Chapter Five

125 5 0
                                    

Uuuhh >.> Tinatamad kasi ako.. Kaya ito muna xD

~~~3rd Person's PoV~~

Nakaupo si Zed sa isang silyang kaharap ay ang laptop niya. Hanggang ngayon ay hinahanap pa din niya ang asawa niya.

Halos wala na siyang tulog para lang mahanap ito. Nag-aalala sya dahil baka mayroong kumuha dito na kalaban ng gang nila at dahil na rin ang asawa niya ay clumsy at malapit sa disgrasya.

Lahat ng koneksyon niya ay ginamit na niya para lamang mahanap ang asawa niya. Tumakas ito sa ospital nang malaman na namatay ang kaisa-isa nilang anak.

Noong mga panahong iyon ay sobrang lungkot niya sa pagkawala ng anak, ngunit pinilit niyang maging matatag para sa asawa niya. Pero pakiramdam niya ay gumuho na ang mundo niya ng mawala at tumakas ito.

Si Patricia na lamang ang meron siya at ayaw niya itong mawala. Hindi din niya alam kung ano ang nararamdaman para sa kaniyang asawa.

Pero isang pangyayari ang gumising sa kaniyang katauhan,na pinipilit niyang itinatago ng buong buhay niya.Ito ay ang gabi na nakaharap nila ang isang gang ng mga babae.

Hindi niya alam kung tama siya ng hinala. Pero ng tinignan niya ito sa mata ay nakita niya dito ang asawa niya kahit naka suot ito ng maskara at balot na balot ang mukha.

Bigla na lamang niyang naramdaman ang pangungulila sa asawa. Kinakailangan niyang makakuha ng sagot ng mga oras na iyon. Sa sobrang dami niyang inaalala ay hindi na pala niya naramdaman ang nalikhang sugat sa kanya ng babaeng kaharap niya.

Hindi nya alam kung totoo ang nararamdaman niya para sa asawa dahil hindi pa niya ito nararanasan sa buong buhay niya.

Pero isa lang ang sigurado...

Kailangan niya ang asawa niya. Ang asawa niya na tanging nagbibigay ng kulay sa buhay niya.

Buo na ang loob nya.At ibabalik niya ito, kahit anong mangayari.

Kahit hanggang kamatayan, gagawin niya.

PARA SA TANGING BABAE NA MINAHAL AT MAMAHALIN NIYA.

~~~ HER PoV~~~

"So,what do you do for living?" I asked him

Nandito kami ngayon na dalawa sa rooftop ng isang hotel at nakamasid sa buong siyudad. Kailangan din namin na makilala ang isa't isa.Kailangan namin na pagkatiwalaan ang isa't isa dahil magiging magkatuwang na kami sa mga gawain ng gang.

"Don't ask, tsk. I'm a gangster! What do you think gangsters do for living?!".

"Meron din naman gangsters na matino, ah?" I looked at him and he rolled his eyes.

"Give me names". napaka bipolar naman nito. Kanina lang sa cafe parang hindi na makaka-ngiti kinabukasan,eh.

"Si ganito, si ganyan tsaka si ganoon". I said with mimicking voice

"Not funny". I heard him chuckled. Yeah, not funny huh? tssss.

"I know" I looked at him and caught his eyes staring at me. Wait, he looks familiar. He looks like---nevermind.

Uminom ako ng hawak ko na kape at nag salita.

"Can I ask you?" Tumingin ako sa kaniya at napansin na parang ang lalim ng iniisip niya.

"What?" he drank his coffee before answering me.

"Bakit mo gustong ipapatay si Zed?" Tumingin siya sa akin na parang napa-isip. Pero maya maya lang ay iniwas niya ang tingin niya.

"Because he stole my girl,before". He said and threw his coffee out of nowhere.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko alam,pero nasaktan ako. Hindi ko din maintindihan.

Para akong ewan,eh. Bakit nga naman ba ako nasasaktan gayong napilitan lang din siya na pakasalan ako para iligtas ang buhay ko.

I'M STUPID

"Umiiyak ka ba? Shit" nagulat ako nang humarap sya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Pinunasan niya ang magkabilang pisngi ko at tumingin sa mga mata ko.

"Hey Mookie, anong nangyari sa'yo? May nasabi ba ako na masama? I-Im sorry".

"H-ha? hindi. Ah sige Damron,bukas na lang ah? Uuwi na ako, baka kasi hinahanap na ako ng anak--ay este ng mga kaibigan ko".

Naiwan siya sa rooftop na nabato sa kinatatayuan niya. Agad na akong bumalik sa pad ko. Pagdating ko, nakita ko na tulog sa sofa yung tatlo kaya pinatay ko na yung tv at kinumutan sila.

I walked into my room and took a shower. Maya maya ay nahiga na ako sa kama ko habang nakatingin ako sa kisame at napaisip.

May minahal na kaya si Zed? Kaya ba hindi niya ako nagawang mahalin noon dahil isang babae lang ang laman ng puso niya? Napaka swerte naman ng babae na yun. Sana ako na lang siya, sana minahal din niya ako. Para naging patas kami.

Maya maya ay hindi ko namalayang naiyak na pala ako.Pinunasan ko ang mga luha ko and I fell asleep.

~~~~

Marami akong in-edit sa mga chapters. I owe this to ate profundity! ^___^

Maganda yung story nya na Got To Believe In Love, basahin ninyo. I swear worth reading.

PLEASE.VOTE.COMMENT.

~SillyAudrey

Her Sweet Revenge[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon