Alas dos ng umaga tahimik ang departamento ng pulis walang gulo o reklamo silang natatanggap kaya ang mga pulis ay nanunuod na lang ng t.v.
at ang iba ay ini - enjoy ang mainit na kape.
FLASH REPORT!!!
Kakapasok lang po na balita. Mga hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga pulis sa isang abandonadong apartment.
Ang nakakapagtataka po dito mga kababayan, lahat ng holdaper ay nakatali na at wala ng mga malay.
Si pulis Inspector Odessa ay tumangging magbigay ng pahayag ukol sa pangyayari pero ayon sa mga saksi ay nahuli na ang pulis dahil may grupo
na nauna upang gawin ang trabaho nila.Sino ba ang mga taong ito at ano ang kanilang motibo sa ginagawa?Kakampi ba sila ng batas o kaaway?
Hanggang sa susunod na mga balita. Ito po si Mike Agudo nag - uulat.
Napatulala ang mga pulis sa napanuod,di sila makapaniwala na may bagong sulpot na grupo upang
gawin ang trabaho nila, ang isa'y hindi nakatiis at pinuntahan ang opisina ng hepe.
Tok!Tok!Tok!
"Chief! Andyan po ba kayo?" katok ng isang pulis sa opisina ng hepe.
Kakatok pa sana ito ulit ngunit hindi na niya ito itinuloy dahil sa malakas na sigaw ng hepe sa opisina nito.
"ANO!!!? sigaw ng hepe sa kanyang kausap na nasa kabilang linya. Mahigpit na mahigpit ang hawak nito sa tasa ng kape na may kainitan pa.
"Bakit at paano naunahan kayo ng mga grupong yan? pasigaw na tanong ng hepe sa kabilang linya.
"Hindi rin po namin alam hepe, sekretong mission po ang ginawa natin upang matiktikan at mahuli ang mga kriminal
pero naunahan pa rin tayo ng mga nag - aastang superhero na grupo na yan."sagot nito sa hepe.
"Masyado nang nagmamagaling ang mga taong yan ni hindi man lang nila sinusubukang makipag - ugnay sa atin bago gumawa ng hakbang,
siya nga pala narecover niyo ba ang pera na kinuha ng mga holdaper?" inis pa rin na tanong ng hepe.
"Ah eh! Yan din nga po ang problema hepe wala po dito ang pera ang nakita lang namin ay isang sulat na nagsasabing
nasa mabuting kamay na ang pera at may lagda pa ng isa sa mga nakauna sa atin." kinakabahang sagot nito.
"HA??? Pati ba naman ang pera? Ano ang pangalan ng lumagda sa sulat?" sigaw na tanong ng hepe.
"POISON po Hepe di po namin alam kung ano ang ibig sabihin ng poison na ito, gagawan na po namin ng report ang insidenteng ito at babalik
na po kami diyan sa opisina." sagot nito sa hepe.
"POISON huh! Pangalan ng nagmamagaling, maglagay ka ng tao na magmamatyag diyan sa lugar baka may makuha tayong impormasyon sa grupo na yan.
sigaw ng hepe at ibinaba ang telepono sabay hagis sa tasang hawak nito sa pinto ng kanyang opisina."
Sa kabilang banda...
Kring! Kring! Kring! nakakainis na tunog ng telepono na gumising sa mahimbing na pagkakatulog ni Jake.
Napadilat ang mata nito at napatingin sa alarm clock sa tabi ng lamp shade nito. Nang makitang alas dos palang ng umaga ay naidlip itong muli.
Kring! Kring! Kring! tunog ulit ng teleponong tuluyang gumising sa kanya.
" Grrr!!! Sino ba namang istorbo to na hindi man lang marunong tumingin ng orasan huh?" inis na wika ni Jake at
BINABASA MO ANG
Professional Gangster
Teen FictionFLASH REPORT!!! Kakapasok lang po na balita. Mga hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga pulis sa isang abandonadong apartment. Ang nakakapagtataka po dito mga kababayan, lahat ng holdaper ay nakatali na at wala ng mga malay. Si pulis Inspector Ode...