3 - His Home

7 0 1
                                    

Chapter 3


Humarap ako sa kanya ng tawagin niya ang aking pangalan. "Hmm?"

"Alam mo bang ayaw ko dito?"

"Ha? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.

"E kasi naman! Malayo na ako sa mga pinsan ko at kay Heart." Nagrereklamo niyang sabi.

"Gaano kalayo? At tsaka Heart? Ang weird naman ng pangalan niya." Natatawa kong sabi.

"Basta, malayong-malayo! Nakatulog nga ako sa sasakyan habang nagdadrive si Mommy e. Si Heart, kahit weird ang panglan niya, maganda naman siya." May pagdila pa niyang sabi.

"Ikaw haa, crush mo iyon no? Ayyiiee." Tukso ko sa kanya.

"Ha?! Anong crush crush ka diyan? Schoolmate ko lang siya no!" Dahilan niya.

"Tatanggi ka pa e, halata naman! Hahaha!" Pagtawa ko sa kanya.

"Huwag ka ngang tumawa!" Naiinis niyang sabi. Tumigil na ako sa pagtawa at baka tuluyan pa siyang mainis. Ngayon lang ako nakipag-usap sa isang lalaki, kasi puro mga babae yung pinsan at ibang mga kapitbahay namin dito e.

"Saan ang school mo dati? Dito ka na ba papasok?" Tanong ko sa kanya nang maalala kong malapit na nga palang magpasukan! Yehey! Makikita ko na naman mga pinsan slash bestfriends ko!

"Sa Malolos ang dati kong school." Bigla siyang napatungo at hindi na sinagot ang isa ko pang tanong. Hmm bakit kaya?

Magtatanong palang sana ako kung bakit bigla siyang nalungkot nang sumigaw si mama, "Anak! Kenjey! Pumarito na kayo at kumain na!"

"Tara!" Aya ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at naghamon, "Paunahan tayo, ang mahuli pangit!" Sigaw niya tapos tumakbo na.

Tumakbo na rin ako, "Oy madaya ka!"




_____________________________________________________

After 203420586924859265439569223 years, sinipag na ulit akong mag-isip at magsulat para sa storyang itoe AHAHA just stay tuned guys!



Mwaps :*



Perfectly FineWhere stories live. Discover now