FatChance3

102 4 0
                                    

December na pala. Ang bilis ng panahon. Mas lalo na naman akong tataba nito. Hehe

Busy kaming ang klase namin. Meron kasi kaming Outreach Program para sa mga mahihirap, preferably mga street children. Nakakaexcite kasi may matutulungan na naman kami. Toka-toka kami ng mga gawain ngayon. Si Caith, since President sya sa room, OO! Siya ang president namin. Pati pala sa Student’s Council sya din ang president. Ewan ko ba kung ano nakain ng mga estudyante sa skul namin at binoto nila yun. Hehe

Back to the program, si Caith ang leader sa lahat. Pero sa games talaga siya nakatoka. Si Andy naman nandun sa mga performers. Dancer ‘yan eh. Pinipilit nga nya akong hilain dun sa grupo ng performers pero ayaw ko. Kumakanta din kasi ako pero syempre ayaw ko iwanan ang love of my life ko. Ang PAGKAIN. :D Hindi ako inappoint ditto, ako mismo ang nagvolunteer. Hehe ^___^V

Ngayon, nag gi-gift wrap kami ng mga regaling ibibigay naming para sa mga street children.

“Girl, nakakapagod din pala magwrap ng gift no? hindi ko na muna babalutin mga regalo ko sainyo ah?” –Caith, habang nag-uunat-unat pa

“Echosera ka teh! Tinitipid mo lang kami sa gift wrapper eh.”-Andy na nahiga na sa sahig.

“uy! Umayos na nga kayong dalawa dyan! Andami pa nating iwra-wrap oh. One week lang meron tayo para tapusin tong mga to.” –me

“ano kaba girl, ang dami dami nating magkakaklase oh. Kaya natin tapusin ‘yan.”-Caith

“oo nga naman Krish. Wag ka nang KJ.”-Andy

“Bahala nga kayo jan. baba lang ako.”

“Bakit?”-Caith

“Bibili ng pagkain. Malamang.”-Andy

“sama kayo?” ^_____^

“’Wag na. Busog pa kami.” -sabay nilang sagot.

“Aba! Sabay pa talaga ka….yo….ah….”

May kumatok kasi sa pinto. Paglingon ko, si PJ. May dala dala syang letter. Dumeretso kaagad siya sa adviser naming at pinakita ang hawak na letter. Maya maya pa, tinawag ni Sir si Caith.

“Teh! Ano na? akala ko ba bababa ka?” siniko-siko pa ako ni Andy

“Ahmmm.. ano.. mamaya na.. sabay nalang tayo.” sabi ko sabay upo malapit sa kanya.

“Sabay tao o sabay kayo?”

“sabay kami… ay este! Tayo pala. Eto naman. Ano ba ginagawa nyan dito?” tanong ko na tinuro si PJ.

“Ewan ko. Tanong natin kay Caith mamaya. Sa ngayon, namnamin mo muna ang pagtunaw mo sakanya.” Sabay smirk

“Ano ka ba! Anong pagtunaw sinasabi mo dyan? Hindi ko naman sya tinitigan ah?” tanong ko sabay kuha ng regalong binabalot ko kanina

“Teh, wala ako sinabing tinititigan mo sya. Ang sabi ko lang, baka matunaw! Naku! Napaghahalataan eh!”

Magsasalita pa sana ako pero nakita kong papalapit na sa’min si Caith. parang wala naman "something". seryosong seryoso mukha eh.

“Ano nangyari? Bakit siya nandito?” –ako

“Ahmmm.. Andy, paabot nga ng gunting.” Inabot naman ni Andy ang gunting kay Caith.

“Caith, bakit daw nandito si PJ?”-ako pa rin

“Mamaya na Krish. May ginagawa ako.” Ano problema nito? eh nkanina nga gustong gusto na nyang magpahinga eh.

"Caithy, problema mo?" tanong ko na sounded worried.

"Wala naman. Ayoko lang sabihin kung bakit andito si PJ." ^_______________^ Ang lapad ng ngiti nya. grabe talaga to makapang asar.

FAT ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon