2 - Neighbors

11 0 1
                                    

Chapter 2


Nang makarating kami sa parking lot ay siya namang panghanap ko sa service.

"Ayun ang sasakyan niyo oh!" Turo niya sa sasakyang kulay puti malapit sa exit ng school.

"Tsk ang layo na naman ng pinagparkingan ni Kuya Karding." Reklamo ko.

"Hayaan mo na kasi, atleast iisang taon na lang tayo sa High School." Kung sabagay, tama ang sinabi niya.

"Siya nga pala, kailan alis niyo?" Tanong ko ng maalala ko.

"Mamayang gabi para daw hindi masyadong traffic."

"E bakit hindi naman ata nababanggit 'to ni tita Maelynn? Akala ko kasi sa beach na naman tayo ngayong summer." Lagi kasing napunta sa bahay si Tita Maelynn - nanay ni Jeremie. Minsan para mangamusta at makichika o kaya naman kapag bored siya sa bahay nila.

(5 years ago)

Nasa terrace ako sa taas naglalaro ng bagong laruan na binili namin kanina sa mall nang makarinig ako ng isang busina sa baba. Nakita ko ang isang truck; Akala ko sa amin nabusina, ngunit sa ibang bahay pala ito nakatapat. Bumaba ako sa sala at hinanap si Nanay.

"Mama!" Sigaw ko nang makita ito sa kusina at nag-aayos ng pinamili.

"Bakit Mia? May kailangan ka ba? Akala ko ba naglalaro ka sa taas?" Tanong ni mama.

"Ma, may bago po ba tayong kapitbahay? May nakita po kasi akong truck sa kabila."

"Ah, iyon ba? Noong isang araw pa sila dumating at yung truck na nakikita mo? Iyan ang nagdeliver ng ibang furnitures nila." Sagot niya. Saktong may nagdoorbell at lumabas kaming dalawa ni mama.

"Sino po sila?" Tanong ni mama habang tinitingnan kung sino ang tao sa may gate.

"Ah, kami ang bago ninyong kapitbahay diyan sa may tapat, iyong pangalawang bahay mula rito." Sagot nong babae.

"Kayo pala ang bagong lipat dito sa subdivision. Bakit ka nga pala naparito?" Tanong muli ni mama.

"Kung hindi sana ako nakakaabala, e puwede bang dito muna ang anak kong si Kenjey? Mamalengke kasi ako kaso ayaw niyang sumama e." Nahihiyang sambit ng babae,

"Ay! Walang problema. Sige, nasaan na ba ang anak mo?"

"Nasa bahay pa e. Sunduin ko muna ah? Naku, salamat talaga ng marami." Sabay ngiti niya.

"Walang anuman. Hihintayin na lang namin dito si Kenjey." Sabi ni mama. At umalis na iyong babae. Kita namin mula rito ang pagpasok niya sa bahay at paglabas nito na may kasama ng isang batang lalaki. Sumakay sila sa kotse at umandar ito papunta sa amin.

Kinausap ng babae ang kanyang anak na parang pinagbebehave niya ito. Tumango na lamang ito at bumaba na sa sasakyan. "Salamat Mare! Maelynn nga pala." Sigaw ng babae mula sa loob ng sasakyan.

"Wala iyon. Mag-iingat ka Maelynn!" Saba kaway ni mama. Bumusina ito at umalis na. "Kenjey? Halika pasok tayo sa loob." Anyaya ni Nanay doon sa batang lalaki. Umiling yung Kenjey itinuro ang swing malapit sa bahay.

"Ah gusto mo ba roon? Mia samahan mo muna si Kenjey doon ha? Tatapusin ko lang ang ginagawa ko sa kusina."

"Sige ma." Tugon ko. Pagkatingin ko sa batang lalaki ay tumatakbo na ito papunta roon kaya tumakbo na rin ako.

"Oy bata!" Tukoy ko rito.

"Hindi bata ang pangalan ko!" Sabi niya habang dumuduyan.

Sumakay narin ako sa isang duyan at pumadyak. "E anong pangalan mo?"

"Ken Jeremie Dela Vega!" Sagot niya sa akin.

"E sabi kaya ng mommy mo Kenjey daw ang pangalan mo!" Sigaw ko rin dito.

"Tawag niya lang yun sa'kin!" Sigaw niya pabalik. "E ikaw? Anong pangalan mo?"

"Aleyah Asuncion!" Tumigil siya sa pagduyan at humarap sa akin kaya tumigil din ako.

"Aleyah?"



________________________________________

Chapter 2 is finished!

Ang hirap pala mag-isip ng scenes! Omygas, ngayon naiintindihan ko na kung bakit may matagal mag-update na author AHAHA

For now, flashbacks muna tayo.

Perfectly FineWhere stories live. Discover now