Chapter 15

101 3 0
                                    

Danice's PoV

It's been a week simula noong magkakilala kami.

Si Kaye. Ganun parin. Minsan weirdo. Hindi nag-iimik pero pagtinopak, ang daldal. Di parin sila magkasundo ni Steven. Ang laki laki ng problema nila sa isa't-isa. Minsan nga iniisip ko indenial lang sila eh. Hahahaha ! Gusto ata nila ang isa't-isa ayaw pang-umamin.

Si Jc may pinopormahan ata. Ewan. Malihim eh. Hindi masyadong nagkwekwento sa buhay niya.

Si Steven malaki ang problema sa utak. Kung ano-ano ang mga kagaguhan na ginagawa. As what I've said aso't pusa sila ni Kaye.

Si Prince at Peter ayun, normal naman. Hahahaha ! shet, nahahawa na talaga ako sa barkadahan nila. Di joke, normal lang na magkapatid ang ibig sabihin ko. Ayos nga eh, hindi sila nag-aaway.

Si Leigh ginugulo parin ako. Susunduin ako sa bahay paminsan-minsan tas inihahatid din pagkauwian.

Yung tungkol sa parusa ko ? Di naman ata yun totoo eh , kasi halos everyday magkasama kami ng lunch at minsan breakfast pa nga eh.

Pero ngayon sa bahay lang ako magbre-breakfast. Late na kasi ako nagising eh.

"Goodmorning Shanneeeeeee !!!!!" sigaw ni Ate. Halos atakihin ako sa puso. Juskoo ! Sino ba hindi magugulat kung paglabas mo lang sa pintuan mo sisigawan ka.

"Ate naman ! Mamamatay ako ng maaga dahil sa'yo." I rolled my eyes.

"Hihihihi. Sareeeh, ready na pala ang breakfast mo dun sis, dalian mo lang ang pagkain. Mala-late ka na." pagreremind niya saken.

"Thanks sa paghahanda. Baba lang ako." sinirado ko na ang pintuan ng kwarto ko tsaka nagmadaling bumaba. Mala-late na talaga ako. Nakipagkulitan pa kasi ako sa kambal kagabi. Ang tagal kasi natulog.

***

"Kumusta siya ?" tanong ni Ate.

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong gatas ng biglang sumulpot si Ate at tinabihan ako.

"Ang hilig mo rin manggulat Ate noh ? Ipinaglihi ka ba ni mama sa kabute at bigla bigla ka nalang susulpot."

Tiningnan niya lang ko.

Isang tingin na may halong lungkot.

I can see tears forming in her eyes.

Hindi parin ako nagsalita.

"Alam ko kasing binisita mo siya kahapon. I accidentally heard your phone convo ni Kaye kagabi. Kumusta na ba siya ?"

Oo kilala ni Ate kung sino ang binibisita ko. Remember nung hinatid ako ni Leigh (Chapter 7) siya dapat ang pupuntahan ko nung time na yun kaso umulan ng malakas.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Okay lang naman siya Ate. Sad to say ganun parin siya."

A tear escaped from her eyes.

"Kasalanan ko 'to eh." bulong niya.

Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

Eto na naman kami.

"Hanggang ngayon pa ba Ate sinisisi mo ang sarili mo sa mga nangyari ?"

Pinahiran niya ang kanyang mukha na punong puno ng luha.
"Sino pa ba ang ibang pwedeng sisihin ?"

I looked away.

A Gangster's Promise (KATHNIEL)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang