BWTT: Movie Date

0 0 0
                                    

Kumuha ako ng Pajama at Sando ko at sinuot. Di na ako manonood pa kasi pagod na pagod na ako.

Isinaksak ko na ang electric fan, wala kasi kaming aircon eh. Pinatuyuan ko na ang buhok ko.

Pagkatapos kong patuyuan ay kinuha ko na ang cellphone ko para magfacebook. May free data naman eh.

Di naman ako ganun kasikat kaya wala masyadong nag-a-add sakin o nagmemessage.

Habang naghahalungkat ako ng mga newsfeed ko naisipan kong magpost.

Thea Tinoso update a status.

-True Love Waits. :*

Wow. Himala. Ngayon lang ata ako nagkaron ng maraming likes. 1 minute palang 7 likes na agad. May dalawa pang comment.

Kaju Manicad: trueee. :)

Prince Geronimo: Tama. Wag minamadali. :)

Diko naman sila kilala kaya di ko nalang sila pinansin pero baka isipin nilang snob ako. Bahala na. Isipin pa nila na FC ako eh kahit nauna sila.

Mas dumami pa ang likes hanggang sa naging 67 na eh 24 minutes palang. 789 naman friends ko so, okay lang yan.

Inoff ko na ang mobile data ng cp ko at pinatay na para matulog. Linagay ko nalang sa gilid ng unan ko ang phone ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Kinabukasan (Huwebes)-

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mala anghel na mukha. Napaupo na ako sa kama ko at naghikab pa habang nagkukusot ng mata. Wow! Fresh pa si Bes Muta.

Tumayo na ako at niligpit ang mga unan at kumot ko at nagdiretso sa CR para gawin ang morning rituals ko.

Pagkatapos ay nagtungo na ako sa sala at nadatnan ko naman si Mama na nanonood lang ng TV. Mukhang hindi busy si Mama so Quality Time kami.

"Ma, nakaalis na ba si Papa?", tanong ko.

"Oo Nak, kain na tayo?", aya niya. Teka? Dpa siya kumakain??

"Dka pa kumakain Ma?", tanong ko nalang ng may pagtataka.

"Di pa. Hinihintay kita. Tara na?", aya niya at pinatay na ang TV.

"Cge Ma", sagot ko nalang at nagtungo na sa mesa.

Umupo na kami at kumain. Tinapa ang ulam namin. Mukhang lolobo na naman ako eh.

Kumain lang kami ng tahimik hanggang sa matapos kami.
"Hugasan ko lang to anak ha?", sabi niya at nagderetso na sa lababo.

"Cge Ma. Ligo lang din po ako.", sagot ko na lang at nagtungo sa kwarto ko para kunin ang aking twalya.

Deretso na ako sa CR at naligo na. Dahil sa, palagi nalang akong singer, di ko na naman napigilan ang bunganga ko.

"You got that James Dean

Daydream look in your eyes

And I got that red lip classic

Thing that you like

And when we go crashin down

We come back everytime

Cause we never

Go out of style

We never go out of style"

Ramdam ko yung lyrics at nagsasayaw pa na parang pang match sa song.

Mabilis din ako natapos at lumabas na ng CR. Dumeretso na agad ako sa kwarto ko at nagpalit na. Leggings na black at t-shirt (Color Gray) na malaki na may print na YOLO sa harap at You Only Live Once. Lumabas na ako at nagderetso sa sala. Sakto namang andun si Mama.

"Ma, ligo ka na. Movie Date tayo dito sa bahay.", pambungad na sabi ko at hinahatak hatak ang kamay niya. Tumayo naman siya at.

"Per..." di na niya natuloy ang gusto niyang sabihin dahil tinulak ko na siya papuntang CR.

Wala na siyang nagawa kundi pumasok at maligo. Pumili naman ako ng mga CD dito sa bahay na nabili ko pa dati sa probinsiya.

Para Sa Hopeless Romantic

Yun yung napili. Habang hinihintay ko si Mama, iniligpit ko na muna yung mga CD na diko napili.

After 15 minutes, nandito na si Mama na nakashort ng above the knee (Gray) at Pure Violet shirt.

"Tara Ma, exciting to",sabi ko at umupo na siya.

Inayos ko na muna ang DVD tsaka TV tapos pumunta sa tabi niya.

Nanood lang kami ng nanood hanggang sa part na hinahanap nila pareho yung upuan ni ginawan nila ng Vandals. Nakakakilig yung part na to.

Tahimik lang kaming nanonood sa kinauupuan namin. Ang sweet na nila Becca at Nikko. Sana ako din.
Hanggang sa nagdate na sila pagkatapos ng graduation. At yun na nga yung ending, sa huli. Si Becca pa din at si Nikko ang nagkatuluyan.

Di namin namalayan ang gutom hanggang sa napatingin ako sa Relo.

What??::

11:06????

"Ma, magluluto lang po ako ha?", sabi ko at tumayo na.

"Cge. Kukunin ko lang din yung mga linabhan natin kahapon at tutupiin ko na", pahabol naman ni Mama.

Dahil sa, stove din naman ang pinaglulutuan namin. Mga 20 minutes na akong nakaluto. Meat Loaf nalang yung linuto kong ulam namin.

Ilinagay ko na sa mesa at, "Ma, kain na", aya ko kay Mama.

"Andyan na anak", sagot naman niya.

Dumating din agad si Mama at sinimulan na naming kumain hanggang matapos na kami.

"Maghuhugas lang ako nak ha", sabi ni Mama at agad nang ginawa ang sinabi.

Nang matapos na siya, "Movie?", tanong ko ng nakangiti sa kanya at tumango nalang siya bilang sagot.

Next in Line: Diary ng Panget

Hay Naku. Be sure makikilig na naman ako neto. Kaya sinaksak ko na at agad nang umupo ulit sa tabi ni Mama ng.

"Hey. Sweet niyo ah"

Lumingon naman kami sa nagsalita at

O___O

Being with Thea TinosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon