4 - Vacation

6 0 0
                                    

Chapter 4

Summer na! It's the time of the year where people come and go to the mall, visit places like Europe, get tanned while laying at the beach, aaaaaaaat eto ako:

     1. Nakahilata pa rin sa kama at hindi makapaniwalang wala na ngang pasok

     2. Nag-iisip kung paano masusulit ang summer vacation ngayon

     3. Nagugutom na at mag-aalas diyes na, hindi pa rin ako nabangon

Pagkatayo ko sa kama, ughhhh! Nahilo ako bigla, baka dahil 'to sa puyat ko kagabi. Naglaro kasi ako ng Plants vs. Zombies 2 e. Alam niyo ba yung feeling na nasa endless zone kayo at ayaw niyong mawala kahit isang lawn mower man lang? Ahaha! Kaya ayon, nakaabot ata ako ng ala una dahil 'don.

Dumeretso na ako ng kusina at nagtimpla ng milo. Nasaan kaya si mama? "Maaaaaa!"

"Anoooo?", sigaw pabalik ni mama galing sa labas at naglalaba pala siya sa likod ng bahay.

"Kumain na po kayo?", tanong ko pagkakita ko sa kanya.

"Hindi pa. Magsaing ka muna at nagugutom na ako."

"O sige po." Ano ba yaaaan, dapat hindi ko na tinanong e, nautusan pa tuloy ako tsk tsk. Wrong move, Aleyah!

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

2017 PLANNER

✔ Maglinis ng kwarto

✔ Bond with friends (dahil wala ang aking usbaw na bespren)

 ✔ Ipagsaing at pakainin si mama

□ Learn how to cook (papaturo ako kay mama! At kay papa!) 

□ Be fit and healthy! (To be checked soon)


Pagkatapos namin kumain ni mama ng tanghalian, naisipan kong maglinis ng kwarto slash bodega. Isa itong himala! 🎶There can be miracles, when you believe 🎶

Pero ang sabi nila, "Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala . . ."

Ahaha! Ang contradicting talaga ng mga humans. Or ang pag-iisip ko lang ang may problema?

Tinext ko si Mirrielle at Lexia kung may ginagawa ba sila.


To: Lexiang Baliw ♡ ; Muhrrielle

Oyy babaita! Nasaan kayo? Vz ba kayo? Ahaha


From: Muhrrielle

Wala! Nganga lang dito sa salas namin. Y?


To: Muhrrielle

Tulungan niyo si acoe!!

From: Muhrielle

Saan ka naman namin tutulungan ha?


To: Muhrielle

I need help! Maglilinis ako ng kwarto ko e, alam niyo na ;)


From: Lexiang Baliw ♡

Sowry friend! Nasa galaan ako ngayon e AHAHAHA y ba?


Edi sila na ang naggagala! Wawa naman me, stuck with tv and net. Atleast i have food!


To: Lexiang Baliw ♡

Wala wala! Tsk, hindi man lang nagyayakag!


From: Muhrrielle

Anong alam namin? Bihis lang ako.


Wow, tutulangan ako ni Mirrielle! Ahaha, lezz go cleaaan!




______________________________

Mahaba-habang update 'to guys! AHAHA


Read 'Lexia' = le-sha



Perfectly FineWhere stories live. Discover now