1 - Leaving

16 0 0
                                    

Chapter 1

Sixth day of the week. Saturday.

Summer vacation has started. Last day namin kahapon sa school at last na pagkikita na din namin iyon ng bestfriend ko. Napangiti ako ng maalala ang pagpapaalam ni Jeremie.

"Hoy," narinig ko ang boses ng isang lalaki pagkalabas ko ng classroom.

"Ano?" Sagot ko dito.

"May gagawin ka pa ba?"

"Bukod dito, wala na." Tukoy ko sa mga libro at iba pang mga gamit na naiwan sa locker ko. Tapos na kaming magtake ng exam at busy ang mga estudyante sa pagliligpit ng mga natira nilang gamit.

"Bakit kasi hindi ka pa nag-imis ng locker mo kahapon edi sana wala ka nang alalahanin ngayon."

"Tsk, palibhasa ikaw! Wala kang nilalagay sa locker mo kaya wala kang ililgpit." Aywan ko ba diyan, naglocker-locker pa hindi naman din gagamitin. Sapatos o extrang shirt lang ang laman ng locker niya minsan nga wala pa e.

"Mas hassle kasi. Mabuti nga at sa bahay na lang ako mag-iiwan."

"Oo! Kaya sa akin ang deretso mo kapag may naiwan ka. Hihiram-hiram tapos hindi naman ibabalik."

Napatawa naman siya sa sinabi ko. "O edi sige na, hintayin na lang kita sa canteen." At bumaba na siya ng hagdan.

Luh? Loko talaga ; hindi man lang ako hinintay at tulungan akong magbitbit ng ibang gamit ko. Binilisan ko na lang ang pag-aayos at bumaba na.

Pagkarating ko sa canteen, nakita ko siya sa may tapat ng Pantoja at nagmimiryenda.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Gusto mo?" Alok niya sa ensaimadang kinakain niya.

Umiling ako. "Sa bahay na lang ako kakain."

Tumango siya. Tinapos niya ang pagkain at may inilibas na paper bag.

"Ano ito?" Tiningnan ko ang laman nito at nakitang ito ang kanyang mga hiniram na gamit noon. "Mabuti at naisipan mo pang ibalik."

"Baka kasi kailanganin mo iyan ngayong summer." Nangingiti niyang sabi na para bang sigurado siya sa kanyang hinala.

"Ikaw? Hindi mo ba kailangan ang mga ito?" Tanong ko.

"Hindi ko kailangan niyang mga 'yan. Ang kailangan ko ay masulit ang bakasyon."

"K." Masungit na sagot ko.

"Ingat ka ha. Tatanga-tanga ka pa naman." Tatawa-tawa niyang sabi.

"Anong gusto mong iparating?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Wala ako dito para pagtawanan ka kapag natatakid ka kaya ingat ingat din pag may time."

"Aalis ka?"

"Yepp, pupunta kaming Bulacan para bisitahin ang lolo pati na rin dati namin bahay doon."

"Kailan ang balik ninyo dito?" Tanong kong muli.

"Bago siguro magpasukan andito na ulit kami. Huwag mo ako masyadong mamiss." Sabay kindat niya.

Umirap ako. "Pasalubungan mo ako ng sundot-kulangot."

"Ano ka ba? Sa Baguio lang mayroon nun!"

"Alam ko! Masyado ka naman serious." At tumayo na ako. "Tulungan mo akong magdala ng gamit ko."

"Oo na. Shet, ang gentleman ko talaga."




_________________________________




My first ever story. I am truly sorry kung lame AHAHA

Perfectly FineWhere stories live. Discover now