Chapter 4

583 15 5
                                    



[ Kathryn's POV ]



It's been three weeks since lumipat sila Enrique dito and halos isang buwan na rin kaming nagk-klase. As usual, lagi kong kasama si DJ. Yes, sinusuyo pa rin niya ako. Ang tiyaga talaga ng mokong na 'to.



Hindi naman na ko masyadong nagtataray sa kanya, nakasanayan ko na kasi uli. But don't get me wrong, walang meaning yun. Habang nagk-klase kami sa ekonomiks which is adviser namin ang aming teacher ay may binanggit siyang announcement sa'min.



"Ok class, may announcement ako. Alam kong hinihintay na nang lahat to. Next month na ang acquiantance party ng school natin" Masayang sabi ng teacher namin. Lahat sila ay tuwang tuwa, yung iba nagplano na agad ng isusuot. Ako? Wala. Hindi naman ako umattend last year.


"Quiet class. Alam kong excited na kayo kasi kahit ako ay excited na rin." At tumawa ito gaya ng iba ko pang mga kaklase. "Anyways, formal dress tayo at pipili tayo ng Mr. & Ms. Face of the night. I know na dati walang ganito, kaming mga teacher ang pipili. On spot ang pagpili kaya gandahan ang mga porma ha?" Paliwanag ni ma'am. Sus. Ano na naman yan? Oh well, di naman ako aattend. Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni ma'am at mga nagdaldalan na ang bawat isa.


Bigla namang tumunog ang bell. "Ok, class dismissed. Take your recess now" Paalam ni ma'am pagkatapos ay lumabas na rin ng room namin.



"Chandria babe, sumama ka ha? Ako escort mo!" Masayang sabi nya


"Ayoko. Kakatamad lang." Sabi ko sa kanya habang kinukuha yung wallet sa bag ko.


"Sumama ka na. Sunduin kita sa inyo"


"A yo ko. Alam mong wala akong hilig dyan" Sagot ko pagkatapos ay tumayo na ko para lumapit kay Janella.


"Pero Chandria---" Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na sya. "Hep! Walang pero pero. Basta ayoko, gets mo?"



Wala nang nagawa si Dj kung hindi ang mag-pout. Kaisip bata talaga niya. Psh. Nang makarating na kami sa canteen, bumili agad ako ng ice cream at cheese burger. Dahil ako ang naunang nakabili, ako ang naghanap ng mauupuan. Buti na lang palabas pa lang yung iba kaya nakahanap agad ako.


Pagkaupo ko may tumabi agad sa'kin. Sino pa nga ba? Tss. Kumain lang ako nang hindi siya pinapansin. "Ang agang ice cream niyan a? Baka sikmurain ka." Bati niya

Ang sikat kong ex-boyfriend. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon