Ikalawang Bahagi

4.7K 32 1
                                    

(POV of someone)

Na-realize ko na ang tao pala kapag may humahabol, hindi nakakaramdam ng pagod.

I was running for the longest time I thought only possible for people running for their lives.

Well, i actually am running for my life.

lumingon uli ako sa likuran. walang nakasunod sa akin. nakinig akong maigi. tanging yabag ko lang ang naririnig ko.

pero hindi pwedeng tumigil. sinundan ko ang riles ng tren na tanaw di-kalayuan. sinadya kong hindi sa tren mismo maglakad. that would be like giving my life up to the people chasing me. where's the sense in running out here in the first place?

truth is, i don't even know where in hell i am right now. but that is not important for now what matters is that i had escaped.

i survey the place. it's like illegal settlers camp in here. it's not that i don't trust this kind of people, it's just that in my current state right now, i can't afford to be trusting. so i search a house that looks decent enough.

i should go there before somebody sees me.

--------------------------------

--------------------------------

(missy's)

nagising ako dahil sa isang panaginip na hindi ko na maalala.

madilim pa din ang paligid. sa tingin ko, hatinggabi pa lang. isang oras pa lamang siguro akong nakakatulog. kadalasan, kapag ganoong oras panay ang tawag ng mga buyer sa labas. at kadalasan, iyon ang dahilan ng pagkagising ko. pero iba ang gabing iyon sa nakasanayan. nakakapagtakang ang tahimik sa labas. ni walang motor na paroo't parito. kadalasan ganong oras napapagtrip-an ni paco na mag-stroll at..

mas madilim yata sa kinasanayan ko ang paligid. kadalasan mayroong naglalagos na liwanag sa may ilalim ng pinto ng kwarto ko dahil bukas ang ilaw sa may sala. pero wala ngayon.

at hindi nagana ang electric fan ko e binuksan ko iyon pagkauwing-pagkauwi ko.

pero sarado iyon.

hinawi ko ang kurtina at sumilip sa bintana. may ilaw ang mga kapitbahay. kaya ibig sabihin, hindi brownout.

mayroong ibang nangyayari.

at hindi maganda ang kutob ko.

kadalasan ganoong oras gising na gising si paco at naglilinis ng kung anik-anik sa sala. pero nag-iingay sa ibaba.

at isa pa iyong nakakapagtaka.

"pusang gala." kinabahan na ako. hindi kaya pinatay ni paco ang main switch dahil may darating na pulis? baka may mga pulis sa ibaba.

ni-lock ko ang pinto. naghanap ako ng ibang malalabasan kung sakali.

sanggang-dikit man sila sa looban, pare-pareho lang ang mga adik, takot makulong kaya kahit gustuhin man naming pagtulungan, walang makasaling sa kanila.

pero taliwas sa paniniwala ng marami, hindi sa pulis takot ang mga kriminal kundi sa mga kakosa sa selda. mayroong mga may sakit roon. alam ko. dahil ilang beses na rin nahuli si paco. ilang buwan lang, ng walang mapalang pera, pinalaya na sya.. bakit? dahil iyang mga pulis, pera lang ang habol ng mga yan. hindi hustisya. hindi pagbibigay-serbisyo sa bayan! ilang ulit ba nilang inalok ng "palit-ulo" c paco? gusto nilang ikanta ng pinsan ko ang mas mataas sknya. mas malaki ang kamal ng pera sa mas malaking isda. may bail bang lumalagpas sa amount na tinakda ng konstitusyon? dahil yon, hindi sa kaban ng bayan napupunta kundi sa mga bulsa nilang mga hinayupak sila. kung anu-anong gamit sa bahay ko ang pinipitik ng mga iyon kapag nakatapak sa bahay ko. ultimo, mp3 player ko pinatos ng mga gago! hindi nahiya ang mga kupal. may suot pang tsapa! kala mo kung sinong dyos. pwe. kahit pa gamit ni paco iyon na galing sa shabu ang pinambili. ang pagnanakaw ay pagnanakaw pa rin. kahit pa sabihin ng mga gago na asset na kasama nila ang namimitik. ano?! hindi nila kargo ang kung sino mang poncio pilatong hayop na nangunguha ng gamit? bakit? kasalanan din sa batas ang magnakaw, bakit hindi nila hulihin? dahil ipupusta ko ang kaluluwa ko, alam nila ang nakawan na nangyayari na yan. hindi lang bahay namin ang na-re-raid! at hindi lang kami ang kauna-unahang pinasok ng mga pulis na may dalang asset.

sana lang, kilalanin ang mga dapat na nasa serbisyo at hindi. dahil kung tutuusin, mas may prinsipyo pa ang mga adik kaysa kanila.

sa hinanakit ko, kinalimutan ko ang planong pagtakas kung sakali man na kung anong mangyari, sa ilang ulit na pag-raid ng pulis sa amin, nasanay na ko. hindi na ako tinatakasan ng presence of mind.

kinuha ko ang baseball bat na regalo ng isang ex ko noong high school na baseball player. orig iyon. kagaya ng mga ginagamit nya sa tournament noong high school.

parang walang hanggan ang ginawa kong paghihintay hanggang sa nainip ako. tinanggal ko sa pagkakasara ang double lock. dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at lumabas ako ng kwarto.

wala akong makita. pero saglit lang nakapag-adjust na ang mga mata ko sa dilim. naaaninag ko na ang daan. walang tao sa hallway. sarado ang kabilang silid. sumilip ako sa balustre para matanaw ang baba. wala akong nakikitang tao. pero bakit pati yata sa kwarto ni paco, walang ilaw?

nahuli lang ba ng mga sugo ng meralco ang jumper namin?

isang paraan lang para malaman ko.

pababa na sana ako ng hagdan ng may mahagip ang mga mata ko.

may tao.

at base sa bulto,

lalaki.

at halatang hindi iyon si paco. mdyo payat ang pinsan ko. ang bulto na nahigip ng paningin ko ay parang sagana sa work out.

kagaya ng mga kostumer nya kadalasan.

napabalik ako sa kwarto ko. nagtago sa tabi ng pinto. hihintayin ko na lang ang lalaki. gugulatin ko. saka hahatawin.

parang walang hanggan ang ilang minuto. hindi na yata ako nahinga sa sobrang kaba. nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. pati kalamnan ko.

noon ko lang naisip..

papaano kung mali ako at hindi pulis ang lalaki, na hindi iyon raid? kung anu-ano pa namang inisip ko tungkol sa mga pulis, iyon pala, hindi sila ang nasa ibaba? anong gagawin ko kung ibang tao pala iyon? baka magnanakaw iyon, o kaya rapist?

aliw ang binebenta ko. hindi kaluluwa. baka may sakit pa sa ari ang mang-rape sa akin! baka mahawa pa ako.

at syempre, rape iyon. walang willing victim. seguridad ko ang isyu at hindi ang trabaho ko.

sa naisip, lalo kong hinigpitan ang kapit sa bat. narinig ko ang mga paakyat na yabag.

Dyos ko. tulungan Nyo po ako.

dahan-dahan ang akyat ng bulto base sa yabag nyon. at sigurado akong hindi ako dinadaya ng pandinig ko.

ilang sandali, bumukas ang pinto. pumasok ang lalaki.

kahit nanginginig ang buong katawan ko, ubod-lakas na hinataw ko sya ng bat.

sa balikat lang sya tinamaan.

---------------------------

---------------------------

Don't i get a vote for this? :))) *hoping

Thanks for wasting time reading this anyway. hehe! ;)

Why not maximize it a little? Comment naman. o_O

til next frustration!

love lots.

---

HIMLAYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon