!!!" -andy & caith
ang ingay talaga nila. ang aga aga eh.
"oh? bakit? ang aga aga kung makasigaw kayo jan."
"hehehe sama ka sa'min girl. may papakita kami sa'yo."-Caith na tuwang tuwa na parang ewan
"oo nga teh. tara na! sama ka na!"-Andy na tuwang tuwa din na parang ewan
"san ba tayo pupunta?"
"Hmmm.. jan lang sa tabi tabi." si andy. sabay grin.
hindi ko ata gusto ang attitude ng dalawang to ah? parang may binabalak na masama.
"ayoko."
napataas naman kilay ng dalawa kong kaibigan.
"bakit naman ayaw mo?"-Caith
"kasi ayoko."
"ok. bahala ka. ikaw din magsisisi kapag hindi mo nakita ang dapat namin ipakita sa'yo."- Andy naka cross arms pa ang bruha.
"oo nga hindi mo makikita si PJ na nakatayo sa harap ng locker nya na parang may hinaha-------" biglang tinakpan ni andy ung bunganga ni Caith.
Si PJ. Ayan na naman yang pangalang yan. pero teka. May hinahanap soi PJ sa locker nya? Baka hinahanap nya ang "POST" ko. OHMY! kinikilig ako!!! :""">
*pak!*
*pak!*
binatukan ni andy si Caith at ako.
"Ang daldal mo talaga Caith! wala kang magawang matino sa buhay mo! At ikaw naman Krishna, wag kang assuming teh! Baka nawala lang yung ballpen nya. Hindi nya hinahanap ung post mo no!"
alam na nila kasi sinabi ko kanina sakanila ang naging desisyon ko.
"wala naman akong sinasabi ah? hmmm.. Andy, Caith, may favor ako." ^___^ sabi ko with matching pa-sweet pa.
"AYAW!!!" -chorus nila
"e di wag! ako nalang mag isa." sabay takbo!
wala pa nga eh. ayaw agad sila. Pero alam ko naman kasi na alam nila ung hihingin ko.
malayo pa ako sa locker ni PJ hiningal na ako. ganito talaga kapag mataba. hehe
lakad.lakad.lakad.
inhale,exhale.
malapit na ako. ayan nakikita ko na si PJ. nakasarado ung locker nya pero tinititigan nya 'to na parang may binabasa. "namiss nya kaya ang POST ko??"-bulong ko
"namiss agad? hindi pwedeng hinahanap lang?"
O_____O
"FUDGE!! ANO BA PROBLEMA NYO?! BAKIT BOGLA BIGLA KAYO SUMUSULPOT HA?!! PAPATAYIN NYO BA AKO?!!" si Caith kasi ung nagsalita galing sa likod ko.
*pak!*
"ARAY!! IKAW PA MAY GANANG MAMBATOK JAN!" binatukan na naman kasi ako ni Andy.
"Kasi teh, kanina pa po kaya kami nandito. Busy ka lang kasi sa imagination mo kaya hindi mo kami napansin."
O___O--->me
(-__-)---->andy
( _ _)--->Caith
Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. Pati si Pj nakatingin. Aish! Ano bayan!
"hehehe excuse po." si CAith habanmg nakayuko pa din.
Nakakahiya. Umalis na kami dun pero dumaan kami sa kinaroroonan ni PJ.
"Bakit wala?"
O___O
Ako ba kinakausap nya? Medyo bulong lang un pero rinig ko kasi ako ang pinakamalapit sakanya.
"Ano yun?" tanong ko na pabulong din
tapos nilingon ko siya. OHFUDGE!! May kausap pala sya sa phone.
"ayan. pahiya ka na naman girl?" Caith
"Wag kasi assuming teh." Andy
sige. ipamukha pa talaga sa'kin ang katangahan ko eh no? tong mga kaibigan ko talaga! hayyy!! mixed emotions. nakahinga ako ng maluwag kasi hindi alam ni PJ na ako yung admirer nya. Medyo nalungkot din ako kasi for a moment, akala ko hinanap nya ung post ko.
naglakad na ulit kami. napahinto kasi kami kanina nung bumulong si PJ. nakakailang hakbang palang kami ng nagsalita ulit sya.
"Sana bukas meron na. ULIT"
Ano na naman ba yun? baka yung kausap lang nya sa phone. hindi na ako lumingon. Ayoko na ulit mag expect. Mas masasaktan lang ako.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
COMMENT and VOTE po!! Pa FAN na din. SALAMAT! :))))))))