Ikatlong Bahagi

4K 45 3
                                    

-----------------------------------------

-----------------------------------------

ang tanga ko. na-publish ko, in-edit ko, hind pala pwede yun?

hahahahaha.

draft kasi lang talaga ung first chapter ko, accidentally kong na-publish kaya in-edit ko. kagabi ko lang nalamang, wa epek ang gaga.

anyway, copy-delete-add-paste-pub trick na lang sana ang gagawin ko, ang kaso, hindi ko pala na copy. select all lang nagawa ko. huhu. so ayun. back to square one ang drama ko.

isang magandang halimbawa ng isang bobo at kalahati. haha!

-------------------------------------------

-------------------------------------------

Napahiyaw ang lalaki sa sakit. pero hindi ko sya napatumba. tinaas ko ang bat. pero hindi ko na kinaya ang bigat nyon dahil nanginginig na ako sa takot. pero nagawa ko pa din syang paluin sa binti.

"Aaw! Shit." sabi ng lalaki.

Hindi pa din sya natinag kaya pinalo ko sya sa pagitan ng hita nya. sigurado ako dun sya tutumba.

Pero bago ko pa man sya mapalo, sinalag at hinawakan nya ang bat na hawak ko, pilit nya iyong inagaw.

"Nakakailan ka na, miss. Masakit na." angal ng lalaki. Buong-buo ang boses nya.

Nag-agawan kami ng baseball bat at dahil mas malaki sya sa kin at di hamak na maskulado, naagaw nya sa akin ang bat.

Napatili ako. Lumapit sya sa kin. At tinuro ako gamit ang bat.

"Miss.." ungol nya.

Oo. Ungol ang ginawa nya na kinapagtaka ko. Ang buong akala ko, tatakutin nya ako.

Hindi kaya nagpapanggap lang sya? Mukha kasi syang nanghina. gumewang-gewang sya palapit sa kin. Napaatras ako.

"H'wag kang lalapit. Titili ako." Pero diretso sya sa paglapit. Patuloy ako sa pag-atras.

"Hindi ako nagjojoke. Sisigaw talaga ako! Isa!" saway ko sa kanya nang humakbang pa din sya. Hindi sya nagsasalita. At mas nakakatakot yon.

Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Wala na akong maaatrasan. Dyos ko.

Lumapit sya sa kin. Itinaas nya ang kamay nya patungo sa balikat ko. Pakiramdam ko hihimatayin ako anumang oras. Ma-re-rape ba ako? Anong kasalanan ko para mangyari sa kin to? Hindi naman ako masamang tao. Hindi masama ang trabaho ko. Oo, illegal iyon pero hindi ako immoral. Hindi. Hindi. Biktima lang ako ng mga pangyayari sa buhay ko.

Naramdaman ko ang baseball bat na nakadiin sa leeg ko. Tinulak nya ako papasok sa kwarto ko.

Nang makapasok, tinulak nya ako sa kama. Napasubsob ako. Pag natapos syang gahasain ako? Anong gagawin nya? Papatayin nya ba ako? Itatapon ang katawan ko para walang ebidensya?

Bakit hindi na lang ako sumigaw?

Nabasa nya yata ang iniisip ko. May dinukot sya sa bulsa ng pantalon nya. Iniupo nya ako sa kama. Itinali nya sa bibig ko yun. Sa sobrang takot ko na hatawin nya ako ng baseball bat sa ulo, hindi ako makapanlaban. Parang ayaw rin sumunod ng katawan ko sa mga gusto kong mangyari.

Naghagilap sya ng kung ano sa kwarto ko. Hindi nya binuksan ang ilaw. O marahil alam nitong walang kuryente? Baka ito ang nagbaba ng main switch?

Nilapitan nya ako at isinubsob sa kama. Idinantay nya ang sarili nya sa likod ko. Hindi ako makakilos. Itinali nya ang mga kamay ko sa likod ko. Tapos ano? Iniharap nya ako. Itinaas nya ang mukha ko gamit ang bat.

HIMLAYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon