Ace
So... Ako si Ace, Ace Balthazar. Isang normal na fourth year highschool student. Leading a boring life (don't get me wrong, even I have friends).
I am what you could say a generic type, sometimes invisible, some times outstanding.
Ngayon ay june,13,2015. At nasa biyahe ako papuntang school.
Inaabot lang ako kadalasan ng 30 mins. Sa paglalakad. Pero, dahil sa isang holdapan sa isang grocery malapit samin, malelate pa tuloy ako, sa unang araw ng klase.
Tatlo in total yung mga holdaper, may dalawang armado ng kutsilyo at isang may baril, standard issue police gun.
Sinubukan akong saksakin ng kutsilyo nung isang holdaper tapos, parang may naramdaman akong sudden jolt sa katawan ko.
Ang bilis at kakaibang lakas na nakikita ko lang sa mga pelikula.
I feel like, there's a hundred years of combat experience in me suddenly. Am I even human? Naisip ko bigla.Iniatras ko ang aking kaliwang paa, upang makaiwas sa pag-atake, obviously.
Bigla kong kinuha yung tubong daluyan ng tubig. And I wielded it like a spear, without the spear head. So just like, a staff, I guess.
Hinampas ko yung left temple niya, causing him to faint. Pinaikot ko sa leeg ko yung tubo and thrusted the end of it in the head of the one that has the gun. Two down, one to go
Tumingin ako sa direksiyon nung isa pang may hawak na kutsilyo. Takot na siya. Nanginginig siya. Humarap ako. Ngunit tumakbo na lang siya bigla.
Tumingin ako sa relos ko sa kamay. What the fuck?! Five mins to my 7:20 am class.
"Oh great. I'm late. You guys can just tie them up. Gotta go" sabi sa mga taong nabiktima sa loob ng grocery store. Sabay takbo. Hype na yan! Late na ko!
Napatingin ako sa taas habang natakbo, may isang lalaking malaki ang katawan, nakapa-mewang. Sinusunduan ako ng tingin.
"Well, that's weird!" Sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo, sabay focus ulit sa pagtakbo, late na ko eh!
Pagdating ko sa school, lahat ng estudyante ay nasa loob na ng mga classroom. Lagot! Sa third floor pa naman yung classroom ko.
Fourth year. Genesis.
Naks! Maganda ang meaning.
Pero pagpasok ko ng room...
"Good morning, mr. Balthazar, medyo maaga ka ngayon ah?"
*nagtawanan lahat*
Tumambad sakin yung lalaking malaki ang katawan sa bubong kanina! I'm still figuring out what's going on, kaya ang nasabi ko na lang...
"Sorry sir Cruz, may nangyari po sa daan kanina."
Nakita ko yung apelyido niya sa board.
"Nabalitaan ko nga. May tindahan daw na hinoldap ng tatlong tao. Buti na lang, may binatilyo daw na tumulong sa mga nabiktima kanina, I'd say, he's quite the hero." Compliment niya, sabay tingin sakin.
"You can sit anywhere." Dagdag pa niya.
Umupo na ko malapit sa bintana. Para malamig.
"There's more to us than meets the eye."
Bigla niyang sinabi. Nagulat kaming lahat. Na aaning na ba si ser? Malamang iniisip ng mga kaklase ko. Pero ako? I smell something fishy.
Natapos ng maaga ang araw, dahil pagpapakilala at discussion of rules and regulations lang ang naganap.
Sasama na dapat ako sa squad i.e. barkada, nang may nakalimutan ako...
"Hala! Yung phone ko! Nasa taas!" Naalala ko bigla. Buti nandun pa si ser.
"Bilisan mo na dali. Gagala pa tayo." Sabi ni Jace, bestfriend ko since grade 1. Tinatawag namin siyang Sin of greed, bakit? Dahil napakakuripot niya.
Pagod na pagod akong umakyat hanggang third floor. Whew! Pero nang pumasok ako sa classroom...
Tumambad sakin ang isang maliwanag at hugis taong nilalang. Punong puno ang katawan niya ng mga spark at kung minsan, mga kidlat. Mahaba ang buhok nito at may mahaba at puting beard. Naka- puting toga ito. At kumikislap ang mga mata.
Hindi ko na kailangan maging expert sa greek literature para malamang si...
Si Zeus yun!
BINABASA MO ANG
Heroes Reborn
FantasyAchilles. Perseus. Odysseus. All are greatest heroes. People often call upon their names for inspiration and hope. People refer to them as "heroes" But we call them "lolo!" pero dahil hindi imortal ang mga lolo namin... Namatay na sila in action. N...