First year: First Quarter

329 6 5
                                    

Yes!!! first year na ako........

Di na ako magtitiis sa school ko

...................................................................................................................

Pero bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko

Ako nga pala si GarD......initials yan ng name ko... maahilig akô magexercise ... di naman kami mayaman ehhh... sadyang pogi lng ako ....ang school ko

nung elementary ay masaya.. ang problema ... ang mahal nung pagkain... un pa nmn ung paborito kong ... hobby :-)

Eto ang iba sa menu doon:

Fried Chicken w/ rice ------------------ P50

Siomai                         ------------------ P18 per pc.

lugaw sa tasang maliit ----------------- P20

Ung chicken parang sisiw ... tawag dapat dun fried sisiw ehhh

ung siomai nmn kasing liit lng ng ice cubes......

oh diba sobrang mahal ... ginagamitan ata nila un ng ginto ehhhh

tapos baon ko bente lng...diba masaya :')

Pero kahit mahal un masasarap parin

...................................................................................................................

FIRSTQUARTER

................................................................................................

Eto na pasukan na ... first year na ako,

sa first year mahalaga ang first impression .... konting utot mo lng maaalala na yan ng lahat ng estudyante sa school mo

homeroom na namin .. dto na nabubuo ang pagiging Isang batch nyo ...at dto na rin ang pinakadelikadong gumawa ng first impression... kung gagawa ka man siguraduhin mong maganda yan kasi pag Hindi magdasal ka na.

Ayan na... nagpapakilala na ang aming adviser ang pangalan nya ay Ms. Al siya ung magiging parang head namin sa batch kungbaga sa gobyerno ,.. presidente sya katulong kami......

bago sya matapos sa napakahaba nyang sona ay ginawa naming ang ritwal ... ito ay ang pagtayo sa gitna ng lahat at ipakilala ang sarili... malas ko naman dahil ako ung nasa harapan, ako ung pinaka una.

"GUD MOWNING EVERYWAN I EMM GARD FOR SHORT AM VERRY FRIENDLY AND PLEYPULL" diba English ... para kunwari matalino ako... nagpalakpakan Sila sakin...

Instant celebrity na kaagad ako nun at confident na confident pa..... kaya lng .... PuuuuuuuuT napautot ako malakas pa ... buti na lng walang nakapansin na ako yun.... syempre para di mapahiya bigla akong sumigaw..."SINOUNG UMUTOT ...AMBAHO NAMAN"....tapos sinisi ko ung katabi ko kaya siya binansagang "Utot Master"

sumunod na araw ... binigyan na kami ng seating arrangement swerte ko ang ganda ng katabi ko kaya may inspiration ako... lagi lng akong nakatingin sa kanya pag tinatamad ako magsulat ... sya nmn Sige lng sa pagsusulat parang disindidong gumawa ng nobela... idol ata nya si Jose RIZAL ehhhh

pagkatapos magsulat tinanong kami ng teacher naming kung tapos na kami,sabi ko oo (kahit Hindi) para Di sya magalit... tuwang-tuwa naman sya.... ang Di ko lng Alam gagamitin pala iyon sa activity namin.. edi tense na tense ako .. buti na lng group activity yon kaya Di ko na kinopya ... ang mas masaklap pa eh magsasagot lng pala kami na ung sagot ay galing dun sa kinopya naming(nilang) lahat

FIRST ACTIVITY

0/50

YES!!! Friday na ...tuwang tuwa ako... sobrang good mood ko

naperfect ko lahat ng seatwork at may Isang teacher na nagpaassignment at  si sir d-v nag announce ng quiz...               may ipagmamalaki na sana ako samin

kaya lng... umiral nanaman ung kamalasan ko dahil sa sobrang pagmamadali kong umuwi sa bahay nakalimutan ko yung baunan ko ... kinabahan ako nung umuwi ung nanay ko... awa ng diyos Di sya nagalit ...dumaan ang sabado't  linggo ay wala akong ginawa kundi matulog ng matulog kaya nakalimutan ko gumawa ng assignment

pagdating ko sa school hinanap ko kaagad ang baunan ko ... habang hinahanap ko ay may nakita akong grupo ng mga kaklase ko na may pinagkakaguluhan ...Ano kaya yun?... nung nilapitan ko ay baunan ko pala yung tinititigan nila kasi may uod na pala... Anu yon National Geographic Channel? ... syempre para Di mapahiya.... "KANINO YAN???" sabay sisi sa katabi ko ..... Di ko na lng kinuha ung baunan ko . kasi baka mapahiya lng ako... 

naalala ko bigla ung assignment kong Di nagawa... EDI ginawa ko bigla.... ehhh first subject pa nmn namin un... Di ko natapos... pinalabas lng din ako :-(

Eto na... math na namin ... may quiz nga pala kami ... ehhh Di pa nmn ako nag aaral dun .... dumating na ung teacher namin

"GUD MOWNING SIR D-V ITS NICE TO SI AGAIN"

Eto na... nag ququiz na kami ... ehhh nanuod pa nmn ako ng hunger games kagabi .... Eto ung iba sagot ko

1. 34x + 56(67 ×39)  =  tha girl un fayr

2. 23x/129  =  poyson berryss

3. 2 + 2  =  4 :-)

at least may isa ako diba ... Basta wag lng makita ng iba ... eh ang masaklap nilipad ung papel ko sa gitna ng klase kaya nakita ng lahat ... tawa Sila ng tawa .. napahiya na nga lng ako ...sa lahat pa.

at least sikat na ako sa buong skwela ... kada naglalakad ako sasabihin nila "ui si the boy who fail"

pag uwi ko sa bahay saka ko lng narealize na pang asar pala yun ..... hay nako.... bwisetttt

sabado't linggo ulit Wala akong ginawa kundi kain, tulog, kain, tulog .... wala ehhh  masarap ehhh

pagpasok ko ng lunes good mood na good mood ako kahit umuulan kaya lng .... habang papasok ako sa school bwiset na kotse tinalsikan ako ng putik sa polo ko .... kaya buong araw akong madumi ang Polo ........... maygad Quarterly test na bukas ... wala pang masyadong laman ang utak ko

THEQUARTERLYTEST

dis is it ... Eto na un ... ang pinakahihintay ng mga nangongopya...

sa exam maraming mangongopya ... sa katunayan may tawag na sa kanila ... Eto ung isa sa kanila:

laglag balpen gang - Eto ang pinakamadalas na modus sa exam

                                   ihahagis mo ang ballpen mo...tapos habang

                                   kinukuha sabay tingin sa sagot ng katabi mo.

sobrang hirap ng exam lalo na ung math ... matatapos ko ba to..

sa awa ng diyos natapos ko lalo na ung math .... dapat pala may  T-shirt un ehhh tapos nakalagay ... "SURVIVED MATH!!" :O

nakita ko na ung card ko ... ang taas ng grades ko ...Pero line of 8 lng

                                         

                           

Ang Estudyanteng MalupetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon