Chapter 3

702 16 4
                                    



[ Kathryn's POV ]



Isang linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat siya dito at sa loob ng isang linggo na yon, tinotoo nga niya ang sinabi niya. Lagi na siyang nakabuntot sa'kin. Kinukulit, inaalagaan, pinoprotekhan na parang kami talaga.



Pilit akong umiiwas at lahat na nang salitang pwedeng makapag-patigil sa kanya ay ginawa ko na pero matibay pa rin siya. Sa ginagawa niyang yon ay unti-unti akong natatakot. Natatakot na baka mangyari ang hindi dapat mangyari.



Andito kami sa room ngayon, katatapos lang nang flag ceremony. Tumabi muna ako kay Janella para di ako bwisitin ng lalaking yon. Pero sa kamalas-malasan nga naman, sinundan lang naman nya ako. Humatak sya ng upuan 'tas itinabi sakin.



"Bakit ba sunod ka ng sunod?!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama



"Kasi namiss kita. Two days kitang hindi nakita. Pag tinetext kita ayaw mong mag-reply. Pag tinatawagan naman kita pinapatay mo" Yes, tinatawagan niya talaga ko at hindi ko alam kung saan niya nakuha number ko.



"Hindi ba ang sabi ko sa'yo, tigilan mo na ako? Ano ba ang hindi mo maintindihan don?!"


"Hindi ba ang sabi ko rin sa'yo, wala akong balak sumuko?" Nakangiti niyang sagot sa'kin


"Argh! Isa ka talagang bwisit sa buhay ko!"


"I love you more!"



"Ehem! Wala pong shooting dito para gumawa kayo ng sweet scene dyan" Napalingon naman kami pareho sa nag-salita at nakita ko si Janella na naka-pamewang sa'min. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong sweet scene pinag-sasasabi mo dyan?"


"Duh! Sa inyo po kaya nakatingin yung buong klase" Pagkatapos ay umirap siya sa'min. Pero ano daw? Napatingin ako sa buong klase at bigla naman akong nahiya dahil nakatingin na silang lahat sa'min ni Dj. Nababalitaan ko na ring kumakalat na ang ginagawa ni DJ sa'kin. Ayoko ng issue, ayoko ng atensyon kaya talagang umiiwas ako.



Bigla silang nag-balikan sa proper seat nila, andyan na pala si ma'am. Buti na lang! Bumalik na din ako sa upuan ko at pati na rin sya.



"Lagot ka sa'kin mamaya" Bulong ko sa kanya. Tumawa lang siya kaya iniripan ko na lamang siya.




"Good morning class"

Ang sikat kong ex-boyfriend. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon