Chapter 2

958 14 4
                                    



[ Kathryn's POV ]



"Ikaw?!?!"




No way! Sabihin niyo sa'king panaginip lang ang lahat ng 'to?! Hindi pwedeng mangyari 'to!!



"Mag-kakilala kayo?" Bati sa amin ni Ma'am habang yung mga kaklase ko ay palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.



"No" "Yes"





Arrgg! Kainis naman e! Hindi ba siya marunong makiramdam? Nakita na ngang umiiwas ako oh! Sana sinabi na lang din niyang "No". Bakit kasi sa dinami-dami ng school na lilipatan niya, bakit dito pa sa nilipatan ko?! Destiny? Nah! Kamalasan 'to!



"Okay? Magkaiba ang sagot niyo sa tanong ko" Nag-tatakang sabi ni Ma'am samin habang palipat-lipat ang tingin sa'min. Chismosa rin 'tong teacher ko no? Tsk


"Hin---"


"Mag-kakilala po talaga kami. Close po kasi kami dati kaso nawalan po ng contacts" Close? Ha! As if!



Narinig ko ang bulung-bulungan nila tungkol sa isinagot niya sa tanong ni Ma'am. Ugh! Bakit ba nangyayari pa to?! Ang malas naman ng araw ko! Kung sino siya? He's my ex. Ang first boyfriend ko at siya ang taong nanakit sa'kin. Nang dahil sa kanya, nawalan ako ng lakas ng loob para pasukin muli ang larangan ng pag-ibig. Pwe. Kakainis naman oh!



"Ganon ba. So good, kung ganon wala na akong problema. Ms. Bernardo, iikot mo siya sa buong campus mamayang recess o sa vacant time nyo." Sabi ni ma'am habang nakatingin sa'kin. Narinig ko na naman ang mga bulung-bulungan nila na nakakainggit daw ako. Tss.


"Wag na po ako. Iba na lang po. Marami naman pong willing na i-tour siya." Sagot ko dito habang naka-poker face.


"No, Ms. Bernardo. Magkakilala na kayo kaya wala na akong magiging problema kung sa'yo ko siya ibilin. Okay?"


"But ma'am. Hindi ko po magagawa yan"


"Please, Ms. Bernardo. Gawin mo na, okay?" Humingi ako ng malalim at tumango. Kahit ayoko ay wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Nakakainis! Gusto kong tumanggi pero pinakiusapan na ako ng teacher ko. Kilala niya kasi akong hindi pumapayag ng basta-basta kaya ginagamit niya ang salitang "please" para mapapayag ako. Tch.



"Thank you. Umupo ka na sa tabi ni Ms. Bernardo, Mr. Padilla" Naglakad na siya palapit sa'kin. Ibinalik ko na ang tingin ko sa libro. Naramdaman ko namang tumabi siya sa'kin ngunit hindi pa rin ako kumikibo.



"Hey. Long time no see" Tumingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Nakatingin lang siya sa'kin kaya agad ko itong iniwasan at tumingin na lang muli ako sa libro.

Ang sikat kong ex-boyfriend. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon