Ikaapat na Bahagi

770 11 1
                                    

May sarili kaming bahay at lupa. Malaki yon. May sariling negosyo ang pamilya namin. Araw-araw shopping. Nabibili ko ang lahat ng gusto ko. Nakukuha ko lahat ng naisin ko. Nakakain ko lahat ng masasarap na pagkain. Nakakapagparty ako kahit saan. Pero lubog na pala sa utang ang pamilya namin. Ang mga maid namin unti-unting nabawasan. Kasama ring nabawasan ang mga kaybigan ko. Nabuhay lang pala ako sa isang ilusyon na mayaman kami. Hindi pala kami mayaman. May mas mahal pa pala kaysa Lee, Dickies, Giordano, Guess at Rusty Lopez. May mas mahal pa pala sa menu ng Aristocrat, Gerry's Grill at Bon Chon. May mas mahal pa palang pasyalan kaysa MOA at bars sa Roxas blvd. May kaya lang pala kami kompara sa marami.

Nagsunod-sunod ang problema ng pamilya namin. Fourth year high school ako nang mamatay ang nanay ko. Si Tatay naman inatake sa puso. Wala na akong ibang pagpipilian kundi magtrabaho. At dahil bulakbol ako wala akong natutuhan sa klase. Hindi ako natutong mag-ingles kaya hindi ako ubra na call center agent. Lahat na sinubukan ko. Hanggang sa mabalitaan akong isang agency na hindi nagpapabayad ng replacement fee. Wala kaylangang gastusin kundi passport na meron na ako. Wala ng ibang gagastusin. Akma yon sa pangangailangan ko dahil wala na kaming perang magagamit. Sapat na ang mga iyon sa araw-araw na pagkain at pambili ng gamot. Isa pa yon sa mga pinroblema ko. Wala na akong ipambibili ng gamot. Wala rin akong kamag-anak na malalapitan o kapatid na makakapitan. Ako lang mag-isa ang haharap sa problema ng pamilya kaya nagdesisyon akong mangibang bansa. Inasikaso ang pag-aapply sa agency.

Sa wakas, matutulungan ko na ang pamilya ko. Masayang isipin na aahon na kami sa hirap. Pero akala ko lang pala ang lahat.

Akala ko aalwan na ang buhay namin. Akala ko may panibagong bukas paglabas namin ng eroplano. Pero gumuho ang lahat ng pangarap ko nang malamang peke lang pala ang lahat. Sa ibang lugar kami dinala para magsayaw at maghubad sa mga club. Maswerte ako, isa ako sa mga piniling sa Pilipinas dalhin.

Tiniis ko ang lahat. Kapalit ang pera. Kapalit ang buhay na maaari kong ibigay sa mga magulang ko. Hanggang sa tuluyan na akong nalubog sa aking kinasadlakan. Wala na pala ang panibagong bukas na aking inaasam.

Iyon ang mga kinwento ko kay Stanley. Sana lang maniwala sya. Wala namang butas sa mga knwento ko di ba?

"E di mas maganda. Hindi ba gustong parusahan ang--"

"Gago ka ba? Tanga ba 'ko?" Halos iduldol ko na ung pagmumuka ko sa kanya sa sobrang inis. "Nakaalis na ko don e! Ba't pa ko ibabalik?!" Umayos ako ng upo. "Tangang to."

"Sinabi ko bang bumalik ka ha?!" Sya naman ang nagduldol ng pagmumuka nya sa kin. Halos maduling ako sa lapit ng muka nya. "Kukunin mo lang ang hustisya!"

"Hustisya?! Bakit?! Muka ba akong biktima?! Muka ba akong kawawa?! Sabihin mo nga!"

Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi naman."

"Oh, di ba? Hindi ko kaylangan ng sinasabi mong hustisya! Tahimik na ang buhay ko. Nananahimik na ako dito. Kaya wag ka ng manggulo. Umalis ka na."

Bigla syang naging maamong kordero. "Kupkupin mo muna ako." Pa-cute na sabi nya. Pilit nyang nilalapit ang pagmumuka nya sa kin. "Sige na. Kaylangan ko ng tulong. Kahit dalawang araw lang. Magpapagaling lang ako ng sugat."

At parang dahilan para matauhan ako, na-highlight sa paningin ko ang mga pasa nya sa muka.

"Dyan ka lang." Kumuha ako ng yelo sa ref sa baba, piniraso yon at niligay sa ice pack. Isinalpak ko yon sa kandungan nya.

"Uuuuuuhhh.. Siete. Bakit ganyan ka?" asik nya. Natawa na lang ako.

Kinuha ko ang betadine at bulak sa isang drawer. "Oh!" Sinalpak ko yon sa dibdib nya. "Maglinis ka ng sugat." Puro gasgas lang naman sya kung makaasta parang mamamatay na.

HIMLAYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon