Chapter 18

64 4 1
                                    

Danice's POV

Nagising ako sa bumubusinang kotse sa labas ng bahay.

Ugh, Anong oras na ba ?

6:00 am

Seriously, alam ko na kung sino ang nasa labas.

"Shanne," sabi ni ate sabay katok sa pintuan ko. "Andito si Leigh," Sabi ko nga ba.

Bumangon na ako "Ah, okay ate. Sabihin mo pakihintay lang ako sa baba. Maliligo lang ako."

"Sigesige"

Nagmumuni muni muna ako bago pumasok ng banyo. Inaantok pa talaga ako.

Nastress ako kagabi sa daming assignments , jusko ! Alam nya ba yun ?

After 5 mins. Nasa banyo na ako. It took 20 minutes for me to prepare.

Like duh ? Ang aga aga pa kaya.

Sinusundo niya ako ng 6 eh mamaya pang 8 ang class namin.

Ano na naman kaya ang trip niya ?

Nang matapos na ako sa banyo lumabas na ako at laking gulat ko nalang ng biglang nakita ko si Leigh nakaupo sa dulo ng kama ko.

"The F ? Paano ka nakapasok dito ?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Nakakagulat naman kasi. Buti nakabihis na ako paglabas.

Atsaka hindi na ako sanay na pinapasok ng lalake ang kwarto ko. Well yeah, before.

He faced me with a blank face and answered me in a monotone. "Malamang binuksan ang pinto."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi yun ! Ang literal mo naman masyado, what I mean is that bakit ka nakapasok dito? Sino ba nagpapasok sayo ?" Kainis.

Tumayo siya at tinungo ang door. "Ang dami mong tanong, dali na baka malate tayo." Nilingon niya ako.

"Malate ?! Ang aga aga pa kaya !" SAbi ko habang kinukuha ang mga libro ko sa may study table ko.

Nilingon ko siya.

"May lakad tayo."

At bago pa man ako nakapagsalita, hilahila na niya ako pababa at diretso sa kotse nya.

Narinig ko pang sumigaw si Ate ng iuwi daw ako ng buo. Tae.

Saan ba talaga ako dadalhin nito ?

****

(Sa kabilang banda)

Peter's PoV

Maaga akong nagising dahil hindi naman ako nalasing kagabi actually kaming dalawa ni Leigh.

Nag-aya kasi si Steven ng inuman. As always.

Pumunta naman ang mga kumag at binulabog ang bahay kagabi.

At sobrang naoverwhelmed ata sila sa alak kaya ayun. Bagsak.

Nagdecide akong lutuan sila ng mushroom soup. I'm sure magrereklamo na naman yun ng hang-over.

Matagal tagal na din pala nung last akong nakaluto. Si Yaya Jai na kasi inaasahan namin pagkakain kami kasi wala na kaming time magluto dahil sa daming activities sa school.

Chef kasi ang mommy at daddy namin ni Prince kaya sakanila ko yata namana ang cooking skills ko.

At sa family namin, si Prince lang naman ang hindi nabahaginan ng kahit 1% ng pagiging chef. Delikado kasi pag siya ang ilalagay mo sa kusina. Maghanda ka na ng fire extinguisher kung ayaw mong maging abo ang bahay nyo. Hahahaha

A Gangster's Promise (KATHNIEL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora