Chapter 1 (Pain, Tears and Smile)

405 10 0
                                    

Danice POV

"Bangon na !" isang malakas na katok sa pinto ko ang gumising sa akin.

"Yeah what ?!!" sigaw ko sakanya. Ayan na naman eh, nagiging pakialamera na naman siya. Nakikiepal.

"Hindi mo ba alam na may pasok kayo mahal na prinsesa ????!!" sigaw niya pabalik sakin ng makapasok siya sa kwarto ko.Walang silbi din naman kung ilolock ko tong kwarto ko may duplicate key ang bruha.

"Then ?" tinaasan ko siya ng kilay. Nakahiga pa ako ngayon noh ? Katamad kaya bumangon.

"Maypa then then kapa dyan, umupo siya sa kama ko at humarap saken Wala ka na ba talagang plano sa buhay mo ? Ayaw mo na ba talagang bumalik sa school ?" may pag-aalalang tanong niya saken.

Iniwasan ko siya ng tingin at humarap ako sa may bintana. Ayaw ko na siyang sagutin kasi alam ko naman na alam nya yung sagot sa tanong nya.

"Alam mo Shanne, hinawakan nya yung kamay ko Kailangan mo ng maglet go, oo mahirap alam ko yun pero kung parati ka nalang magkakaganito hindi na mabuti."

"Ate..." pinutol nya yung sasabihin ko.

"Shhhhhh.... niyakap nya ako at hinaplos yung buhok ko. Alam ko ngayon hindi mo pa rin mabear yung sakit kasi masyado ka pang immature para maramdaman ang mga ganitong bagay, pero Shanne , wag na wag mong kakalimutan na mas maraming taong nagmamahal sa'yo dito at hindi ka kailan iiwan. May nang-iwan man sa'yo pero sana yun na ang last"

Napahagulgol ako sa sinabi ni ate. Tama nga siya. Naging miserable na ang buhay ko ng mawala siya. Hindi na ako yung Danice na nakilala nilang lumaki na masayahin, palakaibigan, happy-go-lucky at mapagmahal.

Lahat ng kung anong attitude meron ako nuon nawala.

Pero kasalanan ko bang nasaktan ako ng sobra sobra ?

Kumalas ako sa pagkakayakap ni ate.

"Hindi ko man mapangako ate, pero I'll try."

Ngumiti siya and then she cope my face with her hands.

"Good." tumayo na siya at akmang bubuksan yung pinto pero tumalikod siya at humarap sakin sabay ngiti

Isang mapait na ngiti.

Kasi alam ko hindi ganon ang tunay na ngiti ni ate. Nasasaktan din siyang makita akong nasasaktan. Ganon kami kaclose sa isa't-isa.

Naalala ko simula nung umalis siya, hindi ko na alam pano ngumiti at tumawa. Kasi ang lahat ng yun sa memorya ko ay inalis na.

Pero si ate, nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit may pinagdadaanan siya.

Totoo nga ang sabi nila na,

Behind a bright smile is a dark world of pain.

People hide their true emotions through smiling.

Kaya nga nila, pero mas bumibigat ang dinadala nila. Mas mabuti pang hindi nalang ngumiti at tumawa kesa ngumingiti at tumatawa ka nga naman mas palalim ng palalim ang sugat na natamo mo.

Bumangon na ako at nagsimula ng maligo at magbihis.

Nagsimula na naman ang araw na to na umiyak ako at nagsayang ng luha sa isang taong walang alam at walang kakwenta kwenta.

Simula ngayong araw nato hinding hindi na ulit ako iiyak para sa taong iyon.

Pangako.

***

A Gangster's Promise (KATHNIEL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora