IC ♥ : Activity Week. Day 5.

668 11 1
                                    

Dedicated to:

BossPrincess_16

^____^ Hope you'll enjoy

- - - - - - - - - - -

Kathryn's POV

Handa na lahat ng gamit ko para sa trip namin mamaya ni Papa.

Naghihintay na lang ako ngayon kay Daniel, sabi niya kasi susunduin niya ako eh...

"Nak, hindi ka pa ba aalis?"

"Ah Pa, hinihintay ko pa po si Kuya Daniel, susunduin niya raw ako ngayon."

"Ah ganun ba? Teka nga, napapansin ko, palagi ka na niya sinusundo dito, nanliligaw ba sya sa'yo?"

"Ano po? Hindi po Pa, ayaw ko naman po sana magpasundo, pero mapilit siya eh. Hehe"

"Ah ganun, Hmmm, Ok."sabay ngiti ng nakakaloko si Papa.

"Pa naman eh!"saway ko.

"Bakit? Ano bang ginawa ko? Wala naman diba?"

"Pa naman eh, hindi po yun ang iniisip niyo, Aish"

"Hahaha, Oo na, basta nak, ayaw ko muna magka-boyfriend ka ha, pero i'll make an exception kay Daniel"

O____O ANO?!

"Ano po?"

"Sabi ko, ayaw ko munang magka-boyfriend ka, pero ...."

"Pero ano po?"

"Pwede si Daniel manligaw sa'yo"

"Ano po?! Pa naman eh!!!"

"Hahahahaha! Oh siya-siya, mukhang andyan na sundo mo" sabay wink ni Papa.

Tinignan ko naman ang labas at nakita ko si Daniel nakatayo.

"Sige po Pa, alis na po ako"

"Oh siya, magingat ka ha, hatid na lang kita sa labas" sabay wink ni Papa. Anong ibig sabihin nun?

Hinatid na ako sa labas ni Papa.

"Goodmorning po Tito" bati ni Daniel kay Papa.

"Goodmorning rin iho"

"Kath, Tara?" I nodded

"Iho, bago muna kayo umalis, may tatanong lang ako sayo."

I frowned, ano naman kaya yun?

"Nanliligaw ka ba sa anak ko? o gusto mong manligaw sa anak ko?"

Its Complicated (A Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon