IC ♥ : MAHAL KITA!

396 5 4
                                    

=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Kath's POV

Yesss! Uwian na tsaka maguusap na kami ni Daniel. Nagtext na ako kay DJ na magkita na lang kami sa bench malapit sa court.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

To: DJ

Dj! Kita na lang tayo malapit sa court.-Kath

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinuha ko na ang mga gamit ko. Pumunta muna ako sa locker ko sa likod, nasa loob lang kasi yung lockers namin. Lumingon muna ako, nakita kong, Ako, Si Julia, Kiray, at Yen na lang ang naiwan dito. Hay! Gusto ko sana silang kausapin pero ayaw nila eh. Si Kiray, nagtataray nanaman sakin. Si Julia, nagpapanggap na hindi ako naririnig, si Yen, kunwaring tumatawag si Neil. Anu ba naman! Sorry talaga guys.

Tinapos ko na ang mga dapat kong ayusin tsaka sinara ang locker ko at kinuha bag ko, lalapit pa sana ako kina Julia pero biglang may kumatok.

*knock knock knock!

Napatingin kaming apat sa pintuan. Si Quen lang pala.

"Tara na Kath!" Quen.

"Psh! Nanaman? Ang epal talaga neto" sabi ni Kiray na bumubulong, pero narinig ko, ewan ko lang kung narinig ni Quen, hindi naman siguro.

"Huy! Wag kang maingay dyan!" saway ni Julia sakanya. Bumulong rin.

"Ahh! Quen, mauna ka na lang, may gagawin pa kasi ako" sagot ko sakanya.

"Ahh! Sige hintayin na lang kita sa ***** Building" sabi niya at aalis na sana pero pinigilan ko.

"Ah Quen! Matatagalan pa kasi ako, mauna ka na lang!"

"Ok lang, hihintayin na lang kita" sagot niya at nakaSmile.

"Quen naman eh, may gagawin pa kasi ako, wag mo na akong hinatayin! Mauna ka na!" sabi ko.

"Hinatayin na nga lang kita sabi" pagpupumilit niya.

"Mauna ka na sabi! Ang tigas naman ng ulo mo!"

"Ok Ok Ok! Mauuna na ako! Mag-ingat ka na lang ha?" sabi niya.

"Oo! Bye!" sabi ko at nagwave na sya ng goodbye sakin at umalis.

"Ang kulit ng lahi!" sabi ni Kiray at  napa'Tsk3' pa.

Kinuha ko na ang bag ko tsaka nilapitan si Kiray.

"Ahh, Kiray!"

"Bakit?" sabi niya na nagtataray. Kiray naman eh.

"Ah wala, alis na ko" sabi ko.

"Ok!" patipid niyang sagot. Hindi na ako nagsalita pa at umalis na lang at pumunta na ng court.

Kiray's POV

*ting!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

From: EJ <3

Kir-Kir! Punta na kayo dito! Andito na silang dalawa sa court!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Its Complicated (A Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon