28th Heartbeat- Two Is Better Than One ♥.♥

4.3K 49 26
                                    

Gulat pa rin sa nangyari,biglang hiniwalay ni Mika ang labi niya sa labi ni Jeron.

Mika: Uhm

Jeron: Ah

Mika: Magpapahangin lang ako sa labas,sige pahinga ka na muna *lumabas*

Napatingin nalang si Jeron kay Mika habang papalabas ito ng pinto,hindi niya mapigilang mapangiti sabay haplos ng labi niya na kanina’y nahalikan ni Mika. Gaya nga ng sabi ni Mika ay magpapahinga siya,magpapahinga siya ng masaya. Nakangiti siyang umidlip.

Habang napatambay nalang si Mika sa isang cottage,napaupo siya at talagang hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga nangyari.Nagdikit ang mga labi nila ni Jeron kanina.Napahawak nalang siya ng labi niya,habang patuloy pa rin ang pagmuni-muni niya sa hindi sadyang pagdidikit ng mga labi nila,bakit ba di yon mawala sa isip niya,kaya’t inalog nalang niya ang ulo niya.

Ang Bilis na ng oras at hindi lang nila namamalayan na malapit na matapos ang bakasyon nila sa Resort nila Mika dahil kinabukasan ay aalis na sila,Agad namang nag-usap sina Thomas at Ara.

Ara: Last Push?

Thomas: *nods* Kailangan masaya ang pag-alis ni Pareng Jeron dito.

At agad namang naghalikan ang dalawa sa Lips sabay tuloy ang plano nila. Agad naman pinuntahan ni Ara si Mika na nag-iisa sa isang cottage at agad naman niya ito inakbayan.

Ara: Bes pwede favor?

Mika: Basta ba ikaw Bes.

Ara: Tutal last day na natin dito sa Bulacan at hapon pa naman pwede bang itour mo kami ni Lugud dito?

Mika: Yun lang ba,sure,pero may TF ako ha.haha

Ara: (Kahit Meron Bes,basta ba tagumpay ito) Hahaha mukhang pera ka Bes

Mika: Joke lang Bes hahaha :)

At agad na nga nagsimula ang plano nina Ara at Thomas papaalis na nga sila.

Mika: Bes,Hindi ba pwede tayo magsama ng iba?

Thomas: *bumulong*Ah eh si Jeron kasi nagpapahinga pa mamaya pa yon gagaling, ay este kasi baka busy yong mga kasama niyo Mika.

Mika: Hindi naman eh,wala nga yung mga gawa eh.

Inakbayan nalang ni Ara si Mika.

Ara: Bes,pepwede namang tatlo lang tayo eh tyaka pabayaan muna sila,ang mahalaga tayo lalong-lalo na ikaw.

Mika: Ako?

Ara: Basta Bes,para sa’yo din to :)

At una nga silang nakarating sa isang park. Children’s park.

Thomas: Tara Sinta dun tayo sa Seesaw

Ara: Sige

Agad namang pumunta ang Thomas at Ara sa SeeSaw at masaya silang naglalaro ng sumunod si Mika pero hindi siya makakapagseesaw kasi wala siyang partner,hindi naman pepwedeng makiagaw siya sa moment nina Thomas at Ara.

Y.O.L.O (You Only Love Once) Jeron-Mika ~ Thomas-Ara FanFiction [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon