Chapter 5

77 4 1
                                    


A/N: Sa wakas! Na-edit ko na yung first five at eto na ang new chapter. Yay! Ilang oras ko ring inedit tong story na ito. Hahaha! Pambawi ko sa inyo tong update. So, enjoy! <3


--


[ Kathryn's POV ]




Pagkapasok ko ay nakita ko si mama na naka-upo sa sala kaya lumapit ako dito at nag-mano, "Kath, pwede ba tayong mag-usap?" Napatingin naman ako dito, "Sige po, ma"


"Upo ka muna" Kahit nagtataka ako ay umupo pa rin ako sa katapat niya, "Ano pong pag-uusapan natin?"


"Alam kong hinahatid ka lagi dito ni Dj pagkatapos ng klase mo" Napalaki ang mata ko at hindi agad nakasagot, "Alam ko ring sinusuyo ka rin niya mula ng malipat siya sa pinapasukan mong school"


"S-Sorry, ma" Napayuko na lamang ako dahil sa hiya


"No, hindi naman ako galit" Napatingin ako at nakita kong nakangiti lamang siya sa'kin, "Masaya nga ako at bumabalik ang pagiging masayahin ng anak ko. Alam mo naman na ang ginagawa mo at may tiwala rin ako sa'yo. Nasa sa'yo ang desisyon pero basta wag mong kalilimutan ang mga bilin ko sa'yo noon pa man. Ang pag-aaral mo rin, huwag mong pababayaan."


Napangiti naman ako. Ang sarap sa pakiramdam na may tiwala siya sa'kin at laging andyan para suportahan ako, "Thank you, ma"


"Hindi naman talaga ako sasang-ayon dyan kung hindi lang formal na nagpaalam sa'kin si Daniel" Napapa-iling niyang sabi. Pero teka, ano?! "What, Ma?!"


"Tumawag siya sa'kin para magpaalam, yon rin daw yung araw na sinabi niya sa'yo. Hindi ko agad sinabi"


"Ugh! Kainis talaga yon!" Napatawa naman si mama sa'kin. "Dalin mo siya dito bukas. Dito kamo siya mag hapunan. Wag kang uuwi nang wala siya, ha?" Kinindatan niya ako bago tumayo at naglakad papuntang kusina


"Pero ma na---" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya, "Walang pero-pero, Ms. Bernardo. Basta dalin mo siya" At tuluyan na siyang pumasok ng kusina.


Bakit kailangan pang mangyari ni'to?! Mas lalo akong natatakot sa mga nangyayari!



**


Kinabukasan, pagkapasok ko pa lang ng room ay may bumati na agad sa'kin. "Good morning, Chandria babe"


"Morning rin" Umupo na ako sa pwesto ko. Umupo rin naman siya agad sa tabi ko, "Kamusta ang gabi mo?"

Ang sikat kong ex-boyfriend. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon