Special Chapter - Two years after

30 2 2
                                    


"June twenty-four, twenty-seventeen. Saturday. Two years after ma-meet ko ang pagka-yabang yabang pero ubod naman ng gwapo na si Marco. Two years na pero ang hirap mo pa rin basahin. Marami ka pang hindi sinasabi sa akin at marami pa akong kailangang matuklasan sa pagkatao mo. Pero masaya pa rin ako kasi, hindi ko ineexpect na magiging tayo. May 'tayong dalawa' na. Eeeh! Kinikilig nanaman ako! Ewan ko ba! Kahit sinusungitan mo ako, hindi ko pa rin mapigilan na kiligin sa'yo. Tapos ikaw, minsan lang mag-lambing sa akin! Nakakatampo ka na Marco ha. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi naging successful naman ang comeback mo. Kaso naging sobrang busy ka na. Alam mo 'yun? Hindi ko magawang sobrang magtampo sa'yo kasi, ikaw 'yan eh. Sikat ka. Maraming humahanga sa'yo. Tsaka ayokong mapunta ka ulit kay Georgina. Akala mo hindi ko alam no? Nagkakamustahan pa rin kayo. May trust naman ako sa'yo Marco kasi sabi mo nga, wala ka nang nararamdaman sa kanya at tingin ko, mabait naman siya kasi nagkita na rin naman kami. But enough about George. Gusto ko lang sabihin is, Hi. I miss you and I love you. Hindi naman ako nagrereklamo sa lagay natin ngayon. Pero sana, bigyan mo naman ako ng dagdag two hours sa oras mo sa akin. Kasi sobrang namimiss na kita."

Agad na pinindot ni Star ang record button upang mahinto ang pagrerecord niya ng video at pabagsak na humiga sa kama niya. Gusto man niyang alisin sa sistema niya ang tampo at lungkot na nararamdaman ay ayaw naman pakawalan ng puso niya.

"Hindi naman kita iiwan tulad ng ginawa ni George sa'yo kasi magka-iba kami. Siya mahal ka, pero ako? Mahal na mahal kita." Hinayaan na lang niya ang sarili niya na umiyak. "Dapat hindi ako umiiyak eh. Kasi tayo pa rin naman. Alam ko naman na ako lang din diyan sa puso mo. Kaso, feeling ko, nakakarelate na ako paunti-unti sa nararamdaman ni Georgina nung kayo pa. Ugh!" Bumangon si Star at pumunta sa banyo at naghilamos. "Stop it Star." Sinampal-sampal niya ang sarili. "Be happy for Marco. Be happy. Girlfriend ka niya kaya dapat support lang! Go fight!"

***

"Marco, you okay? Ilang oras na lang naman ito at makakauwi ka na. One last interview for a magazine then mga two to three shots daw for the article." sabi ng isa sa mga organizers ng event na dinaluhan niya.

Pfft. Ano pa bang magagawa ko?

"I'm okay. Sige gawin na natin. Last right? Then I'll go home?"

"Yep! Last na ito."

Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga "Okay."

Ilang oras nang masakit ang likod at puwetan niya sa kauupo at pisngi naman niya sa kangingiti sa bawat interview na ginagawa niya. Hindi naman niya magawang magsungit masyado dahil ang event na dinaluhan niya ay isang favor galing sa Boss niya. Hindi na rin siya mapakali dahil uwing-uwi na talaga siya at gusto nang makita at makasama si Star. Sandali siyang sumandal at pumikit dahil mukhang natagalan yata ang huling reporter na ieentertain niya.

Star, I miss you. I'm sorry.

Sa pagpikit niya ay agad niyang na-imagine si Star pati na rin ang mga alaalang kasama niya ito. Mas gusto na lamang niyang magkulong sa kwarto kasama si Star at iwan ang lahat ng meron siya ngayon.

But I can't. Sana ganoon lang kadali iyon.

Nakakafrustrate. Iyon lamang ang masasabi niya. Gusto man niyang talikuran na ang pagiging writer niya ay nafru-frustrate naman siya kapag wala siyang ginagawa.

Dapat talaga hindi na lang ako pinakilala ni Boss at nagtago na lang talaga ako sa pseudonym ko.

"Uh, Mr. Marco?"

Agad siyang umayos ng upo at tumikhim. "Err. The last interviewer?"

"Well, yes. I'm Jaz, with a single 'Z'." sabi nito ay nagshakehands sila. "Alam kong pagod ka na kaya, mamadaliin na lang natin ito. I only have five questions and please do answer honestly. As you can see, our magazine is all about gossips and..."

The Writer's InternTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon