The final chapter

75 2 0
                                    

Grabe ang tagal ko nang hindi napansin tong diary ko na to.. Masyado na akong naging busy eh... Ang dami ko
nang ginagawa.. Narealize ko na rin.. Na ang mundo.. Ay malaki.. Kailangan pa itong libutin para maintindihan..

Simula nung hindi na ako sumulat dito ay. Marami nang nangyari sa paligid... Katulad ng:

Imported na pala ang basura ngayon..

Mahilig pala sa mamon ang mga pabebe (sheyan)

Hindi pala ang banyo namin ung sentro ng buong universe..

May lock pala ang pinto ng 7-11

At higit sa lahat..

Nalaman kong ang pagiging sikat.. Ay hindi sa pagiging gwapo.. Malakas.. O malupet... Kailangan mo lang maging mabait..

At syempre dahil grade 10 na ako... Syempre dapat improving din ung baon ko.. Aba marami nang pangangailangan ung tiyan ko ... Kaya hindi ako tumataba eh😑 .. Lumipat na nga pala kami ng bahay.. Duna na kami sa lola ko kasi sabi ng nanay ko lilipat na kami.. Pupunta na kami ng outside of the ph.. At mag mimigrate.. Kaya.. I admit .. Sa tingin ko ito na ung pinaka huli kong entry sa diary ko kasi balak kong iwan to sa pilipinas.. Pero okay lang yan

Grabe sinong mag aakalang captain na ako sa soccer?.. Ganun ba ako kalupet? At syempre kasama ko sila gabby gabs at sheyan.. Riding in tandem kami eh..pero syempre dahil tatlo kami.. Trycicle.. Di naman kami kasya sa motor ehh... Hahaha😂

Now going back... Pag nag tatraining kaya kami.. Grabe si sheyan slide ng slide.. Kulang na lang gawin namin syang basahan eh. Ang linis kaya ng field namin dahil sa kanya..kaya lng dati kasi pinagbawalan sya eh.. Alam nyo bang naoperahan yun.. Sumabog kasi ung baga nya eh.. Nung nagpapatugtog ng thinking out loud.. Eh katabi namin ung speaker... Siguro may naalala ung baga nya.. Kaya ayun.. May stapler na.. Aba.. Stabilo pa tatak.. Ah oo nga pala
Nung habang hindi ako nakakapag sulat dito sa diary ko.. Marami na kaming binansag kay sheyan katulad ng:

Lester. kasi dati palagi syang sumasama sa mga babae.. Nanggaling un sa root word na MOLESTER..
Justin beybe kasi grabe halos 1 year syang hindi nagpagupit kaya kamukha nya ung buhok ni justin beiber.. Pero pabebe sya kaya ayun.. Buti nga hindi Justin Pa. Beybe eh
Juan Antonio LUPE III ewan ko.. Sabi lang ni gabby gabs kamuka daw nya ang ipis eh...

So ayun.. May nadagdag nga pala sa tropa namin.. Sya nga pala si MISSIONX2000 mas malaki pa sya sa neptune.. Kaya... Yeah.. Dont make him angry kaya nyang ibody slam si hulk at ung sun.. Kumakain sya ng stars(honey starsssssss).. Inuutot nya black hole..

Now lets go to piyuma.. Nagsara na ung banko nyaaa di na sya nagpapautanggg.. Syempre grabe naman.. Aba natuto na rin naman akong mag ipon no.. Ako lng naman ang costumer nya..

Si gabby gabs naman... Gumwapo.. Aba.. Habulin ng mga babae.. At chic magnet ng school namin..onti na lng model na sya ng model house.. At syempre tropa parin naminn

Si airyell naman.. Di parin bumibigay.. Pero andun sya sa kabilang section eh.. Kamalas nga eh.. Dadalawa na nga lng ang section namin.. Nahiwalay pa.. Pero ayun.. Nililibre parin kamiiiii...

Ay nakalimutan ko si Geuv.. Tropa narin namin yann... Grabe ang galing nyang mangulikot.. Onti nalng papakasalan na nya ung computer nya.. Pero grabe naman.. Sya pa nga ung tumutulong sakin sa mga devices ko eh.. Speaking of devices... Syempre naman.. Improving talaga ako no... Ipon ipon lng yan mga bruh...

Iba iba na ung naiisip namin ah.. Dati... Naglalaro kami.. Ngayon.. Nag aaral na.. Naglalaro parin pero.. Onti nalang hahaha😂 may mga kurso na nga silang lahat na gusto eh.. Si piyuma, at geuv.. Ang alam ko gusto nila computer... Sabi nila IT daw siLa.. Si sheyan naman.. Aba sure yun engineer sya.. Si gabuyo naman... TSK ang gusto nya.. Tambay Sa Kanto.. Pede ding comshop.. Ako nga nahihirapan eh.. Wala pa kasi akong maisip kung anong gusto ko.. Mahirap talaga.. Lalo na pag alam mong ung desisyon na to eh ung makakaapekto sa buhay mo...

Alam nyo ung feeling na puro katotohanan na ung nalalaman mo?. Grabe nagulat ako.. alam nyo bang lalaki na si sheyan?. Aba nanliligaw na yan.. Ang malupet pa dun.. Dati daw.. Magkasection ung dalawang babaeng niligawan nya ng SABAYYYYY.. matibay yung baga nyan eh hahaha😂...

Going back to my life.. Ayun nga.. Pauwi na ako. Tapos biglang may nakita akong something sa baba.. Tinignan ko nga.. Akala ko kakaibang life form eh.. Madilim pa naman un.. Tinusok tusok ko.. Tas naisip ko,. Bakit tumatagos ung daliri ko.. Inilawan ko na lng.. HALAAAAAA TAE PALA YUN!!..grabe ang baho ng kamay ko.. Buti na lng may baon ako palaging alcohol... Mamamatay na ako sa baho eh.. Kanino kayang tae yun?.. Anglaki kaya.. Siguro sa kalabaw pa yun eh...

Pag uwi ko sa bahay mag lalaba pa ako .. Tapos kailangan ko pang maglinis... Tapos maliligo pa ako,. Pano na ung para sa sarili ko.. Pano na ung internet.. Sino gagamit sa kanya!!😭 .. Pero ayun.. Imbis na gawin ko lahat yun.. Pag uwi ko.. Nakatulog ako..

The next day..

Hala.. Late nanaman akoo.. Grabe grade 10 na nga ako pero nalalate parin.. Pagkaligo ko grabe takbo kaagad ako papuntang school eh. Grabe nagalit ung prefect of discipline.. Pinaglinis lang ako!!

Pero habang naglilinis ako.. Naalala ko lang ung mga past experience ko.. Ung mga kalokohan.. Ung love life ko.. Ung buong pangarap ko sa buhay..

Ay oo nga pala.. Napaaga ung pag alis namin dito sa pilipinas.. Kaya hindi na ako tatagal.. Pero wag kayong mag alala.. Tuloy parin buhay ko... Pero malaki na ako.. Hindi na nga ako bata katulad ng dati eh. Malaki na rin ung improvements ko.. Pinagsisisihan ko na kaya ung mga ginawa ko dati.

Kaya para sa mga nag aasam.. Nahihirapan.. Mga deads sa school.. At lalong lalo na ung mga hindi napapansin... Base sa experience ko?.. Hindi mo naman kailangan maging sikat para maging masaya.. Kailangan mo lng ng mga tunay na kaibigan... Katulad nila sheyan.. Sila gabby gabs.. O kaya si piyuma.. Sila Airyell.. O kahit si Geuv... At ung iba pa.. Pag nadapa ka.. Tatawanan ka nila.. Pero Hinding hindi ka nila iiwan.. Alam nyo kung bakit? Kasi solid kami lahat..

Kaya bago ako magpaalam... Gusto ko lang sabihing...

Maikli ang buhay.. Wag pahirapin.. Magpakasaya lang... Ilusyon ang kasikatan.. Ang totoo eh ung saya ng buhay mo habang ikaw ay lumalaki.. Dahil iyon ang tunay na "SUCCESSFUL" hanggang sa muli... Paalam..

Salamat sa pakikisalamuha sa aking buhay!!

Ang Estudyanteng MalupetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon