Chapter 19

95 4 1
                                    

Leigh's PoV

"SURPRISE."

Nakita kong natigilan siya saglit pero pagkatapos nun hinampas niya ako ng hinampas.

"ANG SAKIT NUN AH !" Umamba akong susuntukin siya pero naalala kong babae pala siya. Tsk. Ang hirap talaga saktan ng mga babae.

"Loko 'to! Ano ba naman bang pasabog ito Leigh ?" Iritado niyang sabi. Nakita kong nagpunas siya ng luha.

Umiyak siya ?

"Hey, may problema ba ? Hindi mo ba nagustuhan itong surprise ko para sa'yo ?" Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinahiran ko ang mga luha niya.

Iyak pa rin siya ng iyak. Minsan talaga hindi ko naiintindihan ang mga babae.

Kung hindi iiyak, tatawa lang ng tatawa kundi naman masungit. Ang gulo nila.

Pinaupo ko muna siya dun sa chair na hinanda ko para sa date naming dalawa.

Iniangat niya ang kanyang mukha at tinignan ako. Straight in the eyes.

"Pwedenaman siguro ako mag-share sa isang gangster right ?" Natigilan ako saglit sa kanyang tanong at ngumuso.

"I don't know. Maybe. Why ?" Tanong ko naman sakanya.

Sinerve na ng waiter ang pagkain namin. Nilagyan ko siya ng pasta sa kanyang plato.

Umangal siya. "Ano ba naman yan Leigh ! Ang dami nyan ! Di ko yan mauubos."

I smiled slightly. Damn.

She's gorgeous.

"Masarap yan kaya I'm sure makakaya mo yang ubusin." Pange-encourage ko sakanya. Dinamihan ko ng lagay dahil para naman magka laman siya ng konti.

Sumubo siya nung pasta tsaka nagsalita. "Can I share you something ?"

Nashock na naman ako sa tinanong niya.

Is she opening her life to me ?

I think so.

Sa isang buwan ng pagsasama namin puro kalokohan lang naman nagaganap sa samahan namin.

Never pa kami nagkausap ng tungkol sa buhay namin.

Siguro yun ang reason bakit parang feeling ko kulang pa ang mga nalaman ko sakanya.

"Sure." Matipid kong sabi habang patuloy lang sa pagkain.

"Alam mo ba bakit ako umiyak ?"

Umiling ako. "Abnormal ka kasi."

"Leigh !"

"Oo na, bakit kasi ? Minsan nakakalito yang pagpapapalit-palit ng emosyon nyong mga babae."

Oo talaga. Hindi lang emosyon ang laging nagpapalit sa kanila. Pati feelings.

"May naalala kasi ako."

"Ano ?"

"More like, sino."

Iniangat ko ang tingin ko sakanya. "So, I guess nagka-lovelife ka ?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Anong klaseng tanong naman yan Leigh ! Di ko alam kung compliment o insult."

Tumawa ako and I extended my arm para pingutin ang ilong niya.

Ang cute lang.

"Masakit !" Sabi niya sabay hampas sa kamay ko.

Tumawa lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

A Gangster's Promise (KATHNIEL)Where stories live. Discover now