Ikalimang Bahagi

3.8K 36 6
                                    

Dahil naka-5 votes ako na kagugulat-gulat talaga para sa kin, na-inspired ako mag-update. hehe!

Sori kung natagalan. In-interview ko pa erpat ko. haha. Ang mga pangyayari ay hindi eksaktong nangyari sa mga mbbnggit na lugar. haha. Baka mademanda ako.

==========================

Ayoko sanang gawin ang dapat kasi parang ang sarap sa pakiramdam na may kahawak kamay. Pero napilitan akong bitiwan ang kamay ni Stan nang tumunog ang cellphone ko.

"Sino to?" Numero lang kasi ang nasa screen.

"Ate Missy..."

Si Paco. At sa tono ng pananalita nya parang alam ko na ang nangyari. Sinasabi ko na nga ba kaya ayokong paalisin ng bahay tong bata na to e! Ang tigas kasi ng ulo. Talaga naman. Tang ina kasi.

"Nasan ka!?" Mamaya ko sya sesermonan.

Nakatunog siguro si Stan na may problema. "Bakit?"

"San yan?"

"Sa Kwartel."

"Namputsa Paco! Pano ka nakarating ng Cavite?!"

"Eee.."

"Ano?!" King ina naman talaga.

"Nagyakag kasi sina Esoy--"

"Shit ka naman, Paco!" Sina Esoy? Ee mga gago yung mga tropa na yun. Pumupunta pang-Cavite para bmyahe. At etong gagong si Paco nagpauto na naman, palibhasa walang ibng kaibigan, sa mga ulul sumasama. Malamang si Paco pa ang nagdala kina Esoy sa kinukuhanan ng item AT malamang dun nagkahulihan. Gago talaga ang putang-ina. Tigas ng ulo kasi.

"Ate.."

"Ano?! Hindi ka kasi nakikinig na gago ka! Ang kulit mo! Sige na! Pupuntahan na kita dyan." Tutal may cash naman ako galing sa raket ko.

"Nadampot si Paco?"

Tsismoso rin tong isang to e. "Sa Kwartel."

"Imus?"

Napalingon ako. "Ba't mo alam?" Taga-Laguna to di ba?

"Sabi mo, Cavite." Sumunod sya sa kin sa sakayan.

"So?" Bwisit talaga yan si Paco.

"Imus lang alam ko dun e."

Hindi ko na lang pinansin si Stan. Tanong ng tanong wala namang magagawa. Sumakay kami ng byaheng Lawton. Sa may Lawton, may provincial bus na masasakyan pa-Cavite. Ilang oras pa ang byahe namin. Puta.

"Dalawa hong Lawton!"

"Galit ka, ne?" tanong ng letseng drayber.

"Hindi ho!"

"Ee bakit ka naninigaw?!"

"Wala!" Letseng to. Ikaw na may tulak na inaalagaan!

Padaskol na dumakot si manong ng barya at inabot sa kin. "Bumaba ka na nga, miss!"

"Ayoko!"

"Aba't--"

"Akin na ho, manong." epal ni Stan. "Pasensya na ho." Pagtapos hinila ako ni Stan pababa.

Sympre, pumalag ako! "Ano ba?!"

"Tara na!"

"Ayoko!" Naghilahan kami sa may jeep. Hindi tuloy makaandar ang mga hinayupak kaya nainis sa kin ang mga letseng pasahero.

"Bumaba ka na, miss!"

"Nagmamadali kami."

"Baba na, oy!"

HIMLAYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon