Marco's Special Chapter

60 1 2
                                    

I've never done anything like this for a girl.

Kanina pa paulit-ulit sa isip ni Marco ang mga salitang ito.

Paggising niya na lang, bigla kasi nito naisipan na magluto.

Magluto para sa kanilang dalawa ni Star.

Sakto naman dahil agad umalis si Star para hindi nito makita na nagluluto siya. Baka kasi pagtawanan ito ng dalaga.

Nang malapit nang matapos ang mga hiniwang ingredients ay nag-ring ang telepono niya.

"Hello Marco? Baby? It's George. Can we talk? I missed you."

Marco just stood there in the kitchen. Shocked sa narinig na voice message.

Boses ng kanyang Ex.

Boses ni George.

Dali dali niyang sinagot ang telepono bago pa magpaalam sa kabilang linya si George.

"Hello George? I think it's time for us to talk."

"Oh my God Marco! Akala ko hindi mo sasagutin. I thought..."

Napapikit si Marco. "George, let's just meet. Now. The usual?"

Narinig niyang nag-sigh si George sa kabilang linya.

"Okay. The usual. I'll see you there in about...10 minutes. Actually, I'm on my way to see you. But you picked up the phone."

Here? Sa Condo? Oh hell no. Baka magkita pa sila ni Star at kung ano isipin.

Ayokong makita si Star na masaktan.

"It's better if you don't go here. Okay, I'll be there in 10 also. Bye." binaba na agad ni Marco ang telepono.

Star is right. I need closure. I need to know kung may feelings pa rin ba ako kay George.

***

"Just as I thought. She's late."

Always.

Habang hinihintay niya si Georgina sa park, pinagmasdan niya na muna ang dati nilang Favorite Place.

Wala pa rin itong pinagbago base sa mga nakikita niya ngayon.

Malamig pa rin ang simoy ng hangin, kahit medyo marami ang mga tao ay tahimik pa rin ang lugar.

Pero ang upuan kung saan siya nakaupo ngayon, nagbago.

Bagong pintura ang mga ito at nawala ang inukit niya.

Ang initials nila ni Georgina.

Maybe it's a sign.

"Marco?"

Tumingin agad siya sa babaeng tumawag sa kanya.

"George." iyon lang ang nasabi niya.

"Hi."

Hinihintay niyang magsalita muli si Georgina pero wala.

Hinihintay niya kung ano ang mararamdaman niya ngayon pero wala.

Wala.

Thank God, it's gone.

Kahit nagkatitigan na sila ay wala na. Wala na talaga.

Pero may naisip pa siya.

She hugged Georgina. Na ikinagulat naman nito.

"Marco? Does this mean, you want us back too?"

The Writer's InternTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon