BWTT: Foodtrip

5 0 0
                                    

Patuloy lang kami sa paglalakad habang nagkwekwentuhan ng mga kung anu-anong mga bagay.

"Ano kayang mangyayari ngayong pasukan. May mga hottie kaya o mga gwapo na magpapatibok sa", hinawakan muna ni Ecka ang kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso bago ipagpatuloy ang kanyang sasabihin "aking puso", dagdag pa niya. Kita mo 'tong babaeng to oh. Kung sabagay NBSB siya katulad ko.

Tumigil muna ako dahilan ng pagtigil din niya, "Aba ate Ecka. Makapag excited ka namang magkaboyfriend, wagas", sagot ko ng nakapamewang.

"To naman. Boyfriend agad di ba pwedeng crush o ina admire muna. Tsaka teka, bakit parang bitter ka.? Heartbroken ka na ba dati?", sagot at tanong niya habang itinuloy na ang paglalakad namin.

"Di naman sa ganun. FYI, NBSB ako tsaka kung magkaboyfriend man ako. First and last ko na yun", sagot ko ng nakangiti.

"Eh paano kung may manligaw sayo ngayong araw na to? Mismo?", ano ba namang tanong yan Ecka. Makatanong naman to biglaan naman eh. Di na nahiya sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Ano ba namang tanong yan Ecka. Di ka manlang ba nahiya sa mga lumab...", di ko na natuloy pa ang nais kong sabihin ng makarating kami kina Aling Choleng.

"Thea! Ericka!", sigaw ni Aling Choleng at tumakbo papalapit samin at yinakap kami.

"Aling Choleng naman parang di naman tayo nagkita ng tatlong taon", sabi ko ng makakalas na kami sa yakap niya.

"Ah eh. Ganyan talaga tsaka namiss kayo ng barbecue at fishball ko", sagot naman ni Aling Choleng habang pinapaypayan ang iniihaw na barbecue.

"Oh sige paorder ng isang milyong piraso ng fishball at dalawang daang pirasong barbecue", nakapamewang at with confidence na pabiro kong sabi kay Aling Choleng. "Samahan mo ng isang baldeng sauce", dagdag ko pa at nagtawanan kaming tatlo at pati narin tong mga kasama namin na kumakain na ng kanilang order.

"Naku Thea, lolobo ka niyan sige ka. Mawawala na yung coca-cola shape mong body", natatawang sabi ni Aling Choleng habang isinerve ang order ni Kuya Paul na kapitbahay namin.

"Wow Thea. MakaOrder ka naman, para kang di kumaing ng 17 months", dugtong ni Ecka sa 'king sagot.

"Biro lang naman yun. Ano ka ba naman.", pag explain ko kay Ecka.
"Order na lang ako Thea. Maupo ka na lang muna don", agaw atensyong sagot ni Ericka at pumipili na ng makakain namin.

Kaya umupo na ako sa upuan na inuupuan ni Kuya Paul, Aling Minda at ni Uncle Berto na asawa ni Aling Choleng.

Si Aling Berto at Aling Choleng ay mag-asawa pero namatay ang kanilang nag-iisang anak. Balita ko naaksidente daw nung bata pa lang. Sila ang nagtitinda ng Barbecue at fishball sa tapat lang mismo ng kanilang bahay.

Si Aling Minda naman na Mama ni Kuya Paul ay isa nang byuda. Namatay ang asawa kase inatake sa puso. Magkakatabi lang sila ng bahay nina Aling Choleng at may sari-sari store.

"Huwag kang masyadong magpapagod Mahal", pabirong sabi ni Uncle Berto at yinakap si Aling Choleng mula sa likod.

"I smell something fishy", sabi naman ni Ecka at ginagalaw galaw pa ang ilong na para bang may inaamoy.

"Naku kumare! Nanlalambing na naman si kumpare", natatawang sabi naman ni Aling Minda. "Oh. Siya maiwan ko muna kayo, maglalaba pa ako eh", dagdag pa niya at agad ng pumunta sa kanilang bahay.

"Masyadong pa PDA Uncle Berto ah", natatawa namang sagot ni Kuya Paul habang nginunguya pa ang pagkaing malapit ng maubos.

"Hay Naku! Push mo pa Uncle Berto", sagot ko naman habang hinihintay pa ang pagkain namin.

"Kayo talagang bata kayo. Halina nga Thea at Ericka, luto na tong order niyo.", natatawang sagot ni Aling Choleng habang linagay na sa pinggan ang order namin."At ikaw naman", sabi niya at humarap sa kanya, "Tapusin mo na nga yung linilinisan mong tricycle naten! Tong matandang to. Kung ano ano iniisip. Sa harap pa talaga ng mga bata", seryosong dagdag na pasigaw ni Aling Choleng.

Nagkamot na lang ng batok si Uncle Berto at tumalikod na para sundin ang utos ni Aling Choleng.

"Ah. Thea, Ericka, Aling Choleng. Una na po ako. Gagawa pa ako ng Thesis ko eh.", sabi ni kuya Paulo pagkatapos niyang kainin ang kanyang pagkain. 2nd Year College na si Kuya Paulo sa kursong Business Management.

"Sige iho. Balik ka ulet ha?", sagot naman ni Aling Choleng habang pinupunasan na ang kanyang pawis. Ngumiti na lang at tumango si Mg Paul bilang sagot at agad ding umalis. Di na kami nakasagot kase busy na kami sa pagpapalamon  sa mga alagang anaconda ng aming tiyan.

Tatlo na lang kaming naiwan dito. Katahimikan ang namayani. Oh. Atmosphere, magpapansin ka naman.

"Oh. Thea, kumusta naman ang buhay pag-ibig?", naku Aling Choleng, halos mabulunan na ako sa tanong mo. Binasag mo nga ang katahimikan, yung iniiwasang tanong ko naman.

"Hay Naku Aling Choleng. Bitter po siya. May nalalaman pang "FIRST AND LAST",sagot ni Ecka na ginaya pa talaga ang aking boses.

Being with Thea TinosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon