Chapter Seven

150 7 3
                                    

~~~Her PoV~~~

"My God,Damron! Dadalhin kita sa ospital". Naka-akbay ang isa niyang kamay sa akin at inaalalayan ko siyang maglakad. Walang akong mahingan ng tulong dahil gabing gabi na at kami na lang ang nasa kalsada

"Uuuh,W-wag na.It's just a cut".

"Oo,cut lang.Kaya pala may pasa ka at nahihilo ka,you hard headed brat". Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ni Zed at sinuntok si Damron? He even called me Patricia.

"Patricia". Napahinto kami sa paglalakad ng may biglang humarang sa daan namin.

"Yow!" Nagulat ako ng biglang umayos ng tayo si Damron at yumakap sa bewang ko.Naramdaman ko na hinila niya ako palapit sa kaniya kaya nagkadikit ang mga katawan namin.Ano'ng nangyari? Diba,kanina lang hindi siya makalakad ng maayos? Ngayon naman sobrang lapad na ng ngiti niya.

"Take your hands off her,Damron". Nabalik ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan namin.Nakayukom ang mga kamao niya na kahit anong oras ay pwedeng sumuntok, at sobrang talim ng tingin niya sa kamay ni Damron na nasa bewang ko.

"Oh,ano na Zed?! Nagagalit ka ba sa nakikita mo? Susuntukin mo ba ulit ako?!" Nagtaka ako sa sinabi ni Damron. Nung silipin ko ang mukha niya,nakita ko siyang may galit sa mga mata habang nakangiti ng nakakaloko.Si Zed naman ay matalim at parang papatay ang tingin kay Damron.

"Patricia,let's go home". Bigla niya akong hinila sa kamay at mabilis na naglakad.

"A-ANO BA?! BITAWAN MO AKO!".Hindi niya ako pinansin at naglalakad pa din.Malayo-layo na din kami at nawala na sa paningin ko ang pwesto ni Damron.

"SINABI NG BITAWAN MO AKO!" Binitawan niya ako at humarap sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.Biglang nanghina ang mga tuhod ko at nagtagal ang yakap niya. Hindi na ako ulit magpapaloko sa nararamdaman ko. Kailangan ko siyang patayin,yun ang misyon ko.

"B-bitawan mo ako,Zed". Sinubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas

"Hindi mo kailangang gawin to,Pat"

"Wala ka ng pakielam sa akin--"

"Come back.I need you".

*dug.dug.dug*

"N-no!" Tinulak ko siya ng malakas kaya napa-atras siya. Humarap siya sa kin at pinunasan ang pisngi ko.Hindi ko napansin na naiyak na pala ako.

Tumalikod na ako at naiwan siyang nakatayo sa tabi ng poste.Medyo malayo na ako ng mayroon siyang sinabi.

"I'll get you back,my wife. I promise". Hindi ko pinansin ang sinabi niya.Kahit na natuwa ang puso ko sa narinig ko,paghihiganti pa din ang gusto ko. Para 'to sa anak ko.

Bumalik ako sa lugar na napag-iwanan ko kay Damron.Hindi ko inaasahan na nandoon pa siya,nakasandal sa poste at nakayuko.Sobrang ganda niyang tignan,lalo pa at kitang kita ang perpekto niyang katawan sa ilalim ng liwanag ng ilaw.

"Bakit nandito ka pa?" Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Hinihintay ka".

"Ah,ganoon? Hindi mo man lang ako tinulungan kanina.Hinayaan mo lang ako na mahila ni Zed.Adik ka din eh,noh?!" Pinalo ko siya ng hawak kong purse sa dibdib niya.Pero bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para magkalapit kami.

"Alam ko naman na babalik ka,eh. Babalikan mo naman ako diba?" Nabalot ng katahimikan ang paligid.

"Uuuuhh". Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya. Hawak pa din niya ang kamay ko at hinila iyon.

"Tara na nga,gagamutin mo pa ang sugat ko diba?" Inakbayan niya ako.Sa totoo lang hindi ako makakilos ng ayos sa harap niya.Naiilang pa ako,ilang araw pa lang kaming magkakilala.

Humarap ako sa kanya at huminto.Napatingin siya sa akin at halatang nagtataka.

"What? Let's go--AACCCKKK! SH.T!"

-_^ Sinipa ko lang naman siya sa censored part. Aba,may kasalanan siya sa akin.

"Para yan sa pagpapahirap sa'kin kanina na alalayan ka.Kaya mo naman palang maglakad ng ayos,nagpa-akay ka pa! Akala mo naman magaan ka?". Nauna na akong maglakad at naiwan siya. Kunwari pang nahihilo kanina. Tsss,kalbuhin ko pa siya,eh.

Maya-maya lang ay umalis na ako sa bahay ni Damron.Naglalakad ako mag-isa sa dilim.Pinilit pa nga ako ni Damron na ihahatid niya ako,nagsinungaling na lang ako na susunduin ako ng driver namin.

Biglang may kumaluskos sa likod ko.Paglingon ko wala naman tao.

*lakad.lakad.lakad* Bigla akong napatigil.Mayroon talaga eh,ramdam ko may sumusunod sa akin.

"Zed,kung ikaw yan-AACCKK!" Natamaan ng bala ang binti ko,dahilan para hindi ako makatayo. May tumugil na black van sa harap ko at may nagpasok sa akin na anim na lalaki.

~~~Beatrix's PoV~~~

"Saan ba kayo pupunta?! Bakit dala ninyo lahat ng emergency guns?! ZED!" Lahat sila nagmamadali na nagaayos ng mga baril.Importante ba ang pupuntahan nila? Kasi yung mga baril na dala nila,hindi pa nagagamit ang lahat ng iyon. At sigurado ako na sobrang importante nga. Walang pumapansin sa akin at halatang seryoso sila.

"YUJI! Sabihin mo nga, ano ba ang nangyayari?" humarap siya sa akin at tumitig ng malalim sa mata ko.

"Sasama ka ba o hindi?" Iniwan niya ako at lumabas na. Nagmadali akong pumasok sa isang kwarto at kinuha ang baril ko. Kailangan kong sumama para malaman ang nangyayari.

Maya-maya ay bumaba na kami mula sa sasakyan ng gang namin.. WHAT?! SA UNDERGROUND ARENA?

Anong ginagawa namin dito? Labanan ito ng mga gangster, hindi iyon ang ikinatatakot ko.Mayroong rules dito,at iyon ang inaalala ko. Bawal magdala ng mga baril o kahit ano pa mang armas sa loob,dahil ang mga laban dito ay gumagamit lamang ng katawan at hindi ng mga armas.Bawal ang gumawa ng gulo sa loob, kapag nakita ka na gumawa ng gulo ay paparusahan ka na mabugbog hanggang mag-agaw buhay ka na.

At sa nakikita ko, imposibleng hindi namin malabag ang parehong batas. Dahil kapag nakita nila ang dala namin na napaka-daming baril ay makukuha namin ang atensyon ng lahat.

"Let's go" Nauna sa paglalakad si Zed at sumunod ang lahat. Balewala lang ba ang mga maaaring mangyari para sa kanila? Mabilis akong naglakad papunta kay Zed at hinawakan ko ang braso niya para iharap siya sa akin,pero agad niya itong hinawi at tumingin sa akin na parang nandidiri. Ganoon ba niya ako kinamumuhian? Para na akong maiiyak na ewan,tssss.

"A-ano ba ang nangyayari?" Pinilit kong hindi maluha. Pero imbes na sumagot ay tumalikod siya at naglakad na. May humawak naman sa balikat ko kaya napatingin ako,si Yuji pala. Ngumiti siya sa akin na parang humihingi ng paumanhin ang mga mata niya.

Pumasok kami sa loob at nakita namin na maraming tao.Puro malalaki ang katawan at nakakatakot.Lahat sila ay naghihiyawan at tutok na tutok sa dalawang naglalaban sa loob ng arena.

"Bea,ikaw na ang pumunta sa dulong kwarto sa kanan.Pipilitin namin na manatili ang atensyon nila sa laban".Napatingin ako kay Kazuke at tumango. Ano ba ang mayroon sa kwarto na iyon?

Lumakad ako ng dahan dahan upang walang makapansin,ipinagbabawal kasi ang mga tao sa lugar na iyon.

Pagbukas ko ng pinto ay mayroon akong nakitang tao na nakayuko,madilim ang ilaw kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.Lumapit ako ng kaunti at inangat ang ulo niya.

"What? Babae? Babae ang ipinunta namin dito?" Oo tama, babae nga. Hindi ko siya kialala pero tutulungan ko na. Inilabas ko ang blade mula sa jacket na suot ko at unti-unting tinanggal ang lubid sa paanan niya.

"Gotcha!" Napalingon ako at may mga lalaki na nakatayo malapit sa pintuan. Agad agad kong kinuha ang baril sa ilalim ng pantalon ko pero huli na.Hinampas ng isang lalaki ang likod ng ulo ko at napabagsak na ako sa sahig at nagdilim na ang paningin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

COMMENT.VOTE.

~SillyAudrey

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Sweet Revenge[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon