BWTT: Questions and Statements

0 0 0
                                    

Naglakad lang kami pauwi ni Ecka kasama ang nakakabinging katahimikan hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kanilang bahay. Di naman gaano malayo ang bahay nila sa bahay namin. Mga 4 na bahay pa ang kailangan kong daanan bago makarating sa aming bahay

"Oh. Dito na ako. Ingat ka pauwi ha", basag ni Ecka sa katahimikan at niyakap ako ng napakahigpit na parang wala nang bukas.

Kumalas din agad ako sa yakap at "Yah. So, Mall tayo sa Sabado para bumili ng mga gamit natin for the first day of school?", sagot ko ng nakangiti.

"Cge ba. Oh, pano pasok na ako ha?", sagot niya at tumalikod na siya.

"Bye", sagot ko naman habang linalock niya yung gate nila.

"Bye na Bes. For now.", sagot na lang niya at tumalikod na.

Nagdiretso na lang ako sa paglalakad. Iniisip kung ano ang mangyayari sa Monday nang bigla kong maalala ang sinabi ni Aling Choleng kanina. Ang daming tanong at statement sa isip ko.

"Paano ko nga ba mararanasan ang totoong buhay kung sa una pa lang ayaw ko nang masaktan?"

"Posible kaya kung mainlove din ang isang katulad ko.?"

"Natatakot akong masaktan pero sana makahanap ako na sigurado ako magmamahal sakin ng tunay"

"Darating din ang Araw Thea pero sana tama ang maging desisyon mo"

"Posible kayang may magpapatibok ng puso ko sa Luna Acade..."

Nagising ang diwa ko sa pagtawag sakin ni Mang Canor na galing lang sa trabaho, may nakasampay pang panyo sa kanyang balita at halang pagod.

"Oh Thea. San ka galing?", tanong niya.

"Ah. Kina Aling Choleng po. Nagmeryenda.", sagot ko nalang at napangiti nalang siya bilang sagot.

"Cge po pasok na po ako sa bahay baka hinahanap na po ako ni Mama", dagdag ko pa. Tumango nalang siya bilang sagot kaya dumeretso na rin ako sa loob.

"Ma. Nandito na si Maganda Thea.", sigaw ko nang makapasok na sa sala pero wala siya.

"Ah. Anak andyan kana pala. Kain na tayo?", sagot naman niya galing kwarto.

"Busog pa po ako Ma eh. Linibre ako ni Ecka ng barbecue tsaka Fishball.", sagot ko at binuksan ang TV.

Saktong Showtime na ang palabas at sa segment palang na Sine Moto.

"Cge. Kain nalang ako ha. Kain ka pag nagutom kana. Maglalaba ako pagkatapos", sagot naman ni Mama at dumeretso na sa lamesa.

"Cge Ma.", sagot ko nalang at tinuon na ang pansin kay Vho..este Showtime.

Kung sana naman magkaboyfriend ako. Yung kasing loyal at kasing gwapo ni Vhong Navarro.

Buti pa nga si Eya may Cross. Si Samantha may Timothy. Si Leah may Clark. Eh. Ako? may.....may....may......Wala pala akong boyfriend. Pero, di naman ako nagmamadali eh. Darating din tayo diyan. Tiwala lang.

Nanood lang ako hanggang sa:

*Kruuuu*Kruuuu*Kruuuu*

'Tiyan ko ba yun?', sabi ng isip ko at:

*Kruuuu*Kruuuu*Kruuuu*

Ah. Tiyan ko lang pal.... Napatayo ako at napatingin sa relo na nakadikit sa pader. 2:16?? Ganun na ba ako katagal nanood at diko na namalayan ang gutom at oras?

Tumayo na ako, pinatay ang TV at deretso sa kusina. Umupo sa tapat ng lamesa. Hinawakan ang tray at:

"Thea, open the suitcase", sabi ko ng medyo pasigaw. Binigla ko na lang ang bukas. "Tenen!", sabi ko at bumulagta ang paborito kong Beefsteak. Lumaki naman ang dalawang mata ko na parang ganito.

O___O

Hanggang sa naging

^___^

Tapos linantakan ko na agad ang pagkain na parang wala ng bukas.

Kinikiliti pa naman ako ng mga Anacoda sa tiyan ko na para bang Labinwalong taong kong hindi pinakain.

Hayys. After 496 days, nakakain na din. Hahaha. Chos. Dumeretso na ako sa lababo at hinugasan ang mga nagamit na Utensils.

Pagkatapos kong hugasan. Tinulungan ko na si Mama na maglaba sa labas. Magsasampay nalang siya kaya tinulungan ko na.

"Oh. Anak, sa Lunes na yung pasukan.", sabi ni Mama habang pinipiga ang isang kulay pulang damit na isasampay niya.

"Oo nga po eh. Ah. Ma, magmamall sana kami ni Ecka sa sabado para bumili ng gamit namin.", sagot ko nalang habang nagsasampay din ng damit.

"Oh cge anak. Tutal sweldo ngayon ng Tatay mo tsaka wala siyang pasok bukas. Magbabakasyon daw yung boss niya. Family Vacation daw tsaka sa gabi ng sunday yung balik nila", explain ni Mama. So, 3 days ang bakasyon ni Papa.? Wow. Just Wow!!

"So. Tatlong araw po bakasyon ni Papa ngayon?", excited kong sagot. Salamat sa diyos at kahit mahirap lang kami, wala kaming utang at nagkaroon pa ng masayang pamilya.

"Oo Anak.", sagot nalang niya at pinagpatuloy na namin ang pagsasampay.

Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos na din kami. Pumasok na kami sa loob.

"Ma, punta lang po ako sa kwarto ko ah.", paalam ko kay Mama at dumeretso na sa kwarto ko.

Inayos ko lang ang mga damit ko at naglinis nang kaunti with matching soundtrip pa para hindi boring.

"Nice to meet you

Where you've been

I can show you incredible things

Magic, Madness, Heaven, Sin

Saw you there and I thought

Oh My God! Look at that face

You look like my next mistake

Loves a game wanna play"

Inayos ko ang mga unan, bedsheet at mga kumot. Tapos, inayos ko din yung mga libro. May maliit kasi akong lamesa ito ang dahilan kung bakit matalino ako, 2nd ako sa pinanggalingan kong eskwela sa probinsya.

"Got a long list of ex lovers

They tell you I'm insane

But I got a BLANK SPACE baby

And i'll write your na..."

*Tenenenen*
<Don't mind the sound effect>

Ay putek. Lowbat na. Pinatay ko na muna ang cellphone ko at sinaksak sa outlet.

Sinunod ko naman ang mga damit ko. Masyado na kasing magulo tsaka simula nung dumating kami dito, diko pa naaayos kahit halos isang buwan na kami.

After, 20 minutes ay natapos ko na rin. Pagod na ako kaya binagsak ko muna ang katawan ko sa kama.

Being with Thea TinosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon