My Class adviser, is The god of War?!

14 0 0
                                    

Si Zeus yun...! Di ako pwedeng magkamali

Gulat na gulat ako, at overwhelmed, hahaha mismong king of gods na ang nakita ko e.

"Mr. Balthazar, lumapit ka." Sabi ni sir Cruz.

Lumapit naman din ako. Shet! Priceless moment!

"Ama, ito siya. si Ace Balthazar, Half-blood of Achilles." Pinakilala ako ni ser.

"Wait, what?" Sabi ko sa pagkagulat."You've got to be kidding me? Ako? Descendant ni Achilles? Hahaha" natawa na lang ako, kasi impossible mangyari yun.

Lumapit si Zeus sakin, hinawakan niya ang aking noo. At nagkaroon ako ng vision, or more like, a memory, back mula nung kakalabas ko palang sa tiyan ni mama;

I am seeing myself... With an old woman, I think it was grandma, with mama too.

Madilim ang paligid, at parang lahat doon, patay.

Hinawakan ako ni mama sa may bandang paa;
Teka!? Lulunurin niya ba ako?

Binuksan ko ang mga mata ko, nakabalik na ko sa reality, except in my reality, the gods are real.

"Ano hijo? Anong nakita mo?" Tanong sa akin ni Zeus.

"Nilunod ba ako ni mama nung bata ako?" Tanong ko lang.

"It's an old practice of your bloodline, ang nanay ng lolo mo, ang sea-nymph na si Thetis, ang naglubog sa iyong lolong si Achilles sa ilog Styx. Ang ilog ng mga kaluluwa. Sa pamamagitan nito, naging imortal ka." Paliwanag sakin ni ser Cruz, na hindi ko pa rin alam kung sino o ano ba talaga...?

"Wait, wait. If I got this right, I'm immortal... And the descent of the greatest warrior, right?" Nasabi ko na lang dahil hanggang ngayon, nasa state of shock pa rin ako.

"Tama, nakuha mo." sabi ni Zeus sakin. Paneszxc uma-agree sakin ang king of the gods hahaha I feel so happy.

Tumalikod ako, tinaas ko ang aking mga kamay at sumigaw;
"YES!"
"Pasensya na po sa sudden outburst ko. Di lang talaga ko makapaniwala. Haha *fistpump*" paumanhin ko sa kanila.

"Okay, more on serious note..." Pagsingit ni ser Cruz. "Ace..."

"Yes, sir...?" Tugon ko.

"Si Hyperion, ang Titan of light at power, is seeking to destroy Olympus. At gagawin niya yun sa pamamagitan ng ama ng lahat ng mga halimaw, si Typhon." Sabi ni ser Cruz sakin.

"Pero di niya magagawa yun, dahil kayo ang mga greatest gods, diba?" Tanong ko.

"Sadly, hindi sa istoryang ito. Sa tagal ng panahon, lumakas si Hyperion. Ngayon kasing lakas na niya si Cronos, ang hari ng mga titan." Dagdag pa niya habang seryoso akong nakikinig.

"By next month, probably. Hahanapin niya ang relic naming magkakapatid. Ang trident ni Poseidon, ang helmet of Darkness ni Hades at ang aking Master Thunderbolt na nasa Olympus mismo. At base sa propesiya ni Themis; tatlong apo ng mga dating bayani lang ang makakapigil dito. Nandito ka na, kaya dalawa na lang ang natitira." Paliwanag ni Zeus sa akin.

"Tutulungan ko kayong hanapin sila." Offer ko.

"Very well, anak bibigyan kita ng isipan buwan para sanayin sila. Babalik na ko sa taas, you guys take care." At nagkaroon ng malakas na kidlat sabay ang pagkawala ni Zeus papunta sa "taas", I suppose Olympus.

"Umuwi ka muna, Ace. Bukas tayo magsisimula. Ang sunod nating hahanapin ay ang apo ni Perseus, babae siya." Sabi ni ser Cruz.

"Teka nga muna?! Sino at ano ka ba talaga?!" Ang tanong na kanina pa nasa isipan ko.

Humarap sa direksiyon at tumindig, "ako si Ares, ang God of War, your class adviser by day. Trainer by night. Now you know a lot of things, marami susugod sayong mga nilalang, lahat gagawin nila mapaslang ka lang." Sabi niya sakin.

Umalis na nga ako. Naghihintay ang barkada, di ko na lang ikekwento ang nangyari, dahil wala namang maniniwala. At yung mga "nilalang" na sinasabi ni Ares, I assume na di lang basta holdaper ang mga yun.

I'm in this big journey, now, I just knew it. Ano na kayang mangyayari sa buhay ko ngayon? I just can't wait to get started.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heroes RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon