chapter Two

199 10 1
                                    

"Sabrina, a-ang anak kooooo". Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko at agad akong napaluhod sa nabasa ko.

'Sabrina Jade Dizon'

09-03-07 ~ 10-05-12

"Our beloved angel"

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang wala ako sa sarili ko at walang tigil ang mga luha ko. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng katawan ko, dulot ng pagtakas ko sa ospital. Puro sakit ng kalooban at puso ang nangingibabaw sa akin.

Kahit anong subok ko ay hindi talaga tumitigil ang mga luha ko sa pag-agos. Hindi ko man lang naihatid dito sa sementeryo ang anak ko, dahil na comathose ako ng buong tatlong linggo.

"Pag-alis ni Mommy~

ikaw ay dadalhan ng tsokolate~".

Hinimas himas ko ang puntod ng anak ko habang kinakanta ang paborito niyang kanta bago siya matulog gabi-gabi. Ang bagay na hindi ko na muling magagawa pa.

"~kagaya ng gustong gusto mo Sabby. Paalam na sa Mommy~"

Sa pagkawala ng anak ko, hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay ng maayos. Ang dami dami kong mga pangarap kasama ang pamilya ko. Mga pangarap at plano na buong buhay ay kasama siya. Pero ngayon, hindi ko na alam kung paano itutuloy ang buhay na nakasanayan ko na araw-araw ay nakikita siya at nakakasama siya Parang namatay ang puso ko.

"~Paalam na,Baby".

No! No! panaginip lang ang lahat ng ito! Hindi pa patay ang anak ko!Hindi pa! Hindi!

Kasalanan ko 'to! Kung naprotektahan ko lang sana siya, sana ngayon ay kasama pa namin siya.

Umihip ang malakas na hangin at parang may yumakap sa akin.I feel comfortable. It feels right. It feels like,my daughter.

"Sabby! Anaaaaaak~" . Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng aking mga luha. Hindi ko matanggap na namatay ang aking anak hindi dahil sa sakit niya, ngunit sa kamay ng mga masasamang tao. Matatanggap ko pa ito kung namatay siya dulot ng sakit. Pero hindi, kundi sa kamay ng mga kriminal.

Napatigil ako ng may napagtanto akong bagay ...

Kasalanan 'to ng gang na sumugod sa amin.Kasalanan 'to ni Zed.

Kaya siguro hindi ako namatay, upang ipaghiganti ang nangyari sa anak ko, ang nangyari sa amin.

Gagantihan natin sila anak.Papatayin natin sila.Pangako ko yan sa iyo anak.

Magbabayad sila

~Kazuke's PoV ~

Tinahak ko ang daan papunta sa lugar ng aming grupo. Ang lugar kung saan nangyayari ang lahat. Dala ang balitang alam ko, hindi magugustuhan ni Zed.

Ako nga pala si Kazuke Young. Ang partner ni Zed sa gang. Ang gang namin ang pinaka-kinatatakutan ng lahat. Hindi kami pumapatay ng inosente at mga babae, we have rules. Puro big boss ang target namin. At wala pang nakakatalo sa amin. Maraming sumubok, ngunit walang nagtagumpay.

Isang magaling na pinuno si Zed. Sobrang iba siya kung gumawa ng mga plano. Dumadating sa pagkakataon na, halos matatalo na kami at babaligtad ang sitwasyon. Biglang mayroong kung anong pasabog na gagawin si Zed, at sa isang iglap ay panalo na kami.

Nasa hallway na ako papunta sa kwarto niya ng biglang lumabas ang isang babae na umiiyak. Sa tingin ko alam ko na kung bakit.

"Mahal niya ang asawa niya,Bea. Kaya kung ako sa iyo,tigilan mo na ang pang-aakit sa kanya". tsss, flirt din 'tong si Bea eh.

Umalis si Bea at tumakbo palayo.

Si Beatrix ang nag-iisang babae sa gang. At alam kong may pagtingin siya kay Zed. Pero may hindi alam si Bea, o ng sino pa man.

Kahit na napilitan lang magpakasal si Zed kay Patricia, alam ko na mahal niya ito gayon din si Patricia sa kanya. Magulo din iyong dalawa na yun, ayaw pa umamin. Basta ang alam ko hindi papatulan ni Zed si Bea. Si Patricia lang ang babaeng nakikita ni Zed, kahit hindi nya sabihin alam ko yun. Kaibigan nya ako, at ako ang saksi ng unti-unting pagbabago ni Zed mula ng dumating si Bea sa buhay nya.

Kung sabagay, kung ako man si Zed ay mahuhulog talaga ang loob ko kay Patricia. Maganda kasi at inosente pa. Napaka bait din na tao. Ang lakas ng epekto niya kay Zed. Naging mabait ito,di tulad ng dati na madaling magalit.

Si Patricia ay kinidnap noon ng kaaway namin na gang, sa pag aakala nila na siya si Bea. Nalaman namin na pinatay ng gang na iyon ang kapatid nito na tanging pamilya na lamang ni Patricia.

Napatay ni Zed ang leader ng gang. Subalit, makalipas ang tatlong linggo, nagbanta ang kapatid ng napatay ni Zed na lider na papatayin si Patricia. At isa lang ang paraan para mailigtas siya mula sa kalaban namin na gang, Iyon ay ang pakasalan si Zed.

Bakit sila nagkaroon ng anak gayong napilitan lang sila na magpakasal? Well, let's put the blame on the alcohol.

"Zed, pumasok na 'ko ah. Bukas yung pintuan eh". Hindi niya ako pinansin at nakaharap lang sa latop niya.

"Nga pala,may kumakalaban na naman sa gang". Dagdag ko

"who the f.ck is he? You take control". sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop niya.

"pero zed--".

"B*LLSHT!". Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Iba na ang tono niya, nagbago na siya. Ito ang tono niya dati nung hindi pa niya nakikiala si Patricia.

"-MY DAUGHTER JUST DIED AND MY WIFE IS STILL F.CKIN MISSING!". Nagdilim ang aura niya. Haay, hindi pa rin pala nakikita si Patricia mula nung tumakas ito sa ospital. Dalawang linggo na siyang ganyan nung mawala si Pat.

"Hindi ko alam kung maka-kaya ko 'tong 'Mookie' na 'to". Ito na nga ba kinatatakutan ko eh. Tsk

"JUST KILL HIM!". bigla nyang kinalabog ang mesa sa may harapan niya. Haaaayy.

"Pero may rules tayo, Zed". Nakita ko ang bakas ng pagtataka sa mukha niya.

"I dont care about the f.ckin rules--".

"We don't hurt WOMEN". dinugtungan ko ang sinabi niya at halatang nagulat siya. Ako din nagulat nung una.

Inabot ko sa kanya ang hawak kong files nung Mookie.

Babae yung Mookie. Hindi ko alam kung maituturing sya na threat sa gang. Fist time kasi ng grupo na maka-encounter ng babaeng mafia boss.

Kung tutuusin, si Bea ang tinuturing na pinakamalakas na babaeng gangster sa lahat. Pero ngayon, mayroon ng mafia boss.

~~~~

Lame I know =____=

I'm editing, guys. So yeah, seeyah on the next UD

Tata!!

VOTE.COMMENT.

~SillyAudrey <3

Her Sweet Revenge[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon